Chapter 2

2936 Words
HYACINTH'S POV Pagka-alis ko ng Restaurant ay dumeretso ako sa Company nina mom. Meron na kasi silang pinatayo dito sa Pilipinas. Para daw hindi na sila malayo sa amin. Kaya ayun nagpatayo sila. Pinatayo ito 3 years ago. Nung panahon na wala kami. Ang unfair no? Papasok pa lang ako ng Office pinag-uusapan agad ako. Hindi naman kami masyadong naging sikat ni Rence sa California nung naging model kami. May iilan na nakakakilala samen at may iilan na hindi kami kilala. Pagkapasok ko sa office ni mom. Sobra niyang busy. "Mom, Are you okay?" kaya naman nakuha ko ang pansin niya. Lumapit siya saken at niyakap ako ng mahigpit. "I really miss you Hyacinth." "I miss you too, Mom. Where's dad?" "He's in Batangas. Having an apointment with someone," "Ohh. Here mom.. Pasalubong ko sayo," "Thank you, Hyacinth. Nagkita-kita na ba kayo ng mga barkada niyo?" "Yap. Magkakaroon nga kami ng little gathering later," "Hyacinth are you falling in love?...again?" "Mom! Kanino naman ako mai-love sa ngayon?" "With Rence," "Mom, Rence is just my bestfriend. Nothing more, nothing less," "Okaay! As you said. Pero Hyacinth kapag nagmahal ka na ulit, use your mind and heart. Sige na lumayas ka na dito at madami pa akong ginagawa," "Makapagpalayas ka mom ha. O sige lalarga na ako at maghahanda pa kami sa bahay. Bye mom," Nagkiss lang ako sa cheeks ni mom at nagpaalam. Saka ako umalis sa office niya. Dumaan muna ako ng mall to buy some snacks. Pagkatapos kong bumili ay pumunta na ako ng bahay namin. Pagkarating ko dun nasa sofa si rence at nanonood ng TV. Hindi ko siya pinansin at dumeretso ako ng Kitchen. "Hyacinth dumating ka na pala" sabi niya habang naka sandal sa pinto. "Yap! Pero bago lang naman" sagot ko sa kanya. "We have a bad news" sabi niya kaya naman napatingin ako sa kanya. "What is it?" tanong ko.. Tapos yumuko siya "Sir Hence is going here in the Philippines," natigilan ako sandali. Yung baklitang photographer? Na naging dahilan para mag-act kaming couple? "WHAT?!" yan lang ang nasabi ko. Flashback natin kung papanong nangyare na naging kami. --FLASHBACK-- Nandito kami sa room namin ni Rence ngayon. Nag-iisip kasi kami ng solusyon kung papano namin makakalimutan sina Axel and Sophie tapos biglang may idea na pumasok sa isip ko. "Why don't we just pretend as a couple?" sabi ko sa kanya kaya napatingin siya saken na naka-kunot noo "Are you serious? We’re just using ourselves." "Of course. You want to forget Sophie, right? I don't have any ideas to stop our pain." "Papano kung...mahulog tayo sa isa’t isa?" "Well, for me it's okay." "Are you out of your mind, Hyacinth?" "C'mon! Ikaw ba! May naisip ka bang paraan?" tapos umiling siya. "Argh! Fine.fine. Edi simula ngayon tayo na," "Oo na." **AFTER SOME DAYS** May photoshoot kami ngayon at andito si Mr. Hence, siya kasi ang photographer namin. Bakla yan, kalat na kalat rin ang tungkol sa amin ni Rence kaya umabot ito kay Mr. Hence. He wanted to make an article about our relationship, tatanggi pa sana kami ni Rence dahil hindi naman namin alam kung hanggang kailan 'tong palabas na 'to. Pero ite-terminate niya ang contract namin kapag hindi kami pumayag, so we have no choice. --END OF FLASHBACK-- "Bakit daw siya pupunta dito?" tanong ko kay Rence "Meron daw siyang important meeting dito 'e. Aiiissssh! Ano ba yan!" sabi niya sabay gulo ng buhok niya. "Anong gagawin natin ngayon?" "Ano pa nga ba! Edi magpanggap. Tss! Nakakainis," tapos nagwalk-out siya. May PMS ata siya eh. Sungit! Hinayaan ko na din muna si Rence dahil magluluto pa ako for our dinner tonight. madami akong niluto. May mga desserts din. Sana naman magustuhan nila toh. Specialty ko pa tong niluto ko for them noh. Dapat pala kasama si Baby Angel later. Matawagan nga si mom para makuha ang number ni Cristan. "Hello mom?" [Ohh..napatawag ka?] "Can i have Cristan's number?" [Sure. I'll text it] "Thanks mom," Maya-maya pa ay nag-reply na si mom. Tinext ko lang si Cristan at okay naman. Yipeeee! Pumunta muna ako sa kwarto ko para magbihis. 4 pm palang naman kaya madami pa akong pwedeng magawa. Pumunta ako sa kwarto ni Rence para tingnan siya. Nakatulog ata yata siya. Pumunta ako sa kama niya at umupo sa gilid. Gwapo naman talaga si Rence eh. Mabait pa. Immature pa kung mag-isip. Kung sa ibang babae pa.. Eto ang hinahanap nila na perfect prince charming. Minsan naiisip ko. Gusto ko na ba si Rence? O sadyang nadadala lang ako sa mga sweetness niya? Minsan tuloy gusto ko ng umiwas sa kanya. Baka kasi mahulog ako sa kanya at hindi niya ako saluin. Natatakot ako. Na masaktan muli. "Mahal kita. Sophie mahal pa rin kita. I'm begging," sabi ni Rence. Maybe his dreaming again of Sophie. He's always like that when we are in california. Hindi ko naman siya masisisi eh. Mahal niya si Sophie. Sobra sobra pa. Pero hindi ko alam kung papano nagawa yun ni Sophie. Umaasa ako na sana sa likod ng mga ginawa nila may dahilan. Pero sa nakikita ko, wala. They really love each other. Biglang may tumulong luha sa mata ni Rence. Pinunasan ko ito. Tinignan ko si Rence. Sana ako nalang Rence. Ako nalang ang mahalin mo. At sana ikaw nalang ang mahal ko. I'm tired Rence. I'm really tired. Hinawakan ko yung pisnge ni Rence. "Sana ako nalang Rence. I'm not yet sure of my feelings to you. Pero alam kong papunta na ako doon," bulong kong sabi. As if naman na naririnig niya ako. I just kissed him on his forehead at umalis na sa kwarto niya. Pagkalabas ko dun ko lang napagtanto na umiiyak na naman ako. Nung mga panahong nasa California kami.. I'm always crying. Umiiyak ako kapag tulog na si Rence. Ayaw kong makita niya akong umiiyak naman. Pumunta na ako sa kwarto ko. Matutulog muna ako. Tutal mamayang 7 pa naman ang punta nila.   RENCE'S POV Nagising ako ng 5 pm. Naghilamos muna ako bago lumabas ng kwarto. Tiningnan ko sa kitchen si Hyacinth. Wala siya doon. Kaya naman pumunta ako ng kwarto niya. Nakita kong natutulog siya. Lumapit ako at kinuhaan siya ng picture. Pangblack-mail. Hyacinth have a natural face like other girls. Mabait pa at maalalahanin. Nung mga panahong niloko siya ni Axel. Parang gusto kong bugbogin si Axel sa kagaguhang ginawa niya kay Hyacinth. Nung una akala ko si Axel lang.. Yun pala pati ang babaeng mahal ko. Hindi ko sila magawang saktan dahil sa tuwing nakikita ko si Hyacinth na umiiyak. Lumalambot yung puso ko. Ako yung nasasaktan sa kaibigan ko na tinurin kong kapatid. Nung nasa California kami. Kahit ayaw niyang sabihin saken na nasasaktan pa rin siya. Alam kong gabi-gabi siya umiiyak. Kahit na gusto ko siya icomfort. Mas pinili kong manahimik. Hyacinth needs space. Kahit ako. Dalawa kami ang nasaktan ng sobra. Sa maikling panahon na nakasama namin ang mga taong mahal namin.. Naging masaya ang buhay namin ni Hyacinth. Nang dahil kay Axel naging mas maligaya si hyacinth. Pero hindi ko akalaing siya rin ang magiging dahilan para masaktan at maging malungkot si Hyacinth. Kaya naman naming mabuhay ni Hyacinth ng wala si Sophie at Axel eh.. Pero gaya ng sabi saken ni hyacinth nung nasa California kami.."Hindi na gaanong masaya," Tama si Hyacinth. Hindi na masaya. Ang hirap isipin na yung taong kasama mo lagi,na sobrang nasanay ka na sa presence niya ‘e wala na. Bigla nalang humikbi si Hyacinth. May mga luhang tuloy-tuloy sa pag-agos sa mata niya. Hinalikan ko lang ang mga luha niya. "Nandito lang ako Hyacinth. Sana ikaw nalang yung mahal ko noh? Pero ang hirap Hyacinth eh. Pero kung sakaling mahulog ka man saken. Pinapangako kong sasaluin kita. Ayaw ko ng nakikita kang umiiyak pa" pagkatapos kung sabihin yun nagulat ako ng bigla niya akong yakapin. "Wag mo akong iwan." umiiyak na sabi niya. Nananaginip siguro siya. Hinimas-himas ko lang yung likod niya. Inayos ko siya ng higa tapos ay tumabi ako sa kanya. Sinusuklay ko lang yung buhok ni Hyacinth gamit ang daliri ko. ** Naalimpungatan ako sa tawa na narinig ko. Dahan-dahan kong minulat ang mata ko. nakita ko si Hyacinth. tumatawa na parang bata. "Anong tinatawa-tawa mo diyan?" tanong ko sa kanya tapos inabutan niya ako ng salamin. Anong gagawin ko dito? "Ano t'o?" tanong ko sa kanya. Nag-iba yung expression ng mukha niya. Kung kanina tawa siya ng tawa. Ngayon,poker face. "Siguro salamin,” sarcastic na sabi niya. Nagawa pa akong pilosopohin ha. "Psh. Anong gagawin ko dito?" tanong ko tapos tumawa na naman siya. "Look at your face-pfft ahahhahahaha," ayun tapos tiningnan ko yung mukha ko sa salamin. "HYACINTHHH!!!!!!" sigaw ko tapos dali-dali na siyang tumakbo palabas kaya hinabol ko siya. Ginawan ba naman ng mga doodle ang mukha ko. Meron pang aso ata. Pero mataba ang tiyan. Loka talaga yun. Naka-abot na kami dito sa sala. Paikot-ikot lang kaming dalawa. Hanggang sa nag-act ako na natapilok kaya naman dali-dali niya akong nilapitan. "Halaa! Hersheys are you okay?" sabi niya tapos natataranta pa siya. "Gotcha!" sabi ko tapos hinawakan ko siya at kiniliti ng kiniliti. Nang mapagod ako tinigil ko na rin. Tinulungan ko siyang tumayo. Nang makatayo siya bigla niya akong niyakap. "Don't leave me. Please," parang batang sabi niya. Hinawakan ko yung chin niya para magkaharap kaming dalawa. "I won't do that," sabi ko tapos tumingin siya saken na parang bata. "Promise?" sabi niya. Ngumiti ako saka sumagot "Promise," tapos ay hinalikan ko siya sa noo niya.   JAM'S POV Nandito kami sa labas ng bahay nina Hyacinth. At dinig na dinig ang tawa ni hyacinth galing sa loob. "Shh. Mamaya na tayo pumasok. Tingnan muna natin kung anong ginagawa nila" bulong kong sabi sa kanila. "Chismosa." sabay-sabay nilang sabi pero inirapan ko lang sila. "Look. Hyacinth hug Rence," sabi ni Sophie. Si baby Angel naman tawa ng tawa. "Shh baby," sabi ni Sophie tapos ay tinakpan ni baby angel ang mukha niya. Ang cute. Tiningnan namin sina Hyacinth and Rence. Akala ko hahalikan ni Rence sa lips si Hyacinth pero sa noo lang pala. Pumunta na kami sa harap ng pinto nila Hyacinth at kumatok.   HYACINTH'S POV Natigilan kami ni Rence dahil sa may kumatok. "Sila na siguro yan." sabi ko kay Rence kaya naman binuksan ko yung pinto pero si Baby Angel talaga yung nakakuha ng atensyon ko. "Hello baby Angel.” sabi ko tapos kiniss ko pa siya. "Wow. Kami walang kiss?" pagbibiro ni Gelo kaya naman sinapak ko siya. "Pasok na kayo guys," sabi ko. Tapos ayun feel at home sila. "Asan si Rence?" tanong ni Jam. "Nasa kitchen siguro," sagot ko naman. "Pwedeng pakarga kay baby Angel?" tanong ko kay Sophie. Ngumiti naman siya. Tapos inabot niya saken si Baby Angel. Kaya naman si Baby Angel giggled ng giggled. "KISSES!" sigaw ni Rence habang pababa tapos dala-dala niya pa yung laptop niya. "Wag ka ngang sumigaw," sabi ko sa kanya pagkalapit niya. "Sorry naman. Ohh hello guys!" sabi niya tapos nag'hello din yung iba. Hindi sila nakatingin. Nanonood sila ng TV. Spongebob ang palabas. "Hello, baby Angel," sabi niya kay Baby Angel tapos tumawa lang si baby Angel. "Si Mr. Hence kasi kausap ko sa laptop. Mamaya-maya tatawag ulit siya. Video call pa." "Nakoo. Pano ba 'to?" tarantang sabi ko. Tapos biglang tumunog yung laptop. "Eto na nga, " sabi ni Rence. Pilipino din si Mr. Hence pero sosyalera yang baklang yan. Sinagot na ni Rence at bumungad samen ang nakataas na kilay ni Mr. Hence. "Hello, Mr. Hence." sabay naming sabi ni Rence kaya napatingin samin sina Jam. "Hmp! Goodevening. Who's that baby, Hyacinth?" parang sosyal na sabi ni Mr. Hence. Naririnig din nung mga kasama namin. "My niece, Mr. Hence." sagot ko tapos tumingin ako kay Cristan. Nagsmile siya saken. "She's cute," sabi ni Mr. Hence. Nagsmile nalang kami. "By the way, before I forgot, tumawag ako para sabihin sa inyo na meron kayong photoshoot dyan sa Pilipinas. And I'll be coming too to talk to your parents," sabi niya. "B-Bakit naman po?" tanong ni Rence. "Because of your scandalous act, Mr. Rence! You kissed Hyacinth in the make-up room and a lot of staffs saw that," napatikom naman kami ng bibig na dalawa. "But it was an accident," I insisted. "Accident or not, I need to go. Goodbye," he ended the call at napasapo nalang ako sa noo ko. "Nag-kiss na pala kayo.pfft--" matawa-tawang sabi ni Hyun. Isa pa to. "We're drunk that time okay?" sabi ko sa kanila. "Pero may relasyon kayo?" "Oo," natigilan ako sa sagot ko. "I mean, Oo dati. Pero ngayon wala," nakayukong sabi ko, why am I feeling guilty about that by the way? It feels like ayokong marinig nila. "Hay nakoo! Ang gulo niyong dalawa. Pero guys ingat ingat ha? Baka mahulog kayong pareho sa butas. Nako dalawa kayong masasaktan. tsk tsk," pailing-iling na sabi ni Victor "Sana nga si Hyacinth nalang yung mahal ko ‘e," bulong ni Rence pero hindi namin yun naintindihan. "Tara na sa kitchen guys. Para magdinner," sabi ko tapos kinarga ko si Baby Angel at pumunta kaming kitchen. Kumakain lang akmi ng tahimik. tapos si baby Angel naka-upo sa lap ko habang kumakain siya ng stick-o. "Guys nakamove-on an ba kayo?" biglang sabi ni Celine dahilan para mabulunan ako. Dali-dali naman akong binigyan ni Rence ng tubig at hinimas-himas ang likod. "Oo naman," diretsong sagot ko tapos natahimik silang lahat. Nagpatuloy kami sa pagkain ng tahimik. Sobrang awkward ng atmosphere. Nakita kopa kanina na pinaglagyan ni Axel ng pagkain yung plato ni Sophie. Sa mga sandaling yun bigla akong napasabi sa sarili ko 'Ako sana yung binibigyan niya ng pagkain eh,'  pero bigla namang nagflashback yung mga oras na niloko niya ako. Tanging pagtawa lang ni Baby Angel ang naririnig namin. At ang ingay ng mga kutsara. Minsan nahuhuli ko si Axel na tumitingin saken pero pinapabayaan ko lang. Ayokong mag-assume. Baka mamaya si Baby Angel pala yung tinitingnan niya noh. "Nakakainis talaga si Tadhana. Ang hilig niyang paglaruan ang mga tao. Minsan pa darating sa ponit na nagmomove-on nga yung tao eto namang si lintek na tadhana. Pinaglalapit pa yung dalawa. Ang hirap ng ganun. Minsan tuloy napapasabi nalang tayo.. Mangyayare ba talaga toh? o sadyang sinadya lang talaga ni Tadhana? Aisssh! Parang gusto kong patayin yang pesteng tadhana na yan eh" sabi ni Gelo. Kaya naman napatingin kami sa kanya. Tiningnan niya si Sophie at Axel at ngayon naman kami ni Rence. Umiwas nalang ako ng tingin. Tama ang sabi ni Gelo. Bakit ba hindi maki-ayon si Tadhana?! Tss! Nakakainis tuloy. Pagkatapos naming kumain ay nagmovie-marathon sila. Habang ako naghuhugas ng pinggan. Pagkatapos kong maghugas ay nakijoin ako sa kanila. Napatingin ako sa side nina Axel,Sophie at baby Angel. They look like an Family. Naka-upo si Axel habang naka-indian seat tapos si Sophie ganun din habang nakasandal yung ulo niya sa balikat ni Axel habang si baby Angel nakaupo sa harap nilang dalawa. Bigla na namang may sumagi sa isip ko. Na sana ako nalang yun. Yung taong katabi ni Axel ngayon. Umiwas nalang ako ng tingin. Umakbay saken si Rence and kiss my forehead. Hindi naman kami masyado nahahalata kasi madilim dahil tanging TV lang ang naka-on. Nanonood lang kami ng spongebob hanggang sa dumating sa scene na aalis si Spongebob at maiiwan si Patrick. Tinanong ni Spongebob si Patrick. 'Bilang kaibigan,ano ang kaya mong magawa sa pag-alis hanggang sa pagbalik ko?' spongebob asked to patrick. 'Hihintayin ko ang bestfriend ko hanggang sa pagbalik niya' sagot naman ni Patrick. Sobra akong natouch sa sagot ni Patrick. Sana ganun nalang lahat ng magkakaibigan. Nang matapos na yung spongebob may bago kaming pinanood. Isang romance. At ang lakas ng relate samin. Kasi may group of friends tapos yung isang girl may boyfriend but she didn't know that her bestfriend and her boyfriend has a secret relationship. Nakipagbreak yung girl sa boy at sinira niya ang friendship nung bestfriend niya. Umalis yung girl sa ibang bansa. When she came back nagkita ulit sila. Nagkita sila nung ex-bestfriend and ex-boyfriend niya. Nagulat yung girl na may binigay na invitation card yung ex-bestfriend niya. Isang wedding invitation card. Sobrang nasaktan ang girl sa nalaman. Nagwala siya ng sobra. Naging tanga daw siya kasi hindi niya ipinaglaban yung boyfriend niya. Until the wedding day came. Papunta na yung girl but somethings happened wrong. The car of a girl was bumped by a truck. Sinugod pa yung girl sa hospital pero walang nangyare. The girl died. Nung nasa burol na. Lumapit yung boy sa kabaol nung girl at nagsalita. 'I'm really sorry.. Ni hindi lang man kita ipinaglaban. Wala akong magawa. Sasaktan ka nila. Yun lang ang pwede kong gawin. Ang pakasalan ang bestfriend mo. Tinakot nila ako kaya wala akong nagawa. Papatayin ka raw nila kung sakaling hindi ako magpapakasal sa kanya. pero dahil sa mahal kita yun lang yung tanging gagawin ko para mailigtas ka. Sorry..I'm very sorry.. mahal na mahal kita' yan ang sinabe nung boy. May pumasok na naman sa isip ko. Na sana yung ginawa ni Sophie at Axel.. May dahilan sa mga likod nito. But when I look at now Sophie and Axel.. Malabo.. Sobrang labo.. Sa tuwing titingnan ko sila para akong nanlulumo. Naguguluhan ako. Mahal ko pa ba si Axel? o si Rence? Pagod na akong magmahal.. Arghhh! Pagkatapos nung movie umuwi na rin sila. Kasi gabi na. bago sila umalis I look at Axel he smiled on me then I smiled to him back. Kahit hanggang sa tingin nalang ako. Okay lang. Masaya na ako.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD