“Good Morning BSC!” Nakadipa pa ang mga kamay niya, habang nakatingala sa Coffee Shop. “Aba, aba, nakabalik ka na! Kumusta ang bakasyon grande?” tanong ni Ayen na hindi niya namalayang nasa likod pala niya. “Bakasyon grande ka riyan!” nakangising saad niya rito, saka kumapit sa braso nito. Pareho silang opening ngayon at wala pa ang manager nila. Kaya naman naupo muna sila sa gutter upang hintayin ito. “Na-miss ka namin,” sabi pa nito sa kaniya. “Awww! Na-miss ko rin kayo!” Sabay yakap sa kaibigan. Ilang sandali pa at dumating na si Ms. A. Tumayo na sila mula sa kanilang kinauupuan, at hinintay mabuksan ang coffee shop. Agad silang sumunod kay Ms. A nang mabuksan iyon. Pagkabihis nila ay nagkani-kaniya na sila nang landas ni Ayen. Sa kusina kasi nagtatrabaho ang kaibigan niya, haban