CHAPTER 44 "Okey ka lang?" tanong ni Adam nang mapansin niyang biglang nagbago ang expression ng mukha at halata na di na mapakaling si Sofia. "Adam, bumalik na naman pala dito si Ringgo?" Bumunot nang malalim na hininga si Sofia. "Oh my God! Sabihin mo sa aking hindi totoo ang iniisip ko. Sabihin mong nagkakamali ako sa hinala ko." "Anong hinala mo?" "Si Ricci ba?" humawak si Sofia sa braso ni Adam. "Siya ba ang sinusubukan mong mahalin Adam? Dahil nalaman iyon ni Ringgo kaya ngayon siya yung.... Adam please! Nakikiusap ako, save Ricci from him. Napakabata pa ni Ricci to go through all these at alam kong malayo ang mararating ng batang 'yan. Hindi ko gusto yung kutob ko ngayon." Halata ang takot sa mukha ni Sofia. "Then please tell me the truth tungkol sa kung ano talagang nangyar