Chapter 8

1604 Words
Mabilis na lumipas ang mga araw at taon. May mga nalipat, na-promote, at siyempre mga bagong dating sa BSC Greenhills. Maswerte si Thummy na hindi siya nalilipat ng branch. Ito na kasi ang pinaka convenient na lugar para sa kaniya. “Gracia!” Napalingon siya sa entrance ng restaurant, nang marinig ang matinis na boses na tumawag sa kaniya. Agad nangislap ang kaniyang mga mata nang makita niya si Missy. Dali-dali niya itong sinalubong, at niyakap. Mabuti na lang at walang guest sa baba ng mga oras na iyon. Hinila niya ito sa table malapit sa bar at doon pinaupo. “Kailan ka pa dumating?” excited na tanong niya rito. Nagbarko kasi si Missy nang matapos ang dalawang taong kasunduan nila sa kanilang school. Hindi naman niya ito masisisi, dahil kailangan nito ng mas malaking kita. Tatlo pa kasi ang pinag-aaral nitong mga kapatid. “Noong isang linggo. Nag-ayos pa kasi ako ng mga papers ko kaya hindi agad kita nadalaw,” sagot naman nito, habang maluwag ang pagkakangiti sa mga labi nito. “Ahhh okay. Hintayin mo na ako, dahil mag-a-out naman na ako eh. Chicka tayo, na-miss kita kapatid!” sabi pa niya rito. “Sure sige. Pakainin mo naman ako, o kaya kahit kape na lang. Tapos sa labas na tayo kumain mamaya,” hirit pa nito sa kaniya. Natawa naman siya sa sinabi nito. Pinagawan niya ito ng Cafe Mocha frappe kay Janice, at umorder na rin siya ng sandwich sa kusina para rito. “Wait lang madam ha? Ise-serve ko na lang sa iyo iyong in-order ko for you,” nakangising sabi niya rito. “Salamat! Bigyan kita ng tip mamaya,” ganting biro nito sa kaniya. Isang oras ding naghintay ang kaniyang kaibigan bago siya mag-out. Pagkabihis ay agad siyang nagpaalam sa mga kaibigan at kasamahan. Agad niyang niyaya si Missy, at naglakad nang palabas ng BSC. Sa isang restau-bar niya ito dinala kung saan madalas sila tumambay nila Angie. “Kumusta ka na? Grabe mukhang nahihiyang ka sa barko ha,” nagniningning ang mga matang tanong niya sa kaibigan. “Ayyy oo naman kapatid. Masayang, mahirap pero carry naman, kasi mas malaki ang sahod. Alam mo naman tatlo pa ang pinag-aaral ko. Ni hindi nga ako makapag-jowa eh.” Bumungisngis pa ito pagkasabi niyon sa kaniya. “Loka-loka ka pa rin talaga eh ‘no. Nakaka-proud ka naman. At the same time naiinggit ako sa iyo!” sabi niya sa kaibigan. “Oh, eh bakit hindi ka mag-apply? Kuha ka nang seamans book mo, tapos samahan kita sa office namin,” suhistiyon naman nito sa kaniya. “Naku iyan iyong magso-SOLAS ka ‘di ba? Iyong tatalon sa mataas tapos ang babagsakan ay tubig?” tanong pa niya rito. Tumawa naman nito habang tumatango-tango bilang tugon sa kaniya. “Susme, kaya ko kaya iyon? Hayaan mo kapag malakas na ang loob ko mag-aapply ako.” Napahawak pa siya sa kaniyang dibdib habang sinasabi iyon sa kaibigan. Nakakatakot kasing isipin na tatalon siya sa mataas na lugar, kahit pa sabihing tubig naman iyong babagsakan niya. “Ahahaha kayang-kaya mo iyon. May life vest naman saka masaya kaya,” wika pa nito habang nakangiti sa kaniya. “Ahhh, basta kapag matibay na ang loob ko. Sa ngayon, okay pa naman ang kinikita ko sa BSC eh,” sagot naman niya rito. “Ikaw ang bahala. Basta sabihan mo lang ako kapag ready ka na,” kibit-balikat pang saad nito sa kaniya.  “Maiba ako, ikaw kumusta ka na? May jowa ka na ba?” pag-iiba nito nang kanilang usapan, habang nilalantakan nito ang chicken wings na in-order nila. “Waley pa rin. Wala namang nanliligaw eh,” bigla niyang naalala ang mala-stalker nilang guest. ‘Meron stalker na majonda!’ bulong pa niya sa kaniyang isip. “Ayyy, ano ba iyan? Mag-jowa ka na kapatid. Wala naman na tayo sa school, malaya ka ng mag-jowa,” sulsol pa nito sa kaniya. Akala mo naman may jowa ito kung makapambuyo. “Don’t me Missy. Ikaw nga rin diyan eh wala pa. Ikaw rin kaya, mag-jowa ka na. Mas matanda ka sa akin ng isang taon ha,” sagot niya sa kaibigan at nakikain na rin siya ng chicken wings. “Hayaan mo soon. Maka-graduate lang si Dwayne, talagang mag-jo-jowa na ako!” bumungisngis pa ito saka uminom ng iced tea. “May jo-jowain na ba ang tanong?” Medyo namula naman ang mga pisngi ng kaibigan, kaya naman tinukso niya ito. “Aha! Talandi kang babae ka ha! Sino iyan? May picture ka?” usisa pa niya rito, mala-tsismosa lang ang peg niya. “Eeeiii... Ka-M.U ko lang, alam naman niyang hindi pa ako puwedeng mag-jowa eh,” pa-cute pa nitong saad sa kaniya. “Patingin ako ng picture. Dali na!” Pamimilit pa niya rito. Inilabas naman nito ang cellphone, saka iniabot sa kaniya. “Ayyyiiieee! Kapatid sagutin mo na ito. Mamaya mabingwit pa ng iba iyan!” kinikilig na sabi niya sa kaibigan. “Loka, bahala siya kung magpabingwit siya sa iba. Hindi niya ‘to matitikman!” Nagtawanan pa sila nang maarteng hagurin ng kaibigan ang katawan nito. “Lukring ka talaga!” tanging sambit na lang niya rito. “Seriously kapatid, parang kami na rin naman na hindi. Walang formal gano’n,” nahihiyang saad nito sa kaniya. “Huh? What do you mean by that? Hindi kayo na parang kayo? Please explain!” kunot noong sabi niya rito. Bumuntong hininga naman ito saka umayos nang pagkakaupo. Tila nahihiya pa rin ito sa kaniya, at hindi malaman kung paano magpapaliwanag. “Ano... ahm, ano,” sabi nitong napakagat pa sa labi nito. “Hayyy naku Missy ano nga?” naiinip namang tanong niya rito. “Teka lang! Nag-i-internalize pa ako. Excited?” Natawa naman siya sa sinabi nito. “Parang kami na hindi pa kami kasi ginagawa na rin naman namin iyong ginagawa ng mga mag-jowa. Alam mo iyon? Kiss, holding hands, lambingan, yakapan... ganern!” Namumula na ang pisngi nito, at tila nahihiya sa tinuran nito sa kaniya. Hinampas naman niya ito sa sobrang kilig. “Ang landi mo kapatid! Eh bakit kasi hindi pa maging kayo nang tuluyan?” tanong pa niya rito. “Eh kasi natatakot ako. Baka kapag naging jowa ko na, mawala na iyong thrill alam mo iyon?” Napataas naman ang kilay niya sa sinabi nito. “Gaga! Anong mawala iyong thrill ka riyan? Ano naglalaro lang ba kayo? Baliw ka eh ‘no? ‘Di ba dapat mas maging matibay kayo kapag may label na kayo?” mahabang litanya niya rito. “Saka teka, mahal ka ba niya? I mean nagsabi na ba siyang mahal ka niya?” tanong pa niya rito. Tumango naman ito bilang sagot sa kaniyang tanong. “Mahal mo ba?” muli niyang tanong dito. “Oo naman kapatid. Pero... ahhh basta, feeling ko mawawala na iyong excitement kapag kami na!” sabi nito saka muling kumuha ng chicken wings. “Hayyy ewan ko sa iyong babae ka. Mahal niyo naman pala ang isa’t isa pero nagpipigil ka riyan. Baka mamaya niyan, maghanap iyon ng iba. Ikaw rin,” pagbabanta niya rito saka uminom ng inorder nilang iced tea. “Yaan mo na. Basta masaya ako ngayon. Saka open naman kami sa isa’t isa. Sabi ko nga sa kaniya, kapag nagsawa na siya sa set up namin, sabihin lang niya sa akin agad para ready naman ako.” Sabay inom nito ng iced tea. Napapailing na lang siya sa sinabi ng kaibigan. Maski siya ay naguguluhan na rito. Pero sa iyon ang nararamdaman nito eh. Saka malaki naman na si Missy, alam na niya ang tama sa mali. Kaya sige support na lang siya rito. Ilang oras pa silang nagkwentuhan, at kung ano-ano pang pang-eengganyo ang ginawa nito sa kaniya. Sa totoo lang, talagang naaakit na rin naman siyang mangibang bansa. Kaso nagdadalawang isip siya, kung kakayanin ba niyang mapalayo sa kaniyang mga magulang. Masaya naman siya para sa kaniyang kaibigan, dahil naabot na nito ang gusto nitong marating, at nakakatulong na rin ito sa pamilya nito. Pero hindi pa rin naman niya inaalis sa kaniyang option, ang pangingibang bansa. Sa ngayon, nag-e-enjoy pa naman siya sa BSC with her friends. At iyon ang importante sa kaniya ngayon. Makalipas ang ilang sandali ay nagyaya na siyang umuwi. May pasok pa kasi siya kinabukasan. Samantalang ang kaniyang kaibigan ay bakasyon grande. “Paano ba iyan kapatid, good night. Thank you sa pagdalaw at libre. Mag-iingat ka sa biyahe,” paalam niya rito, saka bumeso sa kaibigan. “Thank you rin sa oras mo. See you next time! Saka pag-isipan mong mabuti iyong sinabi ko sa iyo ha?” Bumeso na rin ito sa kaniya saka sumakay ng bus. Kinawayan pa niya ito bago naglakad patungong kabilang panig ng kalsada. Napapabuntong hininga na lang siya habang naiisip ang sitwasyon ng kaibigan sa ka-M.U nito. Hindi niya lubos maisip na ganoon mag-isip ang kaibigan pagdating sa relasyon. ‘Hayyy, ganoon siguro talaga. May mga taong takot sa commitment. Ako kaya? Kailan naman kaya darating ang para sa akin?’ tanong niya sa kaniyang sarili. ‘Naku Thummy, umuwi ka na at gabi na! Saka mo na isipin ang love life na iyan. Darating din siya sa tamang panahon. Sa ngayon, umuwi ka na at matulog, dahil may pasok ka pa bukas!’ sermon naman nang kabilang panig ng kaniyang utak. Bumuntong hininga siyang muli, saka nagpatuloy na sa paglalakad. Tama na muna ang pag-iisip sa love life na iyan. Kung darating siya, okay. Kung hindi pa, eh ‘di maghintay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD