Chapter 39

1569 Words

( Chapter 39 - Car scene ) Tamara's POV Paakyat na ako sa kuwarto ko nang marinig kong may tumunog na kung ano sa loob ng bag ko. Nagulat ako dahil ang pagkakaalam ko ay hindi naman ako nagpapalit ng message tone ng phone ko. Nang tignan ko ang loob ng phone ko ay nakita kong ibang cellphone pala ang nadampot ko sa loob ng sasakyan na ginamit ni Morado kanina. Pinindot ko ang phone. Nabasa ko ang pangalan ni Denver doon at ang message nito kay Kinn na umuwi na raw ito.  Nanlaki ang mata ko dahil phone pala ni Kinn ang nadampot ko sa kotse na ginamit kanina ni Morado sa paghatid sa akin. Ibig sabihin ay kotse ni Kinn ang ginamit ni Morado nang ihatid niya ako. Bigla tuloy akong napatakbo pababa ng hagdan. Sakto namang narinig ko sa labas ng mansyon namin na paalis na ang driver ni mama

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD