SIMPLENG ulam lang ang niluto niya para sa gabing ‘yon. Pero feeling ni Lyn mas magarbo pa ‘yon sa lahat ng nakain na nila. Kasi silang dalawa lang ni Benedict ang naroon at magkasalo sila sa sarili nilang dining room na ngayon lang niya nalaman na puwede palang hiwalay sa kusina. Gustong gusto niyang tingnan ang mukha ng kanyang asawa kapag kumakain ng luto niya. Hindi man ito nagkokomento pero nakikita niya na gusto nito ang pagkain na hinanda niya. Ang dami nga nitong nakain, eh. Hindi tulad kapag nasa restaurant sila na unti-unti lang ang subo nito at may natitira sa plato. “Ano palang gagawin natin bukas?” tanong niya sa asawa nang nakapaglinis na sila ng katawan at nakahiga na sa kama. Natigilan si Benedict. “Ah. I have work to do tomorrow.” Apologet