( Chapter 53 - Love wins ) Cyd's POV Sinukat ko ang oras nang pag-uwi ko. Pag-uwi ko sa condo ay isang oras lang ang tinagal. Mabilis pa ang paandar ko ng sasakyan ko kaya malakas ang kutob ko na hindi makakauwi rito si Oliver sa loob lang ng dalawang oras. Kumatok na ako sa pinto ng condo ni Pinunong Tam. Mahigit sampong paper bag ang dala-dala ko. Lahat ng sa tingin ko ay magagamit niya ay binili ko na kanina sa mall. Bumukas ang pinto at tumabad siya na may saplot ng tuwalya sa ibaba. Bagong ligo siya at bagong tabas lang din ang buhok. "Wow! Bumata po kayo at lalo pang lumabas ang pagiging magandang lalaki ninyo," bati ko sa kanya. Napakaseryoso niya dahil hindi manlang siya nangiti sa pang-uuto ko. "Iyan na ba ang lahat nang pinabili ko?" tanong niya. "Opo, narito na po lahat."