Kabanata 2 Wala akong tulog buong gabi kakaisip kung ano nga ba dapat kong gawin. Sumulyap ako sa lugar kung saan nakaupo si Yolly ngunit wala pa ito. Nakakapagtaka dahil madalas siyang mauna na pumasok sa akin o kung hindi naman ay sabay kami. Hindi ko matapos-tapos ang plates na ginagawa ko dahil nawawala ako sa aking sarili. Tumaas ang tingin ko at lumipat sa puwesto ni Yolly. Napahinto ako sa aking ginagawa nang alas otso na at wala pa rin si Yolly. "Na-approve na ang resignation niya. Baka ngayon ay nasa Manila na 'yon," wika ni Edna isa sa mga co-worker namin na katabi nito. Napaawang ang labi ko sa sagot nito. Hindi ko na napansin ito sa sobrang daming tumatakbo sa isipan ko nitong nakaraang araw. Nagtatampo kaya ito sa akin kaya hindi nito nagawang magpaalam? Hindi, hindi nam