Chapter 9

1780 Words

 “Kumusta naman na ang aking magagandang kaibigan?” bati niya kina Ayen at Angie matapos niyang magbihis. “Thum! Okay naman kami. Ikaw kumusta? Mukhang masaya ka ha,” sabi ni Angie sa kaniya. “Oo nga anong meron?” segunda naman ni Ayen. “Wala naman masaya lang ako,” nakangising saad niya sa mga ito. Magaan lang ang kaniyang pakiramdam, dahil sa wakas nakapagdesiyon na siya tungkol sa sinabi ni Missy noong isang buwan. Susubukan na niya ang magbarko. “Hindi kami naniniwala!” singit naman ni Kuya Raffy, na nasa likuran nina Angie at Ayen. Sabay-sabay pa silang nagtawanan sa biglang pagsingit nito. “Hayyy naku kuya Raffy, eh ‘di ‘wag kang maniwala,” natatawang sagot naman niya rito. “Grabe siya oh! Bakit ka nga masaya?” pangungulit nito sa kaniya. Luminga-linga muna siya sa paligid.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD