THIRD PERSON'S POV
Nasa mall ngayon si Axel at naglilibot-libot nang biglang tumunog yung phone niya. Pagkaraan ng ilang taon ay nakapag-tapos na silang lahat at may sari-sarili ng trabaho na inaatupad.
"Hello, Sophie?" pagsagot ni Axel.
"Axel, bumili ka raw ng cerelac ni Baby Angel." Mabilis na utos ni Sophie sa kanya.
"Cerelac? Uso pa ba yun?" Napakamot sa ulo si Axel habang naglalakad pabalik sa Grocery.
"Oo nga. Bilisan mo. Dito ka na sa Restaurant dumiretso."
Pagkababa ni Sophie ng tawag, agad na nagtungo si Axel sa Grocery at naghanap ng cerelac para kay Baby Angel. Hindi naman siya nahirapan sa paghahanap nito kaya nabayaran niya agad at nagtungo siya sa Restaurant na ipinatayo nilang magkakaibigan.
Sa opisina ng Restaurant nagtungo si Axel at agad na binigay ang cerelac kay Sophia habang isa-isa namang dumating ang iba nilang kaibigan. "Hello Baby Angel! How are you?" bati ni Jam sa bata.
Umupo silang lahat sa sofa maliban kay Axel at Sophie. "O guys kamusta ang buhay mag-asawa?" matawa-tawang tanong ni Gelo kina Sophie kaya tinapunan ni Axel si Gelo ng folder.
"Aray! Haha. Hindi naman mabiro si Axel. Seryoso sa buhay, sers?" sabi ni Gelo pero inirapan lang siya ni Axel at hindi na pinansin.
AXEL'S POV
Walangyang Gelo yun. Tama bang i-joke ako ng ganon. Baka kung ano ang isipin ng iba oras na marinig nila ang pinagsasabi niya. Tss.
"Ano nga palang nagdala sa inyo dito para dalawain ang resto, ha?" Masungit na tanong ko dahil madalang lang naman sila kung dumalaw dito sa restaurant dahil may sari-sariling business rin kaming inaasikaso, lalo na ang mga family businesses namin.
"Tumawag sakin si Tita Gabriella 'e. Sabi niya magtipon-tipon daw tayo ngayon dito," sabi ni Ariell.
"Bakit kaya?" Takhang tanong naman ni Victor.
"Hindi kaya uuwi na sina Rence?" muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko sa sinabi ni Hyun. Parang hindi pa ako handa sa bagay na 'yan.
"E diba next year pa raw 'yon?" singit naman ni Jam habang nilalaro si baby Angel.
"Ewan," kibit-balikat na sagot ni Celine habang busy sa kanyang cellphone.
Biglang bumukas yung pinto ng opisina at pumasok si Manager Kim. "Excuse me, Sir, meron po kasing customers na nag-iinsist ng specialty sa lunch menu natin kahit na hindi po available 'e,"
"Bakit? Ano ba yung specialty natin sa lunch menu?" Cristan asked.
"Yong strawberry poppyseed chicken salad po 'e. Kaso wala po tayong available na strawberries,"
"O sige. Sabihin mo kung makakapag-hintay sila. Magpapabili tayo ng strawberries right away,"
"Okay po.," Umalis na si Manager Kim kaya kami nalang ulit ang naiwan dito sa loob.
Maya-maya pa pumasok na naman ulit si Manager Kim at mukhang nag-aalala ang mukha. "Sir, excuse lang po ulit, may gusto po kasing kumausap kay Sir Hyun sa labas,"
Hindi naman nagdalawang-isip si Hyun na tumayo at lumabas ng Opisina.
Pagkatapos ng ilang minuto pumasok ulit si Hyun na gulat na gulat. Umupo siya sa tabi nina Ariell tapos sinasampal niya ng marahan 'yong mukha niya. "Hyun anyare sayo?" tanong ni Victor.
"Sino ba 'yong kausap niya?" tanong ni Jam tapos tiningnan kung sino yun pero hindi niya na ata naabutan.
"ARAAAAY! RENCE WAG MO NGA AKONG HILAHIN! MASASAPAK KITA EH! RENCE AYOKO NGAAA! DI PA AKO READY!" may narinig kaming sigaw. Nagsitinginan kami para tingnan yung sumigaw pero nakasakay na sa kotse.
"Sino kaya yun?" Cristan na halatang nag-iisip. Hindi naman siguro si Rence 'yon na kilala namin, diba?
Nagutom na kaming lahat kaya lumipat na kami sa mas malaking room upang makakain na ng lunch. Nagkukulitan na ang lahat pagkatapos naming makakain pero napahinto kami nang mapasigaw si Jam.
"OMG!" sinundan namin ang tingin ni Jam kaya kahit kami ay napahinto at napatitig lang sa dalawang taong naglalakad papalapit sa amin.
"Hello Guys!" masiglang sabi ni Hyacinth. Pero hindi kami nakaimik agad. I was stunned by her beauty, mas lalo siyang gumanda, that's why I'm speechless. I wanna f*****g hug her right now but when I saw how Rence wrapped his arms around Hyacinth's waist...I know it's f*****g over.
"Hey! Are you all deaf?" she snapped her fingers kaya napa-iwas ako ng tingin sa kanya. Bakit ang dali nalang para sa kanya ang tingnan ako.
"Kyaaaaah! Namiss ka namin," agad nilang dinambahan ng yakap ang dalawa at nakisali rin si Sophie kaya binigay niya sakin si baby Angel na mukhang nagtatakha sa nangyayari.
Pagkatapos nilang mag-yakapan doon 'e napansin ako ni Hyacinth, pero assume ko lang 'yon. Si baby Angel talaga ang nilapitan niya. "Hey, sweetie. What's your name?" She even smiled at her. Bakit kasi hindi ako naging si Sweetie? Tsk.
"Angel,” sagot ko habang hinahawakan niya ang mga maliliit na kamay ni Angel. Ngumingiti rin naman si Angel sa kanya.
"You really is an Angel," natutuwang sabi niya kay Angel. Mas anghel ka sa paningin ko.
"Hyacinth, kamusta naman ang pagstay niyo ng 3 years doon?" excited na tanong ni Hyun sa kanya.
"It's good. Actually, we're both living in the same house," she even giggled.
"WHAT?"
"Yeah! Actually, we have a house rented for a while here,” ngumiti siya kay Rence and he patted her head. Ako dapat ‘yon e.
"Rence ba't ang tahimik mo?" naka-ngising tanong ni Ariell.
"Ha? Wala," umiwas siya ng tingin at umupo sa tabi ni Jam.
"Ahm…So, how’s the life of being married?” she asked pertaining to me and Sophie. Napatingin kami sa isa’t-isa ni Sophie. Sila Jam naman imbes na sagutin ang tanong ni Hyacinth ay halos mag-lupasay na sa kakatawa.
“Hyacinth, hindi sila kasal,” natatawang sagot ni Hyun sa kanya.
“Huh? Why? What happened?” bakit ba niya inuungkat ‘yon? Gusto ko na ngang kalimutan ‘yong bangungot na ‘yon ‘e. Tsk tsk!
“Hyacinth, I think that’s enough. We have to go,” hinawakan ni Rence ‘yong kamay niya to stop her from asking questions at parang gusto kong i-laser ‘yong kamay niyang ‘yon.
“Agad? Mamaya na woy!” pinigilan sila ni Cristan kaya wala na silang nagawang dalawa.
Nag-kwentuhan pa sila tungkol sa buhay nila sa US at sa naging trabaho nilang dalawa doon. Hindi naman ako nakikisali dahil hindi ko rin naman alam kung anong sasabihin ko. Pinapakain ko si Angel nang biglang magtanong si Jam kay Hyacinth.
“So, is it true na naging kayo talaga? Or was it because of public gain lang?” tinaas-taas pa ni Jam ang dalawang kilay niya, teasing them both.
“Sagutin mo na,” pag-siko ni Rence kay Hyacinth. Inismiran naman siya ni Hyacinth.
“It was more like because we got caught?” she answered unsure. Naghintay pa kami nang susunod niyang sasabihin dahil hindi ko rin alam kung ano ang ibig niyang sabihin. I want her to clear it up. My imagination is going wild right now dahil sa sinabi niya.
“Fine. The Producer s***h Photographer caught me and Hyacinth kissing in the Make-up room,” lahat kami natahimik at nagulat. I greeted my teeth because of irritation, kailangan ko ng huminga.
“Hey! But that was an accident,” Hyacinth cleared it up nang mapansin niyang natahimik kaming lahat. Tumingin siya sakin pero umiwas rin agad. No one dared to talk again kaya naman nag-change topic nalang agad.
Nag-usap sila tungkol sa mga gusto nilang gawin habang nandirito pa sina Hyacinth. Hanggang sa naisipan nilang pumunta sa bahay nina Hyacinth mamayang gabi to have a dinner and a little get together with the both of them.
Wala naman akong choice kundi sumama dahil paniguradong magtatakha sila kung bakit ayaw kong sumama. Nagpaalam na silang dalawa pero naiwan pa sandali si Rence dahil may dadaanan pa raw si Hyacinth kaya nauna na siyang umalis.
RENCE'S POV
“Rence, mahal mo ba?” napatigil ako sa tanong ni Jam. Napatingin naman silang lahat sa akin maliban kay Sophie.
“Mahal…na mahal,” hindi ko alam kung sino ang ibig sabihin ni Jam pero ako, ang babaeng tinitingnan ko ngayon ang ibig kong sabihin. Binalik ko ang tingin ko kay Jam saka ngumiti.
“Fun fact, guys. Naging girlfriend ko si Hyacinth,” I chin up at ngumisi kay Axel na sobrang sama ng tingin sa akin. Easy lang, bro, sayong-sayo siya.
"Seryoso?”
“Mukha ba akong nag-bibiro? Pero dati pa ‘yon, okay? Sinubukan lang naming dalawa kung click ba kami,”
“Ano kayo? Computer na may click?” napa-iling iling nalang si Ariell.
“My turn to ask, ba’t hindi natuloy ang kasal nila?”
“Tinakas namin, JC and Cristan also asked the oldies na unahin sila sa pagpapakasal for the sake of baby Angel. Hopefully, hindi pa rin tuloy ang kasal nila next year,” I nodded and give the baby a smile.
“So, it was all because of you, huh?” thank you, baby.
Pagkatapos kong hingiin ang contacts nila ay umalis na rin ako doon. Pagkarating ko ng parking lot napasapo ako ng noo ko. Ang sama-sama ng tingin ni Axel sa akin kanina dahil kay Hyacinth pero hindi niya alam kung gaano ako nasaktan nang makita kong magkatabi sila ni Sophie at hawak niya si baby Angel. Muntik na akong maniwalang pamilya na nga talaga silang dalawa.
Sana nga kaming dalawa nalang talaga ni Hyacinth. Pero hindi ‘e, para kaming tangang pinagpipilitan ang isa’t-isa kahit hindi naman talaga kami meant to be. Sana nga ganoon kadaling makalimot at makahilom ang sugat sa puso.