Kinabukasan ay magaan ang kaniyang pakiramdam na pumasok sa BSC. Kagaya nang nakagawian, naglakad siya papuntang coffee shop. Hindi naman kasi ito malayo mula sa babaan ng bus. Saka ito na rin kasi ang nagiging exercise nila sa araw-araw. Patungo na sana siya sa employee’s entrance nang may magsalita sa kaniyang likuran. “Kaya naman pala bitter ka, diyan ka pala sa Bitter-Sweet Cafe nagta-trabaho. Kasing pait ng kape iyang ugali mo eh.” Nang lingunin niya ang nagsalita ay uminit na naman ang kaniyang ulo. Nakangisi lang naman habang nakatingin sa kaniya, ang lalakeng dahilan nang pagkakatalisod niya kagabi. “Hoy, mamang kapre, hindi kita inaano diyan kaya ‘wag kang nang-aano ha! Saka ‘wag mong maico-compare ang ugali ko sa kape. Because, I like my coffee, how I like myself. Dark, bitte