NAKAKUNOT ang noo ni Elora pagkatapos lumabas ng kanyang silid. Magulo ang kanyang buhok at naniningkit pa ang mga mata dahil sa antok. Nagising siya dahil sa kalampag mula sa unang palapag ng kanilang bahay. Umagang umaga at may mga taong pumukaw sa kanyang mahimbing na tulog.
Napatingin naman si Lisa, ang kanyang ina sa kanya. Nakasuot ito ng Black halter dress na may slit sa kaliwang hita. Nakataas din ang ayos ng buhok at makapal ang makeup. Si Connor, ang kanyang ama ay magara rin ang kasuotan. Huminga nang malalim si Lisa at dali daling pumanhik ng hagdan upang salubungin ang kakagising na si Elora.
“Anong oras na?!” tanong ng ina, nanlilisik ang mga mata sa galit.
Napatingin naman si Elora sa orasan at taas-kilay na sinagot si Lisa. “Ten am?” sagot niya sa patanong na tono, pinapahiwatig na obvious naman ang kasagutan sa tanong ng kanyang ina.
“They are here, El. Hindi ba sabi ko sa iyo kagabi na may bisita tayo?” tanong niya. Napatingin siya sa bukana ng kanilang pintuan at narinig ang mga boses ng bisita na sinasalubong ni Connor.
“Sorry. I forgot.” Aniya at bumalik na ng kwarto nang itulak siya ni Lisa papasok dito. Umirap siya at tumingin sa kanyang ina. “Aw! Mommy? Pwede mo naman akong hindi itulak e’!” reklamo niya.
“In five minutes, kapag hindi ka pa natapos kakaladkarin kita.” Ani ni Lisa at malakas na sinarado ang pintuan ng kwarto. Nakangiti ito sa bisita nang bumaba ng hagdan na parang walang nangyaring pagtatalo nila ng kanyang anak.
Mabilis na kinuha ni Elora ang kanyang towel at lumabas ng kwarto upang tumungo sa katabing C.R para maligo. Nawala ang antok niya dahil sa pagtataray niya sa kanyang ina at napalitan ng irita. Ini-insist niya sa kanyang sarili na hindi niya kasalanan kung bakit niya nakalimutan ang sinabi ni Lisa sa kanya. Kung hindi ito nag-inform habang may kausap siya sa telepono ay hindi naman iyon mangyayari.
“Damn soap!” mura niya nang hindi bumula ang sabon na hawak.
Pagkatapos maligo ay muntik nang madulas sa gulat nang magtagpo ang kanilang paningin ni Austin. Nakasandal ito sa pader habang nakahalukipkip na parang naghihintay na maging libre ang C.R. Napahawak sa towel si Elora na nakapatis sa katawan niya. Napangisi naman si Austin at pinagsadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa.
“Dahan dahan lang kasi,” mahina niyang sabi at nilagpasan si Elora upang pumasok sa C.R. Huminga nang malalim si Elora at sumugod ulit sa kanyang kwarto upang magbihis nang maayos. Maayos na damit upang hindi siya mahanay muli sa basagulerong si Austin.
Lumabas siya at pumunta sa hapag kainan kung saan nakaupo ang ina ni Austin na si Sonatra Cantoja. Bakante ang upuan nito na malamang si Austin ang nakaupo. Ang nakaupo naman sa harapan ng mag-ina ay ang kanyang mga magulang; Si Lisa na katabi ngayon ang kanyang three-year old brother na si Elias, sa kaliwa naman ni Lisa ay ang kanyang asawa na si Connor na kasalukuyang nilalagyan ng ulam ang plato ni Sonatra.
Bilog ang lamesa, nagdadalawang-isip si Elora kung saan maupo dahil may tatlo pang bakanteng upuan, pero sa huli ay pinili niya ang maging katabi ni Sonatra.
Nakangiting sinalubong ni Sonatra si Elora, ngunit napatingin lang si Elora sa kanya. Walang kahit na anong reaksyon sa kanyang mukha. “Good noon, El. I heard from your father na balak mo raw sa Manila mag kolehiyo?” tanong ni Sonatra sa kanya. Napatingin si Elora sa kanyang kamay na maarteng hinihiwa ang karne ng baka sa plato.
“Yes,” tipid niyang sabi. Bumaling naman si Lisa sa kanya. Binabantayan ang tono ng kanyang pagsagot. “Yes, Ma’am. Doon ako mag-aaral.” Sa ayaw man ni Mommy o ni Daddy. Patuloy niya sa kanyang isipan.
Hindi sila mayaman, hindi rin naman sila mahirap. Ibinenta ni Connor ang lupaing malapit sa San Vicente, Cebu kung saan sila kasalukuyang naninirahan, na ipinamana pa mismo ng mga magulang nito sa kanya. Ang dahilan ni Connor upang malayo sa mapanghusgang mga kapatid nito, malayo sa mga Abetierre Clan at maipamukha niya na hindi hampaslupa ang kanyang pamilya.
“However you dad wants you to stay with me in Cebu. Doon nag-aaral si Austin, siguradong matutulungan ka niya sa studies mo.” Offer ni Sonatra. Umiling naman si Elora at tipid na ngumiti.
“Ew, no! Over my dead body.” Ani niya sa kanyang isipan at palihim na umirap.
Noong ten years old pa lamang siya nang mamasukan ang kanyang ama bilang sekretarya ni Sontara sa isang Real Estate Company. Naging magkaibigan ang kanyag ama at ang boss nito kaya napapadalas ang pagbisita ng mga ito sa kanilang bahay. Dinadala naman ni Sonatra ang kanyang anak na si Austin, kaya niya nakilala ang binata.
Ang tingin ni Sonatra sa kanyang anak ay magalang at matino, pero lingin sa kaalaman nito, basagulero ito at sikat ang pangalan sa mga mayayaman bilang isang womanizer at bully. Kaya niya iniiwasan si Austin.
Tumikhim si Lisa at nakangiting humarap kay Sonatra. “My daughter wants to study in Manila at kaya ko naman siyang pag-aralan, gabayan kahit malayo siya sa amin.” Anito sa magalang na tono. “At isa pa nakakahiya po ang manirahan ang aking anak sa inyo. Sobrang nakakahiya.” Patuloy nito at nagkatinginan sila ni Connor.
“Well, nag-aalok lang naman. If you need help narito lang ako sa inyo.” Alok muli ni Sonatra at ngumiti sa mag-asawa. Umirap nang palihim si Elora at bumaling na lamang sa kanyang pagkain. Tinabi niya ang mga gulay sa plato at hindi ito kinain.
Hindi niya gusto si Sonatra dahil sa pagiging malapit nito sa kanyang Daddy, pero Connor reasurred na walang namamagitan sa kanilang dalawa. It’s just a mere friendship at wala ng iba. Kahit anong paliwanag ni Connor ay hindi naniniwala si Elora. Kapag nalaman niyang nagsisinungaling ang kanyang Daddy ay hindi niya ito mapapatawad.
“Nawawala ata ang anak ko,” wika ni Sonatra at tumingin sa kanyang tabi. Bumaling naman si Connor kay Elora.
“Pwede mo bang hanapin si Austin? Pakiramdam ko nasa tabi tabi lang iyon.”Mahinang tawa nito.
“Daddy?” hindi makapaniwalang tanong ni Elora sa kanya. Sumenyas naman si Connor na huwag na magreklamo pa. Nasa harapan sila ni Sonatra, at ang suwayin siya sa harapan ng kanyang boss ay nakakahiya. “Don’t worry po. Hahanapin ko po siya. I inform you right away kapag nahanap ko na siya.” Walang nagawa si Elora kung hindi ang sundin ang Daddy niya.
“Thank you, Hija.” Maligayang wika ni Sonatra.
Tumungo si Elora sa ikalawang palapag ng bahay kung saan niya huling nakita si Austin. Ang pagdabog ng kanyang paa habang naglalakad ay gumagawa ng ingay sa wooden floor. May tatlong rooms sa itaas, hindi kasama ang C.R. Sumilip siya sa C.R. upang tingnan kung nakalabas na siya. Nang ma kumpirma na wala siya roon ay binuksan niya ang lahat ng pinto ng mga kwarto.
Namilog ang kanyang mga mata nang makita si Austin na nagsisigarilyo habang nakaupo sa kanyang higaan sa kanyang kwarto. Mabilis siyang pumasok upang makuha ang atensyon ng binata.
“Bakit ka nandito?!” sigaw niya. Lihim siyang nagdarasal na hindi umabot sa unang palapag ang kanyang boses.
“Wooden floor at stairs, maliit na bahay na pinagkasya ang apat na member ng family, mamahaling kagamitan o muwebles na hindi naman bagay sa bahay.” Ani ni Austin at tumingin sa kanya. Nakatukod ang dalawa nitong kamay sa kama. “A family of social climber.” Patuloy nito ang ngumiti. Nakahubad ang isang sleeve ng suot-suot nitong lether Jacket, nakasuot din ito ng torn jeans. Maayos ang ayos ng kanyang buhok at hindi mukhang basagulero at bully tingnan.
Tumaas kilay ni Elora at napahalukipkip. “Narito ka ba para husgahan ang pamilya ko?” tanong niya. Hindi na bago sa kanya ang makarinig ng ganitong panghuhusga. Kahit sa Abetierre Clan mismo ng Daddy niya, sa mga pamilya nito sa baryo ay ganito na ang kanyang naririnig tungkol sa kanila.
“Para makita ka,” Ani ni Austin at pinatay ang sindi ng sigarilyo sa flower vase ni Elora. Doon niya tinapon ang Cigarette butt. “Makita kung paano mo ipagmalaki ang sarili mo kay Mama.” Aniya at nilagpasan si Elora. Tinapik ni Austin ang kanyang buhok pero mabilis niyang iniwas ang sarili niya.
“Wala akong gustong makuha sa Mama mo!” pagtanggi ni Elora sa kanya.
“Kung hindi ikaw. Itanong mo sa Daddy mo,” ani ni Austin at sinarado ang pintuan.
Hindi na rin bago sa kanya ang marinig mula kay Austin ang mga ganitong mga paratang, na ginagamit lamang niya o ng Daddy niya ang kanyang Mommy. Magmula nang iwan si Austin ng kanyang Papa ay naging malapit naman si Sonatra kay Cannor. Isa sa mga dahilan kung bakit hindi niya gusto si Austin dahil sa mga paratang na binabato nito sa kanila.
Mapailing na lamang si Elora at nairita nang maamoy ang sigarilyo sa kanyang kwarto.
NASA Grade 11, Senior High na si Elora. Sikat ang kanyang pangalan sa buong paaralan dahil bukod sa maganda ay kilala rin ang angkan nila sa buong San Vicente, Cebu. Sa kanyang mga naririnig ay walang palya sa mukha ang mga Abetierre. Pagpasok siya ng gate ay nililingon siya ng mga kalalakihan. Taas-noo rin siyang pumasok habang hinahayaan na matuyo ang kanyang basang buhok ng hangin.
Nagsitabihan ang mga studyante nang dumaan siya sa corridor. Sinalubong naman siya ng mga kaibigan niyang si Chammy at Jean. Kumikinang sa bago ang shoes ni Chammy kaya niya pinuna ito.
“Bago?” tanong ni Elora sa kanya.
Tumango naman si Chammy. “Yes. Limited edition galing japan. Ikaw? Wala ka bang bago?” tanong nito kay Elora sabay taas ng kanyang kilay. Nakaramdaman si Elora ng irita sa kaibigan ng kaibigan. Sa tono ng pananalita nito ay parang minamaliit siya nito.
“Maghintay ka. Nag-order si Mommy ng bag from London.” Tugon niya. Gusto niyang makapag-aral ng prestigous school sa Manila to show them na kaya niyang makipagsabaya sa mga mayayaman. Kung tingin nila sa mga Abetierre ay mahihirap at sa mukha lang bumabawi, pwes nagkakamali sila.
Mayabang siya dahil maliit ang tingin ng lipunan sa kanila. Pinapamalas niya lamang kung sino ang kanilang hinuhusgahan. “By the way, El. Pinapatawag ka ni Teacher Jessi sa faculty. She have a surprise to you.” Ani naman ni Jean.
“What is it?” iritableng tanong ni Elora. Ayaw niya ng surprises kapag si Jean ang nagsasabi, either ikakairita niya ito o ikakasira ng umaga niya.
“Hindi ko rin alam e’,” ani ni Jean at tumalikod na. “Bye! Mauna na kami sa klase.” Sarkastikong paalam nito at hinawakan sa kamay si Chammy. Buntong hininga na lamang ang ipinakawala ni Elora at tumungo na faculty.
TAHIMIK na ang corridor dahil nagsisimula na sa oras ng klase ang lahat ng mga silid-aralan. Ang tinutukoy naman nitong Teacher Jessi ay medyo strikta at tahimik. Isang bagay na kinaiinisan niya sa isang guro. Gayunpaman, kahit anong reklamo niya ay wala pa ring mangyayari hanggang studyante lamang siya.
Bumagal ang pagmartsa ni El sa labas ng faculty nang mahagilap ang tatlong naglalakihang katawan na lalake na animo’y mga gwardya ng presidente. Lahat sila ay nakaharap sa pintuan ng faculty na parang may inaabangan.
“I’ll call you after the class.” Biglang sabi ng isang lalake na parang ka-edad niya nang lumabas ito mula sa loob. Kumpara sa kasama nitong tatlong lalake, mas maliit ang pangangatawan pero pero matangkad.
He’s wearing a hat at naka jacket. Sa loob ng jacket ay male uniform ng school nila Elora. Maganda balat niya, maputi ang makinis. Naalinag rin ni Elora ang matangos nitong ilong at namumulang mga labi. Kung ihahambing sa mga lalake dito, mas maibubuga ang binatang ito. Higit sa lahat, halatang mayaman.
“Okay, sir.” ani ng isang malaking mama at nauna na silang umalis. Sinundan niya ito ng tingin. Nakangiting lumapit naman si Elora sa kanya.
If he’s rich, we can be friends. Wika ni Elora sa kanyang isipan. “Bago ka?” tanong niya sa binata.
Bumaling naman ang naturang lalake sa kanya gamit ang malalamig na mga mata. Hindi siya sumagot sa tanong ni Elora, nilagpasan niya lamang ang dalaga nang lumabas ang isang guro mula sa faculty. “I heard the news, bumabangon na ang company niyo from the controversy six years agos, Sir Nikko.” Ani ng guro dito.
“Let’s not talk about it.” Baritonong sagot ng binata at naunang naglakad sa teacher. Nakangangang sinundan ni Elora ng tingin si Nikko Goncuenco. Hindi siya makapaniwalang walang kibo ang lalakeng iyon nang tinanong niya ito. Sa lahat ng binabati niya ay nahihiya at nai-intimidate, kapag lalaki naman nangingisay sa kilig, at isang karangalan sa iilang estudyante ang pansinin niya tapos ganoon na lamang makaasta si Nikko sa kanya?