PROLOGUE
LAS VEGAS. Ang siyudad na hindi natutulog. Naririto ang mga casino at world-class entertainment na kilala sa buong mundo. Dahil sa lawak ng oportunidad at negosyo dito, kaliwa’t kanan din ang mga umaasa, ang mga nagbabakasakali, at ang mga nagsasakripisyo.
Isa na ako doon…
Hindi ko naman ito gagawin kung walang malalim na dahilan, ngunit minsan kahit hindi mo kaya, kahit ikaw iyong tipong taong hindi basta basta susugal kung walang mapapala, wala kang magagawa kung nasa dulo ka ng problema. Isang hakbang mo lang, isang pagkamamali ay pwede kang lumagapak sa baba at maging sanhi ng iyong pagkatalo.
Niccolo Goncuenco unbuttoned his shirt, hindi pa niya ito tuluyang hinuhubad. Ngumingisi siya habang nasa bibig niya pa ang nakasinding sigarilyo. Nakaupo siya sa giliran ng kama. Itinaas-baba niya ang kanyang palad sa kanyang tabi, na tila binibigyan ako ng pahiwatig na dapat doon ako maupo.
Nanatili ako sa aking kinatatayuan, gulat pa rin nang makita siya at makasama sa iisang kwarto… Muli.
"I paid half a billion for a night with you, hindi para makipagtitigan sa akin.” Aniya at ngumisi matapos itapon ang cigarette butt sa ashtray sa bedside table. Sumadal siya sa headboard at tumitig sa akin. Mabilis akong umiwas at itinuon ang atensyon ko sa ibang bagay, pero kahit anong iwas ko, ang katotohanan na narito siya ilang pulgada ang layo sa akin ay nagdudulot pa rin ng apoy na minsan ko ng naranasan noon.
Kinuha niya ang kanyang phone, ang ilaw nito ay tumama sa kanyang mukha. Napaangat siya ng tingin sa akin. “Am I going to call your manager then? I will tell him that I wasted my money on a worthless service.” Aniya, narinig ko ang tunog ng pagtimpa niya ng numero dito. “Sa pagkakaalam ko, ang feedback ng client ang nakasalalay ng image at traffic ng kompanya niyo, hindi ba?” aniya. Hindi pa rin naaalis ang ngisi sa kanyang mukha.
Huminga ako nang malalim. Tama siya at kapag naiabot niya sa manager ko ang reklamo niya’y pwede akong sesantihin. Bakit nga ba ako nagtataka? Hindi kailanman naging mabuti sa akin ang mundo mula noong ipinanganak ako hanggang nakilala ko siya.
Pero may mga taong hindi ko pinagsisihan na nakilala ko, ngunit ang mga taong iyon hindi ko rin na gugustuhing makita kong muli. Isa na doon si Niccolo.
Tumabi ako sa kanya at kahit nanginginig ang kamay ko ay itinuon ko pa rin ang atensyon sa pagtatanggal ng mga natirang butones ng shirt niya. Narinig ko ang pagngisi niya sa aking harapan. Kinagat ko ang aking labi bago siya pinaulanan ng halik. Mula sa tiyan, paitaas hanggang sa leeg.
“There you go…” mahina niyang ani at sinundan ng ngisi…
I don’t care anymore. Kaunting tiis lang naman, Elora. Makakalaya ka rin at mukhang hindi naman siya magtatagal sa Las Vegas, lalo na’t ikakasal siya sa Pilipinas ngayon taon. He’s a Goncuenco after all, They don’t believe in courtship, sanay sila na ang babae ang humahabol sa kanila and they take advantage of it to toy them. His elder brothers were the evidence.
Sinalubong niya ang labi ko. Licking and sucking my tongue na para bang sa kanya iyon. Hinawakan niya ang buhok ko at niriinan ang pagdikit ng labi ko sa labi niya. Pumaibabaw ako sa kanya, ngunit buong lakas niya akong inihiga sa malambot na kama at marahas na pinunit ang aking damit. Siya ngayon ang pumaibabaw sa akin.
“Nikko!” hiyaw ko at sinubukang pigilan ang kamay niya nang akma niyang huhubarin ang damit pang-ibaba ko.
Umangat ang paningin niya sa akin. “Why? Hindi ba’t dapat nasanay ka na? Trabaho mo ito, Elora. You must be moaning in pleasure right now instead of complaining.” Sarkastikong aniya at kinagat nang marahan ang ibabang labi ko. “I’m sure some of your clients banged you harder more than I did before. Threesome and hardcore s*x are likely to happen in your job. Ikaw pa ba.” Patuloy niya at ngumisi.
Diyan siya nagkakamali...
Pinagsadahan niya ng kanyang daliri ang aking tiyan hanggang maipasok niya sa loob ng aking underwear ang kanyang mga daliri. Caressing my fold gently. Napakagat ang labi ko kasabay ng paghawak ko sa kanyang magkabilang braso.
Nang makita niya ang reaksyon ko ay muli siyang ngumisi. Inilapit niya ang kanyang mukha sa aking tenga upang bumulong. “You became the kind of person I hate the most, Elora.” Punyal ang tumama sa aking dibdib. Yes, siguro nga. I was just scared to let him know that my current situation forced me to be one. Nangingilid ang luha sa aking mga mata, ibinaling ko na lang ang mga mata ko sa kabila habang hinahayaan pinapaulanan niya ng halik ang aking leeg.
Hinayaan niya akong hubarin ang lahat ng kasuotan ko, hinayaan ko siyang hawakan at halikan ako na kung saan hanggang maramdaman ko ang pagpasok niya sa akin. Hindi ako nagreklamo, kung ito ang ikakasaya niya pagkatapos ng ilang taong pagiging alipin sa akin. Kung ito sa tingin niya ang makakapagpalaya sa kanya at ang makakapagbalik ng dating siya. Sige, hahayaan ko siya.
"No one will ever f**k you like the way I do," he cursed under his breath. Bumaba siya upang halikan ako ng mariin. “Babalik at babalik ka sa akin. Naiintindihan mo ba?”
Tatlong oras? Apat na oras? Lima? Anim? Matatapos din ‘to. Hindi na niya ako kailangan bukas, itatapon na parang basahan pagkatapos mapakinabangan. Wala akong gagawin upang bumalik sa kanya. Nagkakamali siya ng inaakala.
Kung hindi dahil sa pinakaimportanteng tao sa buhay ko, hindi ko naman kailangang makita muli ang mga taong bumuo ng pagkatao ko at ang mga taong wumasak sa akin.
Kung hindi lang dahil sa anak ko...