CHAPTER 57 Hanggang sa huling sandali ng Mama niya, naisip pa rin nitong unahin kung anong mahalaga sa kanya. Naisip niyang kaya na-trap ang mama niya dahil tinangka pa nitong ilikas ang kanyang box. Lalong nagpatindi iyon ng kanyang paghagulgol. "Mamaaahhhhhhhh! Mamaaaaaa kooooooo!" sigaw niya. Pinigilan ni Adam na makalapit si Ricci sa bangkay. Kahit anong pagwawala niya ay hindi niya iyon binitiwan. Nanginginig ang buong katawan ni Ricci. Pauli-ulit nitong isinisigaw ang "Mama" at ang paninisi nito sa sarili. Paano niya mapapatahan ang nagwawalang si Ricci. Hindi na ito nakikinig sa kanyang mga sinasabi, hindi na rin nito nararamdaman ang mahigpit niyang pagyakap. Siya man ay umiiyak sa nakikita niyang pinagdadadanan ng kanyang mahal. Hanggang sa naramdaman na lang ni Ricci na na