Simula
Simula
Hindi ako magkandaugaga sa pagtapos ng plate ko. Kailangan na kasi ito ng architect namin para sa interior design ng isang private resort dito sa amin.
"Girl, ano? G ka ba?" tanong ni Yolly sa akin, isang matalik kong kaibigan simula pa noong college.
Inayos ko ang reading glass ko at hindi siya pinansin. Narinig ko ang buntonghininga nito at umupo malapit sa tabi ko.
"Maraming opportunity sa Manila. Ipapasa ko na ang resignation ko," dugtong pa nito, na may tonong pangungumbinsi. Tinutukoy nito ang pag-a-apply namin sa isang malaking kompanya.
Nagbuntonghininga muli ako at huminto sa pag-sketch.
"Napag-usapan na natin 'yan, girl. Ayoko!" sagot ko na may riin sa bawat salita. Kumunot ang noo nito at binigay ang buong atensiyon sa 'kin.
"Ih! Ano ba! Mas malaki pasahod doon!" tili nito.
"Saka mo na ako kausapin, kailangan na itong matapos!"
"Lauren! May dumating kang sulat," singit ng isang co-worker namin at iniabot kay Yolly na mas malapit sa kaniya.
Bago niya ito ibinigay sa akin ay binasa muna ang nakasulat sa envelope.
"Aba! Due date na ng loan mo 'to, ah!" Tumigil ako sa pagsusulat at kinuha ito kay Yolly.
Napatayo ito at lumapit sa akin. Hinagis ko ito sa aking table bago muling nagpatuloy sa aking ginagawa.
"’Wag mong sabihing hindi ka nakakabayad?" makahulugang tanong nito.
"Sa katapusan, magbabayad ako."
Sinapo nito ang kanyang mukha. "Ayan na nga ba ang sinasabi ko sa 'yo. Lauren, ilang beses ka nang nag-loan sa iba't ibang bangko pero wala pa ring nangyayare sa hacienda ninyo!"
Hindi ko siya pinansin dahil alam kong walang patutunguhan itong usapan namin at hindi niya ako maiintindihan.
"Lumalaki na ang utang mo sa bangko pero wala pa ringnangyayari. Bakit hindi mo na lang kasi ibenta?" nawawalang pasensyang suwestiyon nito.
Alam ni Yolly lahat ng pinagdaanan ko dahil siya ang isa sa pinaka matalik kong kaibigan at alam din nito ang hirap na nararanasan ko ngayon.
"Wala akong mukhang ihaharap sa puntod nila Mommy at Daddy. Lalong lalo na sa mga grandparents ko. They worked so hard para lang mapalago iyon."
She sighed.
"Oo, sabihin na natin iyong gano'n, pero paano ka naman? Ilang beses ka nang nag-loan. Baka habulin ka na ng bangko n'yan, lalo na hindi tumutulong ‘yang step-mom mo!"
"Last na 'to, girl! Kapag wala talaga, hahanap ako ng iba pang paraan."
Umiling ito nang paulit-ulit. "'Yan din ang sinabi noong huling beses kitang sinabihan sa pag-loan mo na 'yan!"
"Alam ko naman 'yon e. Kaya ko pa naman! I can still work, mag-o-overtime ako!" kibit-balikat na sagot ko.
Bigo itong umiling bago umupo sa table niya. Huminga ako nang malalim bago pinagpatuloy ang aking ginagawa.
* * *
"Señorita Lauren! Na-peste po ang tanim nating mga palay," bungad sa akin ni Jayson pagbaba ko ng kotse, isa sa matagal na naming trabahador.
Kumunot ang noo ko sa sinabi nito. "Papaano nangyari 'yon? Sapat naman ang mga binili kong supply na iwas peste, hindi ba?"
"Ganito rin po ang nangyari sa ibang pananim sa bayan, hindi po ito maiiwasan ngayon."
Humugot ako nang malalim na hininga at marahan na tumango. "Magbibihis lang ako."
Naglakad ako patungo sa aming mansyon, hindi na ito kasing ganda noon. Halata na rin ang katandaan nito dahil sa pagkupas ng pintura. Hindi ko na nabibigyang oras upang ayusin at ipa-renovate. Saka nalang siguro, kapag nakabawi ako sa aming mga pananim.
"Oh my gosh, Mommy! I like it!" matinis na boses ni Veronica ang aking narinig pagpasok ko sa loob, step-sister ko ito.
"Of course, Hija! You should wear authentic clothes. Ayoko na sa mga bangketa lang ang mga damit mo, ‘no!"
Unti-unting sumasakit ang ulo ko nang marinig ang maarteng boses ni Tita Eva, my step-mom. My mom died when I was just ten because of cancer. Wala nang balak mag-asawa pa si Papa, pero sa sobrang tagal na wala si Mama. Pinilit ko siyang mag-asawa, then she met Tita Evangeline. May anak ito na si Veronica, na isang taon lamang ang tanda ko sa kanya. Dalawang taon lamang silang nagsama nang pumanaw si Papa dahil sa komplikasyon sa baga.
"Tita, nalaman mo na ba ang nangyari sa mga palayan?" tanong ko sa kanya at umupo sa pang-isahang sofa.
"Oo, nasabi nga ni Jayson," anito at muling binuksan ang isang shopping bag na may branded na logo. "Take a look at this one, noong unang kita ko pa lang dito alam kong bagay mo na 'to!"
Umirap ako at tamad na sinulyapan si Veronica na tumingin sa price tag ng dress na kulay asul. "Five thousand pesos? Oh my gosh, Mommy!"
Maarteng tumawa si Tita Eva, kumunot ang noo ko at tumingin dito.
"Tita, you can just buy a cheaper dress. Lalo na at hindi pa tayo nakakabawi sa ating mga tanim, at napepeste pa ang mga 'to!"
Napansin ko ang paghinto nito at tumingin sa akin na nakakunot ang noo. "Don't tell me what to do, Lauren, I know what I'm doing!"
I sighed in disbelief. Ito 'yong isa sa dahilan kung bakit parang gusto ko na lang tanggapin ang offer ni Yolly sa 'kin.
"But you're using my card! Kaya pala ang laking perang nabawas sa account ko!" inis na giit ko.
Matagal na akong nagtitimpi sa kanilang dalawa. Nahihiya lamang ako kay Papa, dahil isa ito sa mga hinabilin niya. Tatlong taon na rin noong pumanaw ito. Tatlong taon na rin na halos gawin kong araw ang gabi para lamang maisalba ang hacienda. Ngunit hanggang ngayon, wala pa ring nagbabago, lalo pa nga yatang lumalala.
"Sandali lang! Pinagdadamutan mo ba kami ng kapatid mo?" Napaawang ang labi ko sa tanong nito at pilit kong kinakalma ang aking sarili.
Huminga ako nang malalim at mariin na pinagdiin ang aking mga labi. "Hindi po gano'n ang gusto kong sabihin..."
"But you sound like that, Lau!" bigong tugon ni Veronica.
I'm refraining myself from rolling my eyes. "I'm sorry kung gano'n ang iniisipn’yo. Pero kailangan natin ng pera ngayon!"
"Anong gusto mong gawin ko, Lauren? Walang maisusuot si Veron sa kanilang thanksgiving party!"
"Hindi ba nagtatatrabaho naman siya, Tita?" muling tanong ko.
"Nag-iipon ako, ‘no! At ‘yong ipon ko na 'yon ay pang-a-abroad ko!" inis na wika nito at padabog na tumayo. "Ibalik mo na lang 'yan, Mama, nakakahiya kay Ate Lauren!" dugtong pa nito at padabog na naglakad patungo sa hagdan.
Huminga ako nang malalim at napailing. Noon hinahabol ko pa ito para mag-sorry. Ngunit ngayon ay wala akong lakas para gawin 'yon, masyado na akong napapagod sa mga nangyayari sa buhay ko. May gusto rin naman akong gawin sa buhay ko, I have dreams, too.
Pero mas pinili kong dito tumira dahil umaasa ako na mapapalago ko pa rin ang hacienda tulad ng dati. Kahit alam kong baon na baon na ako. Ito na lamang ang natitirang alaala na iniwan sa 'kin ng pamilya ko. Ayoko na mawala ito sa isang iglap, and that's because of me.
"Ano ba Lau! Wala ka man lang bang sasabihin?!" inis na tanong nito at huminto sa hagdan na kunot na kunot ang noong tumingin sa akin.
Kinuha ko ang bag ko at nanlalambot ang katawan na tumayo dahil sa maraming plates na tinapos ko ngayong araw.
"Magpapalit lang ako at tutungo sa palayan upang makumpirma ito," tamad na saad ko at tumayo.
Sinulyapan ko lamang si Veron na hinihintay ang sasabihin ko, ngunit mas minabuti ko na lang na wag magsalita at baka mayroon pa akong masabing hindi maganda. Lalo na at pagod ako.
Tama nga si Jayson, halos kalahati ng mga pananim ay napeste. Hinilamos ko ang kamay ko sa aking mukha, huminga ako nang malalim.
"Señorita Lauren!" humahangos na tawag ni Idring sa 'kin.
"Bakit Idring?" nagtatakang tanong ko sa kan'ya.
Bigo ang mga mata nito at yumuko. "May nagnakaw po ng iilang alaga nating kambing."
Umawang ang labi ko sa gulat at kumunot ang noong tumingin sa kaniya. "Ano?!"
Sumulyap ako kay Jayson na nasa aking tabi. "Gumawa ka ng paraan kung papaano natin masosolusyonan iyan, kung maaari maiwasan nating mapeste ang buong palayan!"
Kumunot ang noo ko nang halos sampu, sa mga kambing ang nawawala.
"Papaano nangyari ito Idring? Imposible 'to!"
"Mukha pong, planado ito Señorita. Dito ho!" anito na ipinakita ang butas na nilikha nila palabas ng hacienda.
Dahil malayo na ang bahaging ito sa mansyonmansyon at hindi na ganoon kahigpit ang seguridad ko. Ang bakod na nagsisilbing proteksiyon ay nagawan pa nila ng butas dahilan para makapasok ang mga ito. Maaaring matagal na nila itong pinaplano dahil malalaki ang mga damuhan malapit dito. Hindi na sapat ang tauhan ko sa hacienda upang bantayan ang mga alagang hayop, halos taon-taon ay nagbabawas na ako ng trabahador, saka naman nangyari 'to!
"Nai-report n’yo na ba ito sa kapitan? Na may nangyayaring nakawan sa mga alagang hayop?"
"Opo, ayon po sa imbestigasyon ay mukhang hindi taga-rito ang mga salarin."
Nagbuntonghininga ako at nawawalan ng pasensyang tumingin sakanya. "Wala ba silang nahuli sa mga 'to?"
Umiling-iling ako nang paulit-ulit.
Yumuko ito at napansin ko ang takot sa mga mata nito. "Wa-wala po, Señorita! Ngunit inatasan na ni Kapitan ang mga tanod nito upang rumonda sa bahaging ito."
Huminga ako nang malalim at tumango, ayoko itong pagbuntongan ng galit.
"Ililipat natin ang mga kambing malapit sa mansyon bukas na bukas din. Pero sa ngayon, takpan nang mabuti ang butas na ginawa nila!" utos ko at pagod na naglakad pabalik na sa mansyon.
"Opo, Señorita!"
Sumulyap ako sa langit, kung saan unti-unti ng kinakain ng dilim ang liwanag.
"Saan ka na naman nagtungo, Lauren?" tanong ni Tita Eva nang nadatnan ko silang kumakain sa hapag.
"May nangyayaring nakawan sa ating hacienda, Tita."
"Ano?! Aba't hindi pa tayo nakakabawi sa perang nagastos natin sa mga 'yan!"
Gusto kong umirap sa reaksiyon nito, pero kung makagasta siya ng pera ay sobra-sobra!
"Magpapalit lang ako ng damit," paalam ko at napansin ko ang pag-irap ni Veron noong tinapunan ko ito ng tingin.
Noong makababa na ako ay wala na sina Tita sa hapag.
"Señorita Lauren, kumain na ho kayo," salubong sa 'kin ni Tiya Pasing ang matagal na naming kasambahay. Siya na lamang ang natira sa halos pitong kasamahan namin dito sa bahay. Kapag wala akong trabaho ay madalas ko itong tinutulungan sa gawaing bahay. Natuto na rin ako magluto ng dahil sa kan'ya.
Umupo ako sa mahabang dining table, bakas dito ang katandaan nito. Habang kumakain ay hindi mawala sa isipan ko ang nangyayare sa mga palayan at pagnanakaw ng mga alagang kambing.
Sa totoo lang, ayokong gumamit ng mga gamot sa mga palayan. Gusto kong ma-maintain ang kalidad nito at maging natural. Ngunit sa kalagayan ko ngayon, kailangan ko ng sumugal para masigurado ang balik ng pera.
Bukas ay tutungo ako sa barangay upang itanong kung may nahuli ba o nakuha sa cctv ng barangay. Napahinto ako sa pag-iisip ng salinan ng tubig ni Tiya Pasing ang aking baso.
Nagbuntonghininga ako at sinulyapan ito. Bakas na sa puting buhok at kulubot na balat nito ang katandaan.
"Tiya," mababang wika ko at sinulyapan ang plato ko.
"Ano 'yon Lauren?" malambing na tanong nito.
Ngumiti ako at nag-aalangang tignan ito. "Ibibigay ko na ho ang huling sahod n’yo sa katapusan, pasensya na po."
Napansin ko ang pagkabigla nito at umiling ng mabilis. Umupo ito sa isang bakanteng upuan sa aking kanan.
"Hija, ano bang sinasabi mo?" kunot na kunot na tanong nito.
Umiling ako ng mabilis. "Wag po kayong mag-isip ng kung ano, kailangan ko lang pong magbawas muli. Baka po kasi, hindi ko na kayo ma-swelduhan sa susunod na buwan. Nahihiya na ho ako sa inyo, nagta-trabaho kayo ng higit pa sa sinasahod n’yo."
Napaawang ang labi nito sa gulat at muling umiling. "Kung 'yon ang iniisip mo Hija, wag mo akong alalahanin. Nandito ako para pagsilbihan ka, hinabilin ka sa 'kin ng mga magulang mo."
Unti-unting nanikip ang dibdib ko sa sinabi nito, hindi pa ako pinapanganak ay kasambahay na ito sa mansyon. Alam na alam na nito kung ano ang mga paborito ko. Kung sino man ang mas nakakakilala sa akin, siya iyon.
"Pero, Tiya, sobra na ho ang ginagawa ninyo para sa akin." Naramdaman ko ang pag-init ng sulok ng aking mga mata at umiwas ako ng tingin kay Tiya Pasing.
Pinipigilan ko ang sarili ko na umiyak sa harapan nito, ayokong makita nito ang kahinaan ko.
"Hija..." Naramdaman ko ang kamay nito na bumalot sa kanang kamay ko na nakapatong sa lamesa. "Nandito lang ako, hindi kita iiwanan. Alam kong mas kailangan mo ngayon ng tulong ko."
"Pe-Pero, hindi n’yo naman po kailangang gawin ito."
Pinisil nito ang ang aking kamay. "Saka na ako aalis, kapag alam kong kaya mo na."
Mariin kong pinagdikit ang aking mga labi at sinulyapan ito. Marahan akong tumango. "Pasensya na ho Tiya Pasing, wag ho kayong mag-alala kapag nakabawi ho ako-"
Umiling ito ng mabilis. "Sapat na sa 'kin 'yon Hija, nag-aalala ako sa 'yo. Masyado kang lulong sa trabaho. Pag-uwi mo naman, ang hacienda naman ang inaasikaso mo. Kawawa naman ang katawan mo, napapagod na sa 'yo."
Tipid akong ngumiti at marahang tumango. "Salamat po sa pag-aalala, inaalagaan ko naman po ang sarili ko. Kayo po ang dapat magpahinga, huwag n’yo pong pinapagod ang sarili n’yo."
"Ikaw talagang bata ka! Kaya hindi kita maiwan, bakit ba mas iniisip mo pa ang kalagayan ng ibang tao kaysa sa sarili mo?"
"Tiya naman!" naka-ngusong pahayag ko.
Tumawa ito at napansin ko ang pamumuo ng luha sa kaniyang mga mata. Umiwas ito ng tingin at pasimpleng pinunasan ito.
Muli nito akong sinulyapan, namumula ang mga mata nito ngunit nakangiti. Pinipigilan kong lumuha sa harapan niya. Ayokong isipin nito na napapagod na ako. Ayokong maging mahina sa paningin ng ibang tao.
"Bakit hindi mo nalang kaya ibenta 'tong hacienda, Lau?" Napayuko ako sa tanong nito at pinagmasdan ang kamay nito na mariing nakahawak sa aking kamay.
"Tiya Pasing..."
"Alam ko," tango nito. "Alam ko kaya hindi mo magawa dahil sa namayapang mga magulang mo." Nagbuntonghininga ito at umiwas ako ng tingin.
"Pero papaano ka naman? Kailangan mo ring mabuhay para sa sarili mo, wag mong isipin sina Eva at Veron. Nasabi ni Yolly ang plano nitong pumunta ng Manila, diba noon pang nabubuhay ang Papa mo ay ginusto mo ng manirahan doon?"
Mabibigat ang bawat paghinga ko. Ayokong isampal sa akin ng reyalidad kung gaano kalupit ang mundo sa akin.
"Hindi na ho tulad noon, Tiya. Umaasa pa rin ako na magiging tulad ng dati ang hacienda. Ayoko pong bitiwan." Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha sa aking mga pisngi. "Hindi pa ngayon, umaasa ako na maibabalik ko pa ito sa dati. Kahit isang beses pa o dalawa, tatlo?"
Pinahid ko ang luhang lumandas sa aking mga pisngi. "Ito na lang po ang alaala ni Mommy at Daddy, maging sina Lolo. Iniisip ko pa lang po na ibebenta ko 'to, sumisikip na ang dibdib ko."
Marahan kong sinapo ang dibdib ko sa gamit ang kanang kamay dahil nahihirapan akong huminga. Sobrang bigat pa rin sa puso ko ang mga nangyayari. Pinipilit ko na maging maayos ang lahat, baka sakali na may paraan pa.