( Chapter 51 - Revenge ng Tamara Squad) Kinn's POV Sinama ko sila sa isang liblib na lugar. Binastos ng lalaking ito si Tamara kaya kailangan niyang maparusahan. Utos kasi sa akin ng ama ni Tamara na kapag may tumarantado sa anak niya ay gulpuhin ko raw. Kung magkaroon man daw ako ng problema ay handa naman daw itong saluhin ako. "Anong pinaplano mo, Morado?" tanong ni Tamara habang binabagtas na namin ang daan papunta sa kagubatan ng Dadonza. Kabisado ko na ang Dadonza. Lalo na ang kagubatan doon. Madalas kasi akong pumunta roon kapag kabilugan ng buwan. Doon ako nagta-transform at pumapatay ng mga mababangis na hayop. Hindi kasi ako puwedeng umalis sa gubat na iyon na hindi ako nakakainom ng dugo ng mga hayop. Parang bampira lang ang pakiramdam ko. Kapag hindi ako nakainom ng dugo at