Aliw na aliw si James sa babaeng kaharap niya ngayon. Galit na galit ito at halos umusok ang ilong nito, sa panggigigil sa kaniya. “Stalker! r****t! Holdaper!” sunod-sunod na sabi nito habang hinahampas siya nito ng bag nito. “Aray ko, miss! Anong pinagsasabi mo diyan? Aray!” reklamo niya sa babae, habang sinasalag ang mga hampas nito sa kaniya. Huminto naman ito sa paghampas sa kaniya nang makita nito ang guwapo niyang mukha. Lihim siyang napangisi sa naging reaksiyon nito. “Ikaw?!” Nanlalaki ang mga mata nitong saad sa kaniya. “Bakit mo ako sinusundan? May masama kang balak sa akin ‘no?” mataray nitong tanong sa kaniya. Namamangha naman siyang napatitig dito. ‘Iba din ito ah! Lakas!’ aniya sa sarili. “Hala siya, assumera ka rin eh ‘no? For your information miss, dito rin ang daan