Kabanata 1

2938 Words
Kabanata 1 Maaga akong nagising upang tulungan si Idring sa paglilipat ng mga kambing malapit sa mansyon. Ito na lang kasi ang alam kong paraan lalo na at iilan na lang ang mga trabahador ko. Tinupi ko ang maong pants na suot ko upang hindi madumihan. Sa lumang rancho ni Daddy ko sila inilagay. Dahil sira-sira na ang mga kahoy ay kailangan pa naming humanap ng puwedeng pamalit. "Napakaingay naman ng mga kambing na 'yan!" narinig kong anas ni Tita Eva sa hindi kalayuan. Pumangewang ako 'di kalayuan sa rancho upang pagmasdan si Idring na pinapasok ang mga kambing sa loob. Dahil sa rami ng mga ito ay masakit sa tenga kapag sabay-sabay na nag-iingay. Pero mas mabuti ng malapit sila rito sa mansyon, lalo na at walang iniwan ni konting bakas ang mga magnanakaw. "Bakit mo sila inilipat d'yan?" kunot na noong tanong ni Tita nang makalapit sa akin. Sumulyap ako sa kanya na nakatakip ang ilong. "Mas mababantayan sila rito ng maigi." "Are you kidding me Lauren? Araw-araw kong maririnig ang mga kambing na ito?" Iniwasan kong umirap at sumulyap sa rancho na isasara na ni Idring. "Gano'n na nga po, Tita." "Okay na po, Señorita!" wika ni Idring at tumango ako sa kanya. "Salamat, Idring," sagot ko at naglakad patungo sa mansyon. "Lauren?" nagtatanong at may halong inis na tawag ni Tita Eva sa akin. Walang gana ko itong sinulyapan at huminga nang malalim. "Bakit po?" Sumulyap muna ito sa rancho at umiling ng paulit-ulit bago ito naglakad patungo sa akin. "Ang Lolo Ramon mo ay tumawag at papunta na rito, mag-ayos ka!" Kumunot ang noo ko. "Bakit hindi niyo kaagad sinabi na pupunta siya?" "Para ano? Magkukunwari ka na naman na marami kang gagawin sa opisina kahit wala naman?" Naiinis akong umirap sa kanya at tumalikod upang magtungo na sa mansyon. "Lauren! Kinakausap pa kita!" nagagalit na tawag nito ngunit nagpatuloy ako sa paglalakad papasok ng mansyon. "Hija! Kumain ka muna ng almusal mo," salubong sa akin ni Tiya Pasing at may dalang tray ng pagkain. Kinuha ko ito at ngumiti ng tipid. "Salamat po, sa taas na po ako kakain habang nag-aayos." Tumungo ako sa aking silid, at naligo. Nakakain na rin ako ng almusal ng marinig ang tawag ni Tita Eva sa baba. Pinagmasdan ko ang itsura ko sa salamin. I just wore my usual clothes. I tucked-in my sleeveless black shirt on my faded maong jeans. Unang tingin pa lang ni Tita Eva sa akin ay ramdam ko na agad ang galit nito dahil sa suot ko. Umiwas ako ng tingin at nagtungo sa terrace kung nasaan si Lolo Ramon. Matalik itong kaibigan ni Lolo, ang papa ni Mommy. Madalas itong bumisita rito noon, noong nabubuhay pa sila. Ngayon ay halos dalawa o tatlo sa loob ng isang taon na lamang ito bumisita rito. Ngunit madalas ko pa itong pagtaguan, dahil alam ko ang pakay nito. Nakita ko si Veronica na nakatayo sa tabi nito habang may hawak na tea pot. Lumaki ang ngiti ni Lolo Ramon noong makita ako. Gaya ng dati, he is wearing his office suit. Kahit matanda na ito ay hands-on pa rin sa negosyo. "Lauren!" masayang salubong nito sa akin. Halos ilang buwan ko na rin siyang hindi nakikita, at bakas na sa mukha nito ang katandaan. May hawak din itong tungkod sa tuwing naglalakad. "Salamat, Hija," anito kay Veron nang nilagyan nito ng tea ang maliit na baso nito sa kanyang harapan. "Lolo Ramon, kumusta po kayo?" ngiting tanong ko sa kanya. Lumipat ang tingin nito sa harapan ng mansyon, kung saan kupas na kupas na ang pintura nito. Bumibigay na rin ang ceiling nito, kapag nagkataon ay malaking gastos kapag ipinagawa. "Mabuti naman Hija. Mabuti naman ay narito ka ngayon." "Papasok na po ako sa loob, Lolo Ramon. Kapag may kailangan ho kayo, tawagin niyo lang po ako!" naka-ngiting pahayag ni Veron at yumuko pa bago umalis. Umupo ako sa tapat nito at ngumiting muli. "Pasensya na ho, Lolo. Marami lang pong ginagawa sa trabaho." Tumango-tango ito. "Magpahinga ka rin Hija. Ang sabi ni Pasing ay kayod kalabaw ka sa trabaho." "Opo, Lolo. Salamat po," sagot ko at marahan na tumango. Tumikhim ito. "Kung nahihirapan ka na, kaya kitang--" "Kaya ko po, Lolo. Wag ho kayong mag-alala sa akin," nakangiting pahayag ko sa kanya pinipilit na maging maayos sa harapan nito. Mabilis itong tumango at ngumiti. "Hindi na ako magtatagal, nanggaling lamang ako sa Tagaytay at naisipan na dumaan dito upang bumisita. Masaya ako at nakita kita ngayon." "Ganoon din po ako, Lolo." "Wag mong kakalimutan ang habilin ko, magpahinga ka!" Hindi na ako nakasagot pa noong nag-umpisa na itong tumayo, mabilis akong tumayo upang alalayan ito. May dalawang lalaking naka-men in black ang mabilis na lumapit sa ami na hindi ko napansin kung saan nanggaling. Inalalayan ng mga ito ang matanda, at lumayo naman ako ng kaunti upang magawa nila iyon. Sumunod ako sa kanila patungo sa dala nitong kulay puti na kotse. Napahinto ito sa pagpasok, sinulyapan muli nito ang mansyon bago muling tumingin sa akin. "Mag-ingat ho kayo, Lolo." Tumango ito at ngumiti. "Ikaw rin, Hija. Kapag nagkaroon ka ng oras, pumasyal ka sa mansyon." "Sige po, Lolo." Unti-unting nawawala ang ngiti ko ng tuluyan na itong nakalabas sa hacienda. "Narinig ko ang pinag-usapan niyo ni Don Ramon!" Napaigtad ako sa gulat nang marinig ang tinis ng boses ni Tita Eva sa aking likuran. Sumulyap ako sa kanya na nakapamewang. "Ino-offer-an ka na ng matanda ng tulong, bakit hindi mo pa kinuha? Lagi ka na lang bang gan'yan?" Huminga ako nang malalim bago naglakad papasok ng mansyon. "Alam niyo naman po ang mangyayari kapag pumayag ako hindi ba?" Naramdaman ko ang pagsunod nito sa akin. "Ano naman ngayon? Papakasalan mo lang naman isa sa mga apo niya diba?" inis na tanong nito. Sumalubong sa akin si Veron na nakakunot ang noo. "Oo nga naman, Lau! Para naman mayaman na uli tayo!" "Ayoko nga sabi, Tita!" "Alam mo? Ang arte mo, kaya hindi umaasenso 'tong hacienda! Magpapakasal ka lang naman, tapos okay na. Hindi mo na kailangan mag-trabaho!" Ang mahabang pasensya ko na itinayo para sa kanilang dalawa ay nararamdaman ko na unti-unting naglalaho. Sana, sana hindi maubos ito. "Bakit Tita? Gano'n lang ba kadali na sabihin sa'yo 'yon? Pagpapakasal ang pinag-uusapan natin dito!" Hindi makapaniwala nito akong tiningnan, pumangewang ito sa harapan ko at dinuro ako. "At sumasagot ka na ngayon? Akala ko ba gusto mo bumalik sa dati itong hacienda ng Mommy mo? Bakit tinatanggihan mo ang tulong na ibinibigay sa 'yo?!" Huminga ako nang malalim at umiwas ng tingin. "Baka mapagod 'yan, at magbago ang isip! Alam na alam mo na si Don Ramon lang ang siguradong makakapagpabalik ng dating hacienda na hinahangad mo! Kaya kung puwede, habang maaga pa wag ka ng mag-inarte!" Inis na inis itong naglakad patungong hagdan, at binangga pa ang kanang braso ko. Napailing ako sa ginawa ni Tita. "Alam mo kasi, Lau? Minsan 'wag puro pride pairalin mo, aminin na natin. Hindi mo na maisasalba ang hacienda kung ikaw lang mag-isa!" bulong ni Veron sa akin at pinandilatan ako nito ng tingin. Umirap ako sa kanya at malalim ang bawat paghinga sa sobrang inis na nararamdaman ko sa kanila. "Señorita!" napahinto ako sa pagkain ng marinig ang nag-aalalang boses ni Jayson. Napatingin sa akin si Tita Eva at Veron na kasalo ko sa tanghalian na panay dabog, at irap ang ibinibigay sa akin. "Señorita Lauren!" "Nandito ako!" sigaw na sagot ko sa kanya upang marinig nito ako at sabay tayo. Habol na habol nito ang paghinga niya dahil sa pagtakb. Huminga muna ito ng malalim at itinuturo ang labas ng mansyon. "Napeste na po lahat ng tanim nating palay. Halos kalahati ay hindi na maaaring i-harvest. Ang kalahati naman po ay imposibleng maibenta pa dahil pinepeste na rin!" "Ano?!" kunot na noong tanong ko. Kinagat ko ang ibabang labi ko sa sobrang inis. Hindi na ako nagdalawang-isip at tumakbo na patungo sa aming palayan. Nanlalambot kong sinapo ang aking noo habang habol-habol ko ang aking hininga. Hinilamos ko ang aking palad sa aking mukha. Ang natitirang pag-asa ko ay unti-unti na namang naglalaho. Mula rito ay kita ko kung paano unti-unting nasisira ang pananim dahil sa mga pesteng kumakain ng mga palay. Kinuyom ko ang mga palad ko at kunot na kunot ang noong tumingin kay Jayson. "How about the pesticide that I bought?" Yumuko ito at napailing. "Hindi po ito sapat, Señorita. Lalo na po at mabilis pong kumalat ang mga ito." Huminga ako nang malalim. Tumango ako ng dahan-dahan at pinipilit na i-proseso ang nangyayari. * * * "Tahimik ka d'yan?" puna ni Yolly sa akin. "Nakapagpasa na pala ako ng resignation letter, on the process of approval pa. Ikaw? Ano balak mo?" Tumango ako at hindi nawawala ang tingin ko sa lapis na hawak ko. Napaigtad ako nang tumunog ang cellphone ko sa bag. Mabilis kong kinuha ito at napahinto na pamilyar na numero ng bangko ang tumatawag, kanina pang umaga ito ngunit hindi ko sinasagot. Ire-remind lang naman nito ako na kailangan kong magbayad ng loan, alam kong mas malaking danyos kapag hindi ako nagbayad kaagad. Pero sa ngayon, kailangan ko muna ng pera para sa mga palayan. Naramdaman ko ang paglapit ni Yolly habang nakaupo pa rin ito sa kanyang swivel chair. Mabilis kong in-off ang cellphone ko at mabilis na ibinalik sa bag ko. "Sino 'yon huh?" Nagkibit-balikat ako sa kanya at sumalong baba at pinaglaruan ang hawak kong lapis. "Ewan ko, wrong number siguro! Pinatay ang tawag e." "Ah," anito at ramdam ko ang pagtango nito. "Coffee tayo pagkatapos ng work?" tanong nito sa akin. "Sagot ko!" Huminga ako nang malalim at nanlalambot na sumulyap sa kanya. "Saka na lang, marami pa akong gagawin." "Napaka-busy mo namang nilalang, puwede ba! Have some taste of social life!" pabirong wika nito ngunit hindi ako natawa. Iniisip ko pa rin kasi kung ano ang susunod na hakbang ang gagawin ko. I've spent too much money for the crops. Now, mukhang malabo na maibabalik ito ng hundred percent. I sighed again for the nth time. "Ms. Lauren Cervantes?" tumayo ako ng tinawag ako ng teller ng isang government agency. Dito ako nagtungo pagkatapos ko sa trabaho. Ito na lang kasi ang natitirang pag-asa ko, last na 'to. "Yes, po." Ngiti ko sa kanya. Nalukot ang magandang mukha nito at nahihiyang ngumiti sa akin. "Hindi niyo pa po nababayaran ng buo ang ni-loan niyo noong nakaraang taon. Hindi niyo rin po ito nababayaran sa nakatakdang oras. Pasensya na ho, ngunit kailangan niyo muna pong mabayaran ng buo para ma-approve po ang request niyo." Mariin kong pinagdikit ang mga labi ko. "Nakabayad naman ako diba? Baka naman, kahit kalahati na lang sa amount na hinihiram ko?" "Pasensya na ho talaga, Ms. Cervantes. You need to settle your first loan, before I give you another one. At malaking halaga rin ho ang hiniram ninyo." Tipid akong ngumiti at tumango. "Gano'n po ba? Salamat na lang." Hindi na ako puwede mag-loan sa bangko, dahil hindi ko pa natapos na bayaran ang hiniram ko roon. Bagsak ang balikat ko na lumabas ng building nila, sinulyapan ko ang itim na kotseng dala ko. Do I need to sell it? Napailing ako, halos anim na taon na ito. Binili ito ni Daddy noong nag-debut ako, bumigat ang dibdib ko sa isipang iyon. Pagpasok ko sa kotse ay tiningnan ko ang passbook sa aking bag. Limang digits na lamang ang natitirang savings ko. Kung sasahod ako sa trabaho ay para na 'yon sa pagbabayad ng mga loan na kinuha ko at gastos sa bahay. Nauubos na rin ang pera na ni-loan ko, madalas pang gamitin ni Tita sa mga luho niya. I need to give time to turn down my cards, kung hindi ay mababaliw ako sa interest. Umiling akong muli. Wala na akong panahon para maghanap pa ng ibang pagkakakitaan. Sa trabaho ko pa lang bilang isang interior designer sa isang maliit na kumpanya rito sa amin ay nauubos na ang oras ko. Napahinto ako sa pag-iisip ng tumunog ang cellphone ko, sinulyapan ko ito at nag-notify ang bangko na nabawasan ng sampung libo ang pera ko dahil sa pagbabayad ko sa online shop. "What the hell?" I muttered, and my mouth parted in disbelief. Padabog ko itong tinapon sa aking passenger's seat kasama ang passbook ng maisip si Tita Eva. Mabilis kong pinaandar ang sasakyan para makauwi sa mansyon. Pagkarating ko ay mabilis kong inalis ang seat belt ko at kinuha ang gamit ko bago lumabas. Padabog kong sinara ang pinto ng sasakyan at mabigat ang paghakbang ko papasok ng mansyon. "Nasaan si Tita?" tanong ko kay Veron na nadatnan ko sa sala habang nanonood ng tv at kumakain ng chips. "Nasa kusina," turo nito sa gawi ng kusina habang ang mga mata ay nasa tv. Huminga ako nang malalim bsgo nagtungo sa kusina. Kumunot ang noo ko nang makita ang iilang bukas na box sa dining area. Lumabas si Tita na may dalang iilang mga kaserola na bagong bago at naka-plastic pa ang iilan. "Aba! Nandito ka na pala, bumili ako ng gamit sa kusina. Buti na lang naabutan ko, naka-sale!" Umawang ang labi ko sa gulat at pagkainis. Mariin kong hinawakan ang cellphone na hawak ko. "Cash on delivery kasi! E wala akong cash, puwede naman ang credit card. Kaya ginamit ko credit card mo." Ngiti pa nito sa akin habang tinitingnan isa-isa ang iilang mga kawali. Huminga muli ako nang malalim upang pakalmahin ang sarili ko. "Ni-remind ko na ho kayo, Tita! I told you to limit your expenses, lalo na sa walang kwentang bagay!" nagtitimping pahayag ko. Kumunot ang noo nito sa akin at nakita ko ang unti-unting pagsiklab ng galit sa mga mata nito. "Walang kwentang bagay? Nakikita mo ba ang gamit natin panluto? Halos mangitim na lahat sa sobrang kalumaan!" "You can at least buy a cheaper price!" tiim na bagang sagot ko at nakalimutan na ang natitirang respetong nilaan ko para sa kanya. "What's wrong with you, Lauren? Noong nabubuhay ang Daddy mo, he allows me to buy the things that I want! No limitations!" "That's it!" pagdidikdik ko sa kanya. "That's the point, Tita! My father is dead! All his savings gone because of the petty things you bought! At ngayon ang pera ko ang ginagastos mo?" Umawang ang labi nito at nakita ko ang pagsiklab ng mga mata nito sa galit. Padabog nitong binaba ang hawak nitong kaserola. "Can you at least..." Huminga ako nang malalim at hinilamos ang aking mukha. "Understand my point? We're in the verge of losing this hacienda!" Nainis ako nang makita ang pagtaas ng sulok ng labi nito. "Sino ba ang gumagastos ng malaki sa atin? ‘Di ba ikaw?" "I'm spending it for the sake of this hacienda, Tita!" I answered sarcastically. Tumawa ito ng pagak at umiling. Nagulat ako nang mabilis nitong tinabig ang mga ipinamili nito at bumagsak sa sahig na naging rason ng ingay. "Sake of the hacienda, really?" she asked sarcastically, pointing something out. Bumuntonghininga ako. "Yeah," mababang sagot ko sabay tango. "Anong ingay ito Eva?" narinig kong tanong ni Tiya Pasing na kunot na kunot ang noong pumasok sa kusina at nadatnan kami. "Itong alaga niyo, Pasing! Pagsabihan mo! Masyadong concern sa hacienda. Pero kapag in-offer-an ng tulong, umaayaw!" anito na dinuro pa ako, bago padabog na umalis sa kusina at tinadyak pa ang ilang mga gamit. Lumipat ang tingin sa akin ni Tiya Pasing, yumuko ako at lumuhod upang abutin ang ilang mga gamit na nahulog sa sahig. Nakahinga ako nang maluwag dahil hindi ito nasira. Unti-unti kong nararamdaman ang pag-iinit ng sulok ng aking mga mata dahil sa bigat ng aking loob dahil sa sagutan namin ni Tita. "Okay ka lang ba, Hija?" nag-aalalang tanong nito habang inilalagay ko ito sa mga kahon. "O-Opo, Tiya. Aayusin ko lang po ito, at ibabalik." "Gumastos na naman ba ng pera yang Eva na yan?" tanong muli nito, napahinto ako sa paglalagay ng mga gamit sa kahon. Mabilis pa ang t***k ng dibdib ko dahil sa tagpo kanina. Suminghot ako at pinipigilan ang mga nagbabadyang luha ko. Napapagod na ako sa mga nangyayari sa buhay ko, pero kailangan kong maging matatag. Wala na akong masasandalan kung hindi ang sarili ko lang, "Opo," pabulong na sagot ko at muling yumuko upang kunin ang ilan pang nahulog na maliliit na kaserola. "Bakit hindi mo na lang sila paalisin dito, Hija?" napahinto ako sa pagpulot ng gamit. Sumalubong sa akin ang nag-aalala na mukha ni Tiya Pasing, ganito madalas ang suhestiyon niya sa tuwing nagtatalo kami nito. "'Yon lang po ba dapat ang solusyon?" Huminga ito nang malalim at lumapit sa akin. Kinuha nito ang hawak kong kaserola at maayos na ipinasok sa kahon. "Hindi mo obligasyon na patirahin sila rito, kung idadahilan mo na naman ang habilin ng Daddy mo sa 'yo. Siguro naman sapat na para isipin mo naman ang sarili mo." Hindi ako naka-imik, hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Alam ko na kapag umalis sila rito ni Veron, ay wala na silang matitirahan pa. "Pag-iisipan ko po," labag sa kalooban na sambit ko. Narinig ko ang paghinga nito nang malalim. "Bakit ba napakabait mo tulad ng iyong Ina?" Umiwas ako sa tanong ni Tiya at isinara ang kahon ng maayos. Naalala ko na naman si Mommy, kapag napapagod at nanghihina ako madalas ko siyang kinakausap. Ayoko silang sisihin kung bakit nagkakaganito ang buhay ko ngayon. Pero kung hindi lang sila nawala ng maaga, hindi sana ako nahihirapan ng ganito. Paano kung, pumayag na lang ako sa gusto ni Lolo Ramon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD