HALOS mabasag ang eardrum ni Elora habang nagsasalita ang kanyang Teacher Jessi sa kanyang harapan. Pasok sa tenga, labas sa kabilang tenga ang ginagawa niya. Hindi niya alam kung ano ang gustong iparating ni Jessi tungkol sa hindi pagsulpot ng mommy niya sa kanilang school nang ipinatawag ito dahil sa gulo kung saan nadawit si Elora. Pinagpyestahan ng mga Grade 12 ang bag ni Elora na pinagmamalaki niyang nanggaling sa Singapore. May nakaalam ng pagsisinungaling niya na binili lamang ito sa Cebu at sinabi sa mga bully ng Grade 12. Nagalit si Elora sa mga ito kaya niya tinapunan ng bagong lutong champorado ang leeg ng isang Grade 12. Umiiyak ito sa hapdi ng balat at kinabukasan ay tumungo ang mga magulang nito sa school upang marinig sa labi ni Elora ang panghihingi ng tawad. Ipinatawag din si Lisa pero hindi ito sinabi ni Elora sa kanya.
“El, alam mo bang pinakiusapan ko ang principal na hayaan kang pumasok sa school kahit hindi pa nase-settle ang problema?” tanong ni Jessi sa kanya, problemadong problemado ang boses nito. Nagmamatigas si Elora at ini-insist na wala siyang kasalanan.
“Sila dapat humingi ng sorry sa akin. Pinahiya nila ako sa Canteen.” Sabi nito habang nakahalukipkip. “At bakit naman ako mag-so-sorry e’ sila tong nambubully! Excuse me, Ms. Jessi ha kaya lumalaki ulo nila dahil sa kanila kayo pumapanig. E’ ano ngayon kung anak ng Mayor ang isa diyan? Akala ko ba pantay-pantay kami dito sa school?” nakataas na kilay na tanong ni Elora.
“Elora, pakibaba ng pride mo.” pakiusap ni Jessi.
Umirap na lamang si Elora at napangiwi. Napatingin siya sa gawi at nakitang papasok si Nikko sa Classroom nila. “Ms. Jessi, sino po iyong bagong lalakeng iyon?” tanong niya. Mas lalo siyang binalot ng inis nang makita ang aroganteng lalakeng iyon. Hindi naman malayo ang mukha nito sa mga taga Maynila at alam niyang marami pa siyang makikilalang mestizo kapag doon siya mag-aaral kaya hindi dapat ito nagyayabang.
“Huwag kang change topic!” ani ni Ms. Jessi. “Pinag-uusapan natin dito kung kailan pupunta ang Mommy mo.”
“Sasabihin ko sa kanya mamaya, Okay?” iritableng pagtatapos ni Elora at kahit hindi pa sila tapos sa kanilang pinag-uusapan ay umalis na ito. Gustong pigilan ni Jessi si Elora sa paglalakad pero naiyak na lamang nang hindi siya nito pinakinggan.
PUMASOK si Elora sa Classroom nila. Nadatnan niya si Nikko nakaupo sa kanyang upuan. Mas lalo siyang nainis, siya ang pumili ng pwestong iyon: Sa pinakagilid, tabi ng binata, at ikalawang row. Napatingin siya sa kanilang Adviser na kasalukuyang nagtuturo sa harapan.
“Bakit po may ibang tao ang nakaupo sa pwesto ko?” tanong ni Elora. Nahinto sa pagsasalita ang guro at napatingin kay Nikko.
“Nikko Goncuenco is a near-sighted person. Malabo ang paningin sa kapag nasa malayo siya. May vacant seat naman sa harapan niya doon ka na lang maupo, Elora.” Ani ng ginang.
“Edi dapat sa harapan siya nakaupo?” tanong ni Elora.
“He chose that seat. Please respect him, Elora.” Anito.
“What?” tanong ni Elora pero nang magsimulang magturo ang guro ay hindi na siya nakipagtalo pa. Hindi siya makapaniwalang ang taas-taas ng respeto ng mga guro sa lalaking ito. Natatandaan niya kanina na may dala-dala itong gwardya at tingin niya ay mula si Nikko sa mga hindi basta bastang mayamang pamilya.
Naupo siyas sa harap ni Nikko. Maganda na rin siguro sa pinakagilid at pinakunang row. Ang poproblemahin niya lang ay kung sakaling mag recitation ay baka mauuna siyang tawagin. Sumulyap siya kay Nikko nang maamoy ang pabango nito.
Nakatingin ito sa harapan at nang mapansin na nakatingin si Elora sa kanya at lumipat ang paningin niya sa dalaga. Mabilis na bumaling sa harapan si Elora at kunwaring hindi sumulyap kay Nikko.
Pabango pa lang mamahalin na. Wika ni Elora sa kanyang isipan. Curious na curious siya kay Nikko buong araw, gusto niyang tanungin ito pero hindi siya makahanap ng paraan.
Sinadya niyang bitawan ang kanyang notebook upang matapon sa giliran ng inuupuan ni Nikko. “Pwede mo bang kunin?” tanong ni Elora sa kanya. Nahinto sa pagsusulat si Nikko at napatingin sa sahig kung saan nakahadusay ang kawawang notebook. “Please?” nakapalumbabang pakiusap ni Elora.
Nagkatinginan sila ni Nikko. Hindi mawari ng dalaga kung paano pinanganak ang binatang ito na walang kahit na anong emosyon sa mga mata, sa kabila ng pagiging nakakahalina nito.
Sinipa ni Nikko ang notebook papunta sa kanyang direksyon at nagpatuloy sa pagsusulat. Huminga nang malalim si Elora at kinuha ito nang padabog. Tinapunan niya ng matalim na tingin ang binata bago pinagpatuloy ang pagsusulat. Napatingin din siya sa kaibigang si Chammy na ngayon ay hindi maganda ang timpla habang tinitingnan din siya pabalik.
“Arrogant,” bulong ni Elora. Sapat na upang marinig ni Nikko. Sandaling nahinto si Nikko at napatingin sa direksyon niya bago nagsulat na lang muli.
TUMAHIMIK ang maingay na Canteen nang pumasok ang sina Elora, Chammy, at Jean. Ang Grade 12 na nakalaban niya nitong nakaraang linggo ay nahinto rin sa pagtawa. Matalim na tingin ang ipinukol ni Melany sa kanya at ng mga kasama nito. Ang kanyang leeg ay nakabalot ng bandage.
“Mag-ingat ka, El. Baka tapunan ka ng arozacaldo tulad ng ginawa mo sa kanya.” Wika ni Jean habang pumipila sila sa bilihan ng pagkain.
“Hindi mangyayari iyon. Mayor ang tatay niyan, syempre takot na mabahiran ng dumi ang pangalan.” Taas-noo at confident na tugon nman ni Elora.
“Hindi mo sure,” ani ni Chammy. Napatingin silang dalawa kay Nikko nang naglalakad ito kasama ang isang gwardya. Halos ng mga babae sa school ay lumilingon sa kinaroroonan niya, nakukuha ang kanilang atensyon sa simpleng paglalakad lamang ni Nikko. “Ang swerte natin at naging classmate natin si Nikko!” maligayang wika ni Chammy at tila naninisay sa kilig.
Umirap si Elora habang ikinakawit ang hibla ng buhok sa likuran ng kanyang tenga. “Ano naman ang special sa lalakeng iyon? Alam niyo girls. Sa Maynila ay maraming katulad niya.” Wika ni Elora habang hindi inaalis ang paningin kay Nikko. Aminado siya na maraming gwapo at mayayaman sa school nila, ngunit kakaiba si Nikko sa lahat. Animo’y sa lahat ng malilinis na papel, siya ang naningingibabaw.
“Ano ka ba, Elora. Huwag ka ngang magpanggap na hindi ka interesado sa kanya.” Wika ni Chammy na siyang nakakita kung paano ihulog ni Elora ang kanyang notebook sa paanan ni Nikko. “Kung makainis ka, e’ alam ko naman na hindi ka papatulan ng tao.”
“Anong sabi mo?” tanong ni Elora, tonong naghahamon. Malaki ang confidence niya sa sarili na ang mga katulad ni Nikko ay magkakainteres din sa kanya balang araw. Katulad ng iilang kalalakihan sa kanilang school.
Hinawakan ni Jean si Elora sa braso upang pigilan ang dalawa sa gulo. “Tara na nga. Humaba ang pila.” Yaya nito. Umirap si Elora kay Chammy at hinayaan na lamang si Jean na hilain siya patungo sa loob.
Mataas ang pila at halos aabutin pa ng ilang minuto bago sila makaabot sa dulo. Uminit ang ulo niya sa sinabi ni Chammy pero mas lalong uminit ang kanyang ulo habang nakapila sa pinakadulo. “Kapag ako talaga mananalo sa student Org. Malaya akong makakapila sa unahan na walang nagrereklamo.” Ani ni Elora. Pinaypay niya ang kanyang sarili sa irita at kinuwit ang isang babae sa kanyang harapan.
“Excuse me? Pwede bang ako muna? May kailangan pa akong gawin e’.” Wika niya.
“Huy, El. Ano ka ba!” suyaw ni Jean sa kanya nang mahimigan ang irita sa mukha ng babae sa unahan.
Hindi pa nakakasagot ang babae sa kanya nang humakbang siya at pinalitan ang pwesto nito. Si Jean at Chammy ang humingi ng tawad para sa kanya. Ngunit dahil nahahabaan pa sa pila ay taas-noo siyang naglakad papunta sa unahan at akmang papalitan sa pwesto ang pinakauna sa pila.
“Excuse me,” wika ni Elora. Dahil hindi umaalis ang isang babae sa gilid niya at buong lakas niyang tinulak ito na naging sanhi ng pagkawala sa balanse ng babae at pagkagulo sa pila.
“El!” sigaw ni Jean sa kanya. Si Nikko ang sumalo sa babaeng tinulak niya. Tinapunan siya ng tingin ni Nikko bago tinulungan sa pagtayo ang babae.
“S-salamat, Nikko.” Biglang sabi ng babae at inayos ang salamin sa kanyang mga mata.
Ngumisi si Elora at umiling. “Haharang harang e’.” Irap at iritableng sabi ni Elora.
Ang nangyaring commotion ay unti unting humuhupa nang dumating si Nikko. Nag-iisa ito at hindi kasama ang gwardya. May iilang babae tila naninisay sa kilig habang nakatingin sa kanya, kabilang na doon ang babae na tinulak ni Elora.
“I’m Patricia pala,” inabot ng babae ang kanyang palad kay Nikko. Napatingin si Nikko sa kanya bago tinanggap ang kamay ng dalaga. Pinamulahan naman ito ng pisngi nang magdikit ang mga palad nilang dalawa.
Bumaba ang paningin ni El sa mga kamay nila at umirap. “Chicken nuggets at Chuckie.” Aniya sa School Vendor. Tiningnan lamang siya ni Mang Danilo dahil sa ginawa niya. Tumaas ang kilay ni Elora kaya napailing na lamang ang matanda bago binigay sa kanya ang kanyang order.
Napapatingin sa kanya ang mga studyante nang umupo siya sa Bakanteng upuan. Ang mga grade 12 na nakalaban niya ay parang gusto siyang sugurin. Hindi ito pinansin ni Elora hanggang tumabi sa kanya si Jean na may dala dalang pagkain at si Chammy.
“Lahat ata ng mga babae dito sa school gusto kang katayin nang buhay.” Sabi ni Chammy at ngumisi. “Paano ka mananalo niyan sa Student Org?”
“Huwag kang mag-alala. Mas maraming male students sa school na ito kesa sa mga babae.” Birong sabi ni Elora.
Nagkaroon ng katahimikan sa loob ng canteen at bumaling ang halos lahat sa direksyon ni Patricia nang nilapag ni Nikko ang order nitong pagkain sa mesa niya. “S-salamat,” wika ni Patricia na nauutal.
Sumulyap si Nikko sa direksyon ni Elora bago lumabas ng Canteen. Mahigpit naman na napahawak si Elora sa kanyang tinidor sa inis nang mapansin ang ngiti sa labi ni Patricia.
Pinapalabas niya bang masamang tao ako sa mga mata ng mga studyante dito? Madali lang sa kanya gawin iyon dahil mabait ang unang impression sa kanya. Wika ni Elora sa kanyang isipan.
“El? Saan ka pupunta?” tanong ni Jean nang tumayo si Elora.
“Magpapakalma!” sigaw ni Elora at umalis ng Canteen.