Prologue

201 Words
Tatlong taon na ang nakaraan pagkatapos naming iwan ang Pilipinas. Tatlong taon na ang nakaraan noong kasama pa namin sila. Tatlong taon na ang nakaraan noong mahal ko pa siya.   Akala ko madali lang kalimutan ang lahat at talikuran ang mga problema. Pero hindi pala, patuloy kaming hinahabol nito kahit sa pag-tulog namin at palaging pinapaalala kung gaano kasarap ang mag-mahal at mahalin ngunit ganoon rin kasakit kapag iniwan at pagtaksilan ng taong mahal mo. Mga pangakong napako at mga pangarap na naglaho. Maaabot pa ba? O mananatiling 'sana' ang lahat. Ano na naman kaya ang panibagong pagsubok na mangyayari sa buhay namin ngayon? Nakamove-on na ba talaga ako? Kaming lahat? Bago kami umalis ng Pilipinas  ang sabi ko 'Iiwan ko na ang mga alaala namin. Pati na rin ang nararamdaman ko sa kanya.' Nagawa ko na nga bang kalimutan ang nararamdaman ko sa kanya? Kamusta na kaya sila? Siya? Pero sisiguraduhin kong sa pagbalik namin...   WALA NA AKONG NARARAMDAMAN SA KANYA.   Kahit mahirap...Kakayanin ko. Kahit masakit...Gagawin ko. Kaya sana maki-ayon ang TADHANA..         Are you ready to PLAY with FATE? Drop your bet and have a game with Destiny.                                  Fate decides who comes to your life, your heart decides who stays.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD