Kinabukasan, nag-aabang siya nang masasakyan nang may tumabi sa kaniya. Bahagya siyang umusod at hindi tinapunan nang tingin ang katabi. Nang may bus na huminto sa harapan niya, ay agad siyang nakipagsiksikan sa mga pasahero. Matagumpay naman siyang nakasakay at masuwerteng nakaupo. Ilang minuto lang at nakarating na siya sa babaan ng bus papunta sa kaniyang trabaho. Naglalakad na siya patungong coffee shop nang may humintong sasakyan sa tabi niya. Napahinto siya at kinabahan. Si Mr. Chung kasi ang lulan niyon at bumaba buhat doon. “Grace! Papasok pa lang ikaw? Mabuti naman at nakita kita. Ako abang sa iyo kanina pa. Ayain sana kita kain sa labas,” nakangising saad nito sa kaniya. Tila nanghuhubad ang tinging ibinigay sa kaniya ng matandang intsik. Agad naman siyang pinangilabutan sa p