(Chapter 20 - Ang unang araw ni Morado sa pagiging bodyguard niya kay Tamara) Tamara's POV Hindi ko alam kung bakit dinala pa nila ako sa hospital eh, uminom lang naman ako. Nakakahiya tuloy sa mga nurse at doctor na tumingin sa akin sa emergency room. Ang sabi ni mama ay nadulas daw kasi ako sa hagdan. Ang akala nila ay nabagok ako, pero hindi nila alam na kaya ako tuluyang nawalan ng malay-tao ay nalasing ako ng todo sa ininom kong wine habang naliligo ako kagabi. Mabuti na lang at pagdating ko sa hospital ay nagising na agad ako. Sinabi ng doctor na ayos lang ako, wala namang tama ang ulo at katawan ko. Umuwi rin kami nang oras na iyon at sa bahay ko na tinuloy ang pagtulog ko dahil antok na antok na rin ako. Saktong alas otso ng umaga nang magising ako. Sobrang sakit ng ulo ko. Par