Chapter 5

1527 Words
Sa paglipas ng mga araw at lingo, nae-enjoy na nila ni Missy ang pagpasok sa BSC araw-araw. Minsan nga lang ay hindi sila magkasabay ng shift nito. Pero okay lang naman sa kanila iyon, dahil nagkikita pa rin naman sila sa kanilang boarding house, at sa BSC. Ngayong araw nga ang kanilang huling araw sa BSC bilang mga trainee. “Congratulations sa inyong dalawa! Na-survive niyo ang inyong training period. Sana maging successful ang inyong schooling,” bati sa kanila ni Ms. A. Kasalukuyan silang nasa dining area kung saan wala namang mga guests ng mga oras na iyon. Binati sila ng kanilang manager, at binigyan ng cake bilang parte ng celebration. “Thank you po sa inyong lahat. Madami po kaming natutunan, at mai-aapply po namin iyon in the future,” magiliw naman niyang saad sa kanilang manager. “Salamat po Ms. A! Kahit madami akong palpak, hindi kayo nagsasawang itama ako,” nakangisi namang wika ni Missy na ikinatawa ni Ms. A. “Wala iyon, nobody’s perfect naman. Pero sana gamitin mo ang mga pagkakamaling iyon para mag-grow ka okay?” Inakbayan pa ito ni Ms. A. “Oh, sige na roon na kayo sa mini dining, at kumain na muna kayo bago kayo umuwi,” sabi pa nito sa kanila. “Opo. Thank you po ulit!” Muli nilang pasasalamat dito. Tinanguan naman sila nito saka naglakad na palayo. Habang siya naman ay nagpatiuna nang maglakad patungong mini dining, dahil talagang nagugutom na rin siya. Masayang-masaya sila ni Mizzy dahil mataas naman ang igrinado sa kanila. Isa pa, maganda rin ang mga feedbacks na natanggap ng kanilang paaralan sa kanila. Isa na lang ang kailangan nilang lusutan, at ito ay ang Final Trade Test nila. Dito na sila magkakaalaman para sa final grades nila. “Kapatid, isa na lang ang lulusutan natin, iyong Final Trade na lang. Grabe ito na iyon, lalahatin na natin ang field!” sabi ni Missy habang naghahain sila ng kanilang pagkain sa boarding house. “Oo nga. Chef ka na, bartender pa, at waitress na rin. Career na ito!” sang-ayon naman niya rito. Sabay pa silang nagkatawanan ni Missy. Sa wakas at matatapos na rin sila sa kanilang pag-aaral. Konting kembot na lang at matutupad na nila ang kanilang mga pangarap. Makakatulong na rin sila sa kani-kanilang mga pamilya. “Carry boom, boom na iyan. Ibubuhos na natin ang isang daang pursyento natin. Worth it naman after eh,” nakangising sagot niya sa kaibigan. At hindi nga nagtagal, dumating na ang araw na pinakahihintay nila. Final Trade Test na nila. At hindi basta-basta ang mga mag-ja-judge sa kanilang performance. Sila ni Missy ang magkapareha kaya naman palagay sila sa isa’t isa. Sa first day, siya ang tatayong Chef at bartender, habang si Missy naman ang siyang waitress at bar server. Nairaos naman nila nang maayos ang unang araw. Sa ikalawang araw ay magbabaliktad na sila ni Missy, siya naman ngayon ang waitress at bar server. Samantalang si Missy ang Chef at bartender. Kagaya ng naunang araw, nairaos din nila ang araw na iyon. Masaya naman ang mga naging judges nila. “Kapatid! Finally natapos din,” ngiting-ngiting wika ni Missy, sabay salampak sa upuang nasa labas ng kanilang silid aralan. “Oo nga finally! Makakahinga na rin tayo nang maluwag. Nae-excite na ako sa magiging resulta!” kinikilig pa niyang sagot sa kaibigan. “Ako nga rin eh. Sana lahat tayo makapasa,” dagdag naman nito sa kaniyang sinabi. Nasa ganoong pag-uusap sila nang tawagin sila ng kanilang guro. Nagkatinginan pa sila ni Missy, at biglang kinabahan. Bakit kaya sila tinatawag ng kanilang guro? Agad naman silang lumapit kahit pa naguguluhan sila. “Ma’am ano po iyon?” magkapanabay pa nilang tanong dito, nang makalapit na sila. “Congratulations! Nagustuhan ng mga guests ang pagde-deliver niyo ng foods and beverages, at ang pakikipag-deal sa kanila. Well done ladies! We’re so proud for both of you!” nakangiting saad ng kanilang guro, at niyakap pa sila nito. “Talaga ma’am? Naku maraming salamat po kung ganoon!” kumikislap ang mga matang sagot ni Missy. “Kapatid, narinig mo iyon? Eeeiii!” impit na tili pa nito habang hawak siya sa magkabilang balikat at inaalog-alog. “Aray ko kapatid, narinig ko puwede ‘wag mo na akong alugin, at sumasakit ulo ko,” natatawang reklamo naman niya rito. “Ma’am maraming salamat po!” sabi pa niya sa kanilang guro, nang tantanan na siya ni Missy sa kakaalog nito sa kaniya. “You’re welcome! Okay ladies. Keep it up! I’ll see you next week,” nginitian sila nito bago tumalikod sa kanila. “Eeeiii!!!” tili na rin niya, nang makaalis na ang kanilang guro. Natutop pa niya ang kaniyang bibig nang parang napalakas ang kaniyang pagtili. Humagikhik pa si Missy sa kaniyang ginawa na nauwi naman sa malakas na halakhakan. Kagaya ni Missy masayang-masaya rin siya sa natanggap na compliment. Madalang mangyare ang mga pagkakataong katulad niyon. Kaya naman natutuwa talaga silang magkaibigan. Hindi na sila makapaghintay sa araw ng kanilang graduation, at ang announcement kung absorb ba sila sa kanilang pinag-OJT-han o hindi. Makalipas ang ilang araw, at heto na nga ang pinakahihintay nila. Announcement na ng kanilang job opportunity. Masasabi niyang ngayon talaga niya nararamdaman ang pagka-excite, and at the same time kabado rin siya. “Gracia, ito na! My gooseneck! Ang puso ko parang mawawala na sa puwesto!” impit na tili ni Missy na nakaupo sa kaniyang tabi. “Huwag ka nang magulo diyan pati ako nate-tense na rin sa iyo eh,” saway naman niya rito. “Eh kasi naman kapatid parang may eviction lang eh. Alam mo iyong sa bahay ni Kuya sa PBB? Parang gano’n lang kaka-tense ng major-major!” over acting pang pagkakasabi nito sa kaniya. “Kakaloka ka. Ayan na si Ma’am!” umayos na silang lahat nang upo, at tila mga mababait na batang tumahimik. Ang focus ay tanging kay Ma’am lang. Isa-isang tinawag ang mga na-absorb sa mga pinag-OJT-han nila. Nang marinig nila ang pangalan nila ni Missy, ay parang mga loka-loka pa silang nagtititili. Sabay pa nilang natutop ang kanilang bibig nang sawayin sila ng kanilang guro. Napabungisngis naman sila habang naka-peace sign dito. Pagkatapos ng announcement, nagkani-kaniya na sila nang huntahan. May mga masasaya, at may malulungkot din. Sa mga hindi na-absorb kasi, kinakailangan nila uling dumaan sa interview. Mabuti na lang talaga, at naabsorb sila ni Missy. “Naku kapatid matutuwa panigurado ang mga magulang ko nito. Sa wakas makakatulong na ako sa pagpapa-aral sa mga kapatid ko!” tuwang-tuwang sabi nito sa kaniya. “Siyempre naman friend sure iyan. Lalo na kapag nalaman nilang isa ka sa may award sa graduation natin!” natutuwa niyang sabi sa kaibigan. Matalino naman talaga kasi si Missy at masipag mag-aral. Kaya hindi kataka-takang may makuha itong award sa kanilang school. Masayang-masaya siya para sa kaniyang kaibigan. Kaya naman nang sumapit ang kanilang graduation, tuwang-tuwa ang mga magulang nito. Napaluha pa ang mga ito sa speech na inihanda nito. Sobrang nakaka-inspire, at nakakaiyak ito. Proud na proud siya para sa kaibigan. Kaya nang matapos ito sa speech nito, at makabalik sa upuan nila, agad niya itong niyakap at binati. “Congrats kapatid! I’m so proud of you!” maluha-luhang bati niya rito. “Thank you. Congrats din sa iyo, I’m so proud of you too!” ganting saad nito saka nagpunas ng kaniyang luha. “Ano ba iyan, masisira ang muk-up natin!” biro niya rito na ikinatawa naman nito. “Ayyy oo nga. Hindi pa naman water proof ang eye liner ko saka mascara. Baka kumalat magmukha tayong mamaw,” natawa naman siya sa banat nito. “Tama na nga iyan. Halika na at mag-gu-group picture na raw.” Hinila na niya ang kaibigan, at nagtungo na sila sa stage kung nasaan ang kanilang assembly. Mabilis lang din natapos ang kanilang pagdiriwang ng kanilang graduation. Nang maghiwa-hiwalay silang magka-kaklase, may kaniya-kaniya silang baong ngiti sa mga labi. Ito ay tanda nang simula ng kanilang tagumpay. “Congratulations!” bati sa kaniya ng mga magulang at kapatid niya. Kasalukuyan silang nasa labas ng bulwagan, kung saan ginanap ang kanilang graduation. “Salamat po. Sa wakas puwede na akong mag-boyfriend!” pabirong sambit niya sa kaniyang pamilya. “Aha! At may masamang balak ka agad ha!” natatawang sabi naman ng kaniyang ate. “Naku anak, kahit mga sampu agad ayos lang,” gatong naman ng kaniyang ina na ikinatawa nilang lahat. “Sampu agad talaga ‘nay? Grabe naman iyon,” tatawa-tawang saad naman niya rito. “Joke lang iyon anak. Pero kung tototohanin mo, okay lang din naman. Basta ba isa lang ang pakakasalan mo,” nakangising sagot nito sa kaniya. “Hala! Si nanay talaga,” tanging nasabi na lang niya rito, saka niyakap ang mga ito. Maya-maya pa’y nagyaya na ang mga itong umuwi. Walang pagsidlan ang kagalakan niya dahil ito na ang umpisa ng kaniyang tagumpay. At mag-uumpisa na rin ang totoong laban niya sa buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD