HYACINTH'S POV
Nagising ako dahil sa parang may humahawak sa mukha ko tapos tumatawa pa. Dahan-dahan kong minulat ang mata ko. Napa-upo ako bigla, si Baby Angel nandito sa tabi ko.
"Baby Angel anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya.
"Dada!" sabi niya lang tapos tumawa. Napakacute niya talaga. Asan na ba si Rence? Siya siguro ang may pakana nito.
"Baby Angel stay here,o kay? I'm gonna wash my face lang. Then we'll go downstairs," sabi ko tapos kiniss ko siya sa cheeks.
Naghilamos at toothnrush lang ako. Nagsuklay rin tapos bumalik na ako. Pagtingin ko kay Baby Angel nakahiga siya tapos nakakumot pa. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya tapos nakita ko siyang nakangiti.
Ang cute-cute niya talaga. Ang haba pa ng hair niya. Ang ipinagtataka ko lang hindi pa siya masyado nakakapagsalita. Umupo ako sa tabi niya. "Baby say Angel," sabi ko sa kanya.
"Enggel," sabi niya. Kinarga ko nalang siya tapos bumaba na kami. Nagulat ako ng makita ko si Axel, Gelo, Sophie at Rence.
"Hello. Goodmorning," bati ko sa kanila.
"Goodmorning," sabi naman nila.
"Nagustuhan mo ba ang alarm clock mo?" matawa-tawang sabi ni Rence sakin pero inirapan ko lang siya. Umupo na ako tapos nasa lap ko pa rin si baby Angel.
"Bakit nga pala hindi pa masyadong marunong magsalita si Baby Angel?" tanong ko.
"Hindi kasi nila tinuturuan eh. Nakakasalita nga siya pero medyo bulol pa," sabi naman ni Sophie. Tumango-tango nalang ako. Sabay-sabay kaming nagbreakfast. Si Baby Angel sinusubuan ko lang.
"Ma-ma, I want to go to mal,l" sabi ni Baby Angel. Pero sakin siya nakatingin?
"Sophie, ikaw ata tinutukoy ni Angel" sabi ko kay Sophie.
"Kapag sayo siya nakatingin sayo talaga. Masanay ka na sa kanya kung tatawagin ka niyang mommy. Ganyan talaga siya eh" sagot nalang ni Sophie.
"Okay baby! We'll go their later.. Rence samahan mo kami"
"Opps! Sorry! Meron akong work sa office later. At dadaanan ko pa ang dress shop. Si Sophie nalang,"
"Nako! Kaya nga ako pumunta dito eh. Pinaiwan sakin yan ni Cristan si baby Angel kasi pupunta siyang Batangas to meet your dad Hyacinth tapos tatanggi na sana ako kasi babantayan ko pa ang Restaurant eh. Sabi niya iiwan ko nalang daw dito sa inyo. Kaya pwede ba?"
"It's okay," sagot ko nalang.
"Ikaw Gelo?" tanong ko kay Gelo.
"Sorry. But I have work today. Nakikain lang nga ako ng breakfast sa inyo eh.”
"Axel, pwede mo kaming samahan, if it is okay to you?" bahala na! kakainin ko na ang hiya ko.
"Ha? Ah kas—" hindi natapos si Axel kasi nagsalita agad si Sophie.
"Oo, tama! Si Axel nalang ‘yong sasama sa inyo. Tutal wala siyang work today. At hindi siya masyadong busy na tao ‘e," pagsingit ni Sophie.
"Ohh thanks God. O sige dito ka muna baby Angel at magbibihis muna si Mommy ha?" sabi ko kay baby Angel tapos tumayo siya ng upuan then kiniss niya ako sa cheeks. I just smiled to her tapos nag-excuse na ako.
Habang naliligo ako. Iniisip ko si Sophie. Bakit ganun siya umasta? Parang wala siyang pakealam kay Axel. Feeling ko kasi maghi-hindi na si Axel pero nakisingit si Sophie.
Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako. Simpleng damit lang ang sinuot ko. Pagdating ko dun wala na si Rence at Gelo.
"Hyacinth, mauuna na ako ha? Baka malate pako sa office eh. Baby Angel you behave okay? At ikaw Axel! Ingatan mo ang mag-ina mo ha?" sabi ni Sophie kaya muntik na siyang masapak ni Axel pero tumakbo agad siya sa pinto.
Nang makalabas si Sophie. Medyo naging awkward ang atmosphere naming dalawa. Nagulat ako ng may humawak ng kamay ko.
"Mommy, Dada come on," sabi ni Baby Angel tumango nalang ako. Lumabas na kami ng bahay. May kotseng dala si Axel. Binuksan ko ‘yong pinto ng kotse sa likod ng passengers seat. Pero pinigilan niya ako. Tapos binuksan niya ‘yong shot gun seat.
"Papano si baby Angel?" tanong ko sa kanya. Binuksan niya ‘yong pinto sa likod ng shotgun seat at pinapasok si Baby Angel. Nagthumbs up pa si Angel sakin.
Tapos binuksan niya ‘yong passenger's seat. Pumasok nalang ako. Pagkatapos ay pumasok na rin siya sa kotse. Then nag-drive, tahimik lang kami sa loob ng kotse. Ni isa ay walang may nagsasalita.
"Dada, do you love mommy?" nabigla ako sa tanong ni Angel kay Axel. May binulong si Axel saka sumagot.
"Angel i'm not your real dada, okay?" sabi ni Axel tapos nagpout si Baby Angel.
"I want this day the both of you will be my real dada and mommy," sabi ni Angel. Nagtinginan kami ni Axel. I just smiled to him tapos umiwas ulit ng tingin.
"Sure baby," sagot ni Axel tapos tuwang-tuwa si Angel. Kung alam mo lang Angel, masakit maging matanda.
After some minutes nakarating na rin kami sa Mall. Hawak ni Baby Angel ‘yong kabilang kamay ko habang ‘yong kabilang kamay namn ni Axel hawak ni baby Angel.
"Where do you want to go baby?" tanong ni Axel kay Baby Angel.
"I want to eat dada!" sabi ni Angel.
"Kakakain lang natin baby" sabi ni Axel.
"It's okay Axel. Kaonti lang rin ‘yong kinain niya ‘e. Maybe she’s hungry again," sabi ko kay Axel tapos pumunta kami sa isang restaurant. Si Axel na ang napresentang bumili ng pagkain namin.
Pagkabalik niya kumain agad si baby Angel ganun din kami ni Axel pero sandwich lang ‘yong samen. Hehe! Tinitingnan lang namin si Baby Angel habang kumakain. May narinig pa kaming usapan sa kabilang table.
"Tingnan mo hon ang cute nilang magpamilya,"
"Oo nga hon. Parang tayo lang noon,"
"Ang cute pa ng baby nila Hon oh. Pero kahit may baby na sila baby face pa rin silang mag-asawa,"
"Oo nga Hon. Sigurado akong mababait na magulang yan,"
Kami? Magkapamilya? Tss! Siguro si baby Angel tanggap ko pa. Pero ang tatay? Nako. Wag na! baka ipasalvage ako ni Sophie. Tsk tsk.
"Axel, you changed a lot," sabi ko sa kanya, ewan ko pero biglang lumabas yan sa bibig ko.
"Why?" tanong niya naman.
"Kasi hindi ka na masyadong cold," sabi ko sa kanya. He just smiled at me.
Pagkatapos naming kumain sa restaurant hinila na naman kami ni Baby Angel sa isang botique. ‘yong mga damit,shoes and stuffs na para sa mga pambata. Nauna si Angel samen at sumusunod lang kami sa kanya. Biglang nagsalita si Axel.
"Can we forget what happened before? Just this day Hyacinth? Please? Ayokong maging awkward tayong pareho. Lalo na at kasama natin ang bata. Please?" yan ang sabi niya. Kahit ayoko dahil naiinis ako sa sinabi niya na kalimutan ‘yong past. Tss! Just for baby Angel I will say Yes. Nakakainsulto rin kasi side ko ‘e!
"Oo naman," sabi ko tapos ngumiti siya. At abah hinawakan ang kamay ko at hinila papunta kay baby Angel.
"Baby Angel ,may nagustuhan ka ba?" tanong ni Axel. Pilit kong inaalis ‘yong kamay niya pero AYAW!
"Baby, can you help mommy to get off your dada's hand on mine?" tanong ko kay baby Angel kaya napatingin siya sa kamay namin ni Axel.
"Dada, can I have your phone?" tanong ni Baby Angel kay Axel at binigay niya ito. Bigla namang pinicturan ni Angel ‘yong kamay naming dalawa.
"Dadam don't delete that ha?" sabi ni Baby Angel nagsmile nalang si Axel. Langya! Magkasabwat ba tong dalawang ‘to?
"Baby Ange,l help now mommy. Please?" pagmamakaawa ko but Angel just walk away.
"Humanda ka talaga sakin Axel," sabi ko sa kanya but he just smirk at me. What a jerk!
Sinundan namin si Angel at tumingin-tingin siya sa mga damit na nandun. Tinitingnan lang namin si Baby Angel habang tinitingnan niya ‘yong mga damit. Para siyang dalaga kung makapili.
"I wish I will have an Angel like her also. Kung hindi dahil sa kanya ay kasal na kami ni Sophie, that will be the greatest regret of my life if ever," he then laugh. His laugh is like a sad one. ‘Yon bang parang may pinagda-daanan siya.
"Tara, lapitan na natin siya at mukhang may napili na siya," sabi ni Axel tapos hinila niya ako palapit kay Baby Angel. Ewan ko ba pero natigilan ako sa sinabi niya sakin kanina.
"Dada, mommy can I ask?" Axel and I nodded.
"Are the two of you dating?" tanong niya. San niya nakuha yang mga ganyan? Kebata-bata.
"Baby Angel, where did you heard that?" tanong ko sa kanya. Tapos tinuro niya ‘yong dalawang couples.
"Baby Angel, you’re too young for that but I will answer your question. Yes dada and mommy is dating. Like now, we’re dating" sagot ni Axel dahilan para mapatingin ako sa kanya. Eto na naman siya e.
"Really?!Wow! I’m really happy!" sabi ni Baby Angel tapos niyakap niya kami.
Pumili si Baby Angel ng mga damit tapos binili ni Axel. habang nagbabayad kami este si Axel lang pala. Ang lagkita makatingin nung mga saleslady ha. Lalong-lalo na ‘yong three girls. tss! Naiinis ako. Ewan ko kung bakit.
"Baby Wait here, okay? May gagawin lang si Mommy," tapos tumango si Baby Angel. Luampit ako kay Axel.
"Axel, are you not yet done?" tanong ko sa kanya.
"Hindi pa, just wait a second," sagot niya naman,
"Baby Angel come here," tawag ko kay Baby Angel. Tapos lumapit siya samin.
"Where do you want to go after this?" tanong ko kay Baby Angel.
"In the park," sabi niya. Tapos tinignan ko si Axel.
"Baby Angel ,wants us to go in the Park. Is that okay to you?" tanong ko tapos nag-ok naman siya. Pagkatapos niyang bayaran ‘yong pinamili niya ay lumabas na kami ng mall. Hindi ko siya pinapansin. Kapag kakausapin niya ako si Baby Angel ‘yong kakausapin ko. bahala siya.
Bigla namang may nakabangga si Axel. Kaya napatingin ako, "Ohh.. I'm sorry" sabi ‘nong Girl. "It's okay, wait,Xiana?" sabi ni Axel. Nakahanap na naman siya ng kalandian niya.
"Axel John? Is that you?"
"Xiana! How are you?" Tapos ayun na nag-usap na sila. Tss! Leche. Ano ‘yon hindi na agad kami nag-exist ni Angel dito.
"Baby Angel, come with me. We're going" sabi ko kay baby Angel pero mahina lang. Iiwan namin si Axel. Hmp! Kanina pa ako nabubwisit sa kanya. GRR!
"Mommy, where’s dada?" tanong ni Baby Angel.
"He will come with that girl, okay? So come on baby we're going by ourselves in the park," sabi ko tapos naglakad na kami. Nang makalabas kami ng mall at papara na ng taxi biglang may umakbay sakin. At sino naman tong nilalang na ‘to. At pagtingin ko. GRRRR!
"Alis nga dyan! Aalis kami," sabi ko sa kanya.
"Problema mo?" tanong niya sakin.
"Wala. Alis diyan pupunta pa kami ng anak mo sa park,"
"Excuse me anak mo rin yan ‘no," sagot niya naman.
"Oo nga anak ko kaya kung pwede lang aalis na kami ng anak KO,"
“So, anak mo si Baby Angel at anak ko rin siya. So mag-asawa tayo?" natigilan ako sa sinabi niya. Oo nga no? Ba't ang tanga ko.
"Argh! Whatever. Dun ka sa Xiana mo," sabi ko sa kanya.
"Wait. Are you jealous?"
"WHAT? Jealous your face!"
"And why are you mad?"
"Iniwan mo ba naman kami ng bata, sinong di magagalit ‘non?”
"And you’re jealous,"
"Yes!—I mean no! "
"You said it. You're jealous,"
"I said no,"
"You're jealous,"
"No—" hindi ko natapos kasi sumigaw si Baby Angel.
"Dada, Mommy! Are you fighting?"
"Ha? No baby! We’re just...playing. Yeah, playing," tarantang sagot ko.
"You’re Mommy's right, Baby. Come on. Let's go to Park. Cause your mom is jealous, baby," sabi ni Axel. Inismiran ko nalang siya at aktong babatukan na pero di ko na natuloy dahil palingon-lingon na sa akin si Baby Angel. Sumunod nalang ako sa kanilang dalawa.
Pumunta na kami sa parking area kung saan nakapark ‘yong kotse niya. "Mommy, let's eat first," sabi ni Baby Angel.
"Let's buy foods and we'll eat it in the Park," sabi ko tapos nagpalakpak siya. Pumasok na siya ng kotse kaya naiwan kaming dalawa na nakatayo dito. Bigla siyang umakbay sakin.
"Eto talagang misis ko. Napakaselosa," sabi niya kaya inalis ko ‘yong pagkaka-akbay niya at sinigawan.
"HINDI MO AKO MISIS!" sigaw ko tapos pumasok na ako sa kotse niya. Nakangisi pa siyang pumasok ng kotse niya and it's cute. Ay hindi!
Gaya ng sabi ko kanina, bumili muna kami ng pagkain tapos pumunta kami ng park. Mabuti nalang at boyscout tong si Axel at may dalang tela. ‘yong parang pampic. Inilatag niya yun tapos umupo kami doon. Kumain na rin kami. Pagkatapos ‘non ay nagkwetuhan kaming tatlo.
"Dada, mommy, can you both kiss me on my cheeks?" tanong ni Baby Angel.
"Sure thing baby," sagot ko naman tapos dahan-dahan naming kiniss si Baby Angel but WTF.
"Perfect!" nakita ko nalang si Baby Angel na hawak-hawak ang cellphone ni Axel.
"Baby why did you do that?" tanong ko sa kanya but she just laugh. Kaya naman hinabol ko siya ng hinabol. Nang mahuli ko siya ay binuhat ko at inihiga siya dun sa may telang inuupan namin kanina at kiniliti siya ng kiniliti. Nang mapagod ako ay hininto ko na rin.
"Dada, Mommy, I will just play there. " sabi ni Baby Angel at nagnod naman kami ni Axel. Humiga ako tapos humiga din siya.
"Sana ganito nalang tayo lagi," sabi ni Axel habang nakapikit ang mata.
"Sana nga, " Nanahimik na naman kaming dalawa.
"Sana hindi ito ang huling pagkakataon na lumabas tayo nina Baby Angel," sabi niya.
"Oo naman. Just text me kung kelan ka pupwede at kapag walang nagbabantay kay Baby Angel. Hindi naman ako busy ‘e. Si Rence lang naman talaga ang busy saming dalawa," sagot ko naman.
"Do you love him?"
"I don't know..." Tapos ay nanahimik na kaming dalawa. "Axel, the kiss earlier, Sorry,"
"It’s okay. That's not your fault," walang emosyong sabi niya.
Past 5 na nung inuwi namin si Baby Angel kina Cristan. Dumating na nga rin si JC eh. Kaya naman nagstay pa kami dun ng 30 minutes ni Axel. Pagkatapos nun ay nagpaalam na kami ni Axel.
At ngayon ay ihahatid niya na ako pauwi. Nang mahinto ang kotse. "Thank you for a wonderful day. I had so much fun," sabi ko.
"Ako rin. Goodnight," sabi niya. Nagulat pa siya sa ginawa ko when I kissed him in his cheeks.
"Bye," yun lang angsabi ko at bumaba na. Dire-diretso akong pumasok ng bahay. Nang makapasok ako ng bahay. I just found myself smiling because of him.