First day of OJT, maagang naggayak ang magkaibigan. Naniniwala kasi sila sa kasabihang first impression last. Kaya naman kahit alas dies pa ang kanilang call time, umalis pa rin sila ng maaga sa boarding house nila. Pagdating sa Bitter-Sweet Cafe, ay agad nilang tinungo ang back door kung saan ang pasukan ng mga empleyado.
“Wow, ang aga niyo naman mga hija,” gulat na saad ng manager nila.
“Good morning po!” Magkapanabay pa nilang bati rito.
“Ayaw lang po naming ma-late sa unang araw namin,” nakangiting sagot niya rito.
“Well very good naman kayo diyan. Anyway, ako nga pala si Ada. Ms. A na lang for short. Iyon naman kasi ang tawag nila sa akin dito,” nakangiting pakilala nito sa kanila. “Ilagay niyo na muna ang mga gamit niyo sa locker niyo,” dugtong pa nito saka itinuro sa kanila ang magiging locker nila. “Magbihis na rin pala kayo. May CR naman dito sa locker. Puntahan niyo na lang ako sa opisina pagkatapos niyong magbihis ha?” bilin pa ni Ms. A bago sila iniwan nito sa locker.
Matapos silang makapagbihis ay agad silang nagtungo sa opisina nito. Itinuro naman sa kanila ang mga gagawin nila, at kung saan sila maa-assign. Si Missy ay sa bar muna for this entire OJT period nila, samantalang siya ay sa dining area naman. Nang matapos ibigay ang kanilang mga schedules ay nag-check in na sila.
Ipinakilala sila ni Ms. A sa mga naka-duty na staff doon. Ipinakilala rin sa kanila ang magiging buddy nila. Pagkahatid sa kanila sa dining area, iniwan din sila nito agad. Dahil abala rin ito sa naiwang trabaho nito sa opisina.
“Hello, ako si Gara, pero they call me Momsie. Since pareho tayo ng name, Momsie na lang din ang itawag niyo sa akin. Si Blessie ang magiging buddy mo sa dining, at Missy naman ang sa akin,” nakangiting pakilala at paliwanag nito sa kanila.
Mababait naman ang dalawang sumalubong sa kanila, na halatang mga matatagal na roon.
“Hi! Grace, tama?” tanong sa kaniya ng Blessie ang pangalan.
“Opo,” tumatangong sagot niya rito saka ngumiti.
“Halika na. Iwan mo na muna iyang kaibigan mo kay Momsie, ako nang bahala sa iyo,” nakangiti ring sabi nito sa kaniya. Sumunod naman siya rito at nagtungo sila sa may cashier area.
“Alam niyo bang graduate rin ako sa school niyo?” tanong nito sa kaniya habang nagsasalansan sila ng mga cutleries sa lagayan.
Nanlalaki ang mga mata niyang sinulyapan ito. “Talaga po? Anong batch po kayo?” natutuwang tanong niya rito.
“Batch seven ako. Tanda ko na ‘no?” bungisngis pang turan nito sa kaniya.
“Hindi naman po halata. Mukha ka pa rin pong bata,” nakangiting sabi niya rito. Hindi naman kasi talaga mukhang matanda ito.
“Ayyy, bolera ka. Magkakasundo tayo niyan,” pabiro pa siyang pinalo nito sa kaniyang braso.
Sabay pa tuloy silang nagkatawanan. Maya-maya lang medyo sumeryoso na ito.
“Hindi naman mahirap ang trabaho rito bhe. Iyong mga guests lang ang may pagka-demanding. Minsan namamahiya, pero okay lang iyon. Pasok sa isang tainga, labas sa kabila ang technique roon. Saka don’t take it seriously okay? Normal lang ‘yan. In real life, gano’n na talaga ang kahaharapin mo. Kaya hindi kita ibe-baby okay?” mahabang paliwanag nito sa kaniya. Tumango-tango naman siya habang matamang nakikinig dito.
“Tapos iyong mga VIP guests natin, dapat ipapaalam mo kaagad sa manager. Kasi maarte ang mga iyon. Ayaw ng kung sino-sino ang nagse-serve sa kanila.” Bumungisngis pa ito bago bumaling sa kaniya.
Madami pa itong itinuro sa kaniya, pati kalokohan itinuro na yata ni Blessie sa kaniya. Masaya naman itong kasama, at talagang nakakaaliw. Kaya naman pakiramdam niya napakabilis ng araw nila. Hindi nga niya namalayang uwian na pala nila.
Nag-out na sila ni Missy, at saka masayang naglakad papuntang sakayan ng jeep. Pagdating nila sa kanto ng kanilang tinutuluyang bahay, bumili muna sila ng makakain. Hindi na kasi sila makakapagluto, kaya lutong pagkain na lang ang kanilang binili.
“Grabe kapatid, nakakapagod pero masaya naman ang OJT natin. Nakakatuwa iyong mga kasama natin,” komento ni Missy habang kumakain na sila.
“Oo nga eh. Alam mo bang si Ate Bless pala ay sa school din natin nagtapos?” sabi pa niya rito.
“Talaga? Wow ang galing! Sana ma-absorb din tayo sa BSC ‘no? Para naman pagka-graduate, hindi na tayo maghanap pa nang mapapasukan,” wika pa nito sa kaniya.
“Oo naman kaya sisipagan natin ang pag-aaral, at OJT para sure tayo na ma-absorb pagka-graduate natin,” puno ng determinasyong saad niya rito.
Ngumiti naman ito at sumang-ayon sa kaniyang sinabi. Pagkatapos nilang kumain, ay nagprisinta na si Missy sa pagliligpit. Hindi na siya umangal pa sa kaibigan. Napagpasyahan niyang maligo na lang habang hinihintay na matapos ang kaibigan. Sabay kasi nilang tatapusin ang kanilang log book, para sa mga natutunan nila ngayong araw sa kanilang OJT. Kasama kasi iyon sa binibigyan ng grade ng kanilang guro.
Nang matapos si Missy sa paghuhugas ng mga pinagkainan nila, ay naligo muna rin ito at nagbihis. Saka ito sumalampak sa sariling higaan upang umpisahan na nila ang kanilang log book. Kailangan nilang sulatan iyon araw-araw, at ipapasa nila sa reporting day nila sa kanilang school. Negative and positive feedbacks ang kailangan nilang ilagay roon. Isa pa kailangan din nilang lagyan ng art ang kanilang log book. Ayon sa kanilang guro, iyon daw ay para nakaka-enganiyong buklatin at basahin iyon kapag ipinasa na nila.
Ilang sandali pa ay nakaramdam na sila ng antok ni Missy. Humihikab niyang binalingan ang kaibigan saka nakapangalumbabang nagsalita. “Kapatid, tulog na tayo. Bukas na ulit ito.” Yaya na niya kay Missy.
Nag-iinat namang sumulyap ito sa kaniya. “Sige, inaantok na rin naman talaga ako eh.”
Tumayo sila’t iniligpit na ang kani-kanilang mga gamit, saka muling nagtungo sa kanilang mga higaan upang maghanda na sa pagtulog.
“Good night kapatid,” nakangiting sabi niya sa kaibigan saka pinatay ang ilaw.
“Good night sa atin,” sagot naman nito sa kaniya.
‘Thank you po for today. Please help us to survise this journey,’ sambit pa niya sa kainyang panalangin.
May ngiti sa mga labing nahiga na siya sa kaniyang kama. Talaga namang nag-enjoy sila sa kanilang first day. Nakadagdag pang mababait ang mga buddy nila ni Missy. Lalo tuloy siyang nasasabik sa mga darating pang mga araw. Huminga siya nang malalim at ninamnam pa niya iyon, saka niyakap ang kaniyang unan. Hindi na niya alam kung paano siyang nakatulog, basta ang alam lang niya ay masaya siya sa kaniyang experience ngayong araw. Unti-unti na niyang maabot ang kaniyang mga pangarap.