HYACINTH'S POV
Nandito ako ngayon sa office ni mom. Dahil may ipapagawa daw siya saken. At dahil sa wala naman akong ginagawa. Pumayag na rin ako. Kesa maboring lang ako sa bahay. Nasa office rin si Rence ‘e. Lumabas muna ako sa office ni mom dahil after 20 minutes pa daw siya darating.
Naglibot-libot muna ako sa building. Then suddenly I bumped into someone.
"Aww!" daing ko.. May nakabangga kasi ako. Hindi kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko ‘e. Dali-dali akong tumayo at kinuha yung mga folders.
"I'm so sorry! I didn't saw you. I'm sorry," paulit-ulit kong sabi.
"It's okay miss" sabi niya naman. He's voice sounds familiar.
Nang mapulot na namin lahat ng folders tumayo na kami at nagkaharap.
"Axel," Halatang nagulat din siya. Dito siya nagta-trabaho?
"Hyacinth? Ikaw pala,"
"Yeah! Dito ka nagtatrabaho?"
"Well, assistant ako ng mom mo dito,"
"Ahhh. Okay! I'll go ahead. Sorry again,"
"Okay," pagkatapos ay naghiwalay na ang landas namin. You still have some space in my heart Axel. Hindi ka ganun kadali para kalimutan. Ikaw ang unang lalaking minahal ko. Ikaw rin ang unang lalaking niloko ako. Minahal niya ba talaga ako?
"How many times I will said to you na mahal ko si Sophie at hindi ikaw! Pwede ba! Tigilan mo na ako. Sawang-sawa na ako sa pangungulit mo at kadramahan mo! Maghanap ka ng taong mamahalin mo! Hindi yung pinipilit mo yung sarili mo sa taong hindi ka naman gusto!! At bakit ba napakadesperada mo?! ha?! Wala naman tayong relasyon ah!! at ano ba kita?!"
"Don't give me a stuffs anymore. Hindi ikaw ang mahal ko. At wala akong pakialam sayo. sana itanim mo yan sa kokote mo. I'm getting married to Sophie. I'll already prupose to her. Kaya tigilan mo na ako. At sana pagkatapos nito hindi mo na ako kilala at hindi na kita kilala."
Bumabalik na naman ang mga sinasabi niya saken. Gabi-gabi umuulit yan sa utak ko ‘Nong nasa California pa kami. Kaya gabi-gabi akong umiiyak. Ano niya nga ba ako? Manliligaw ko lang naman siya at hindi pa naman kami. Tss! Wala na nga raw siyang pakialam saken diba? Bakit pa ako maga-aksaya ng panahon sa kanya ‘e he can't love me back in the first place.
"Maam Hyacinth nasa office na po ang mom niyo," nabalik lang ako sa katinuan ko ng dahil sa isang empleyado. I just smiled to her at tumungo na sa office ni mom. Pagkarating ko doon naka-upo na si mom. I just greeted her goodmorning and I sit down in the couch.
"Hyacinth I want you to do me a favor,"
"What is it?"
"Pwede bang ikaw muna ang makipagmeet sa isang client natin sa Tagaytay? Hindi ko kasi talaga maiwan-iwanan ang mga trabaho dito at wala pa ang dad mo,"
"Okay mom,"
"Don't worry makakasama mo naman ang assistant ko," sa sinabi ni mom bigla akong kinabahan.
"Ipapatawag ko lang siya okay?" tumango naman ako at naghintay lang sa loob. Geez! Sana naman hindi si Axel.
Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Axel at ang isang babae. Pinaupo sila ni mom.
"Axel ikaw ang makakasama ni Hyacinth sa Tagaytay to meet our client. And Shana ikaw ang magiging sub ni Axel as my assistant,"
"Mom, ilang days kami sa Tagaytay?"
"It's depends to the both of you kung gusto niyong magbakasyon pa doon,"
"Okay. 1 week kami doon. At meron pa din akong titingnan doon,"
"Okay. And Axel wag kang mag-alala. It's okay kung 1 week kang sasama kay Hyacinth. Tutal naman may pinagsamahan kayo noon diba?" bigla naman akong na-awkward sa sinabi ni mom. Walang may nagsalita samin ni Axel.
"Mom yun lang ba? Pupunta pa kasi ako kina Cristan ‘e" dadalawin ko si baby Angel. Namiss ko na siya ‘e.
"Okay na Hyacinth. And next day na nga pala ang lakad niyo. Axel ikaw na ang magdala ng kotse sa inyo dalawa ni hyacinth. Dahil wala akong tiwala sa batang yan kung mag-maneho"
"Mom naman. Of course marunong na ako noh. Psh,"
"Yes maam," matawa-tawang sabi ni Axel.
"O sige mom. Aalis na ako,"
Nagpaalam na ako kina mom at dumeretso na kina Cristan. Bakit ba pilit kaming ipinaglalapit ng tadhana? Nananadya ba talaga siya o ano! Grr! Nakakainis lang. Parang bumabalik tuloy yung nararamdaman ko sa kanya! Aish! Erase-erase. 1 week ko pa siyang makakasama sa Tagaytay. Naman ‘eh!
Nagdoorbell na ako sa gate nina JC. May sariling bahay na sila ni Cristan ‘e. Bumukas naman ang gate at si JC yun.
"Hyacinth? Waaaah! Hyacinth namiss kita,"
"OA lang, JC? Haha! ‘e ‘Nong isang araw galing din kami dito ah?"
"Haha! Wala lang. Tara pasok ka,"
Pagkapasok naman namin sumalubong agad saken si Baby Angel.
"Mommy!" sabi niya tapos ako naman binuhat agad siya. Kiniss niya ako sa cheeks.
"Mommy, where’s dada?" tanong niya saken. Sino bang dada ang ibig niyang sabihin?
"Who's dada baby?"
"dada Athel," si Axel? Natawa naman si JC sa sinabi ni Baby Angel.
"Ahm. He's on work baby"
"Mommy, when dada is not on work. Let’s go in the park again,"
"Okay baby," sagot ko naman.
Tapos nagkwentuhan lang kami ni JC. Minsan naman kinukulit ako ni Baby Angel na maglaro. kaya minsan naglalaro kaming dalawa. Ang kulit at ang daldal niya promise. Englisherang bata talaga siya. I hope someday ganito ang baby ko.
Sa kanila na rin ako kumain ng lunch. Sinabi ko rin kay JC yung tungkol sa pag-alis namin ni Axel at tinawanan ba daw ako? Tapos ang sabi niya pa, ang tadhana na daw ang gumagawa ng paraan para magkalapit kaming dalawa? Psh. Ikakasal na nga yung tao ipapasa pa sa iba. tsk tsk!
Pagkasapit ng 2pm ay umalis na ako doon. Dahil sa baka maunahan pa akong umuwi ni Rence ‘e papagalitan pa ako ‘non. ‘Nong una ay pinipigilan pa ako ni Baby Angel pero mabuti na lang at naloko namin.
Pagkarating ko ng bahay tama nga ako. Naunang umuwi saken si Rence. Nagbihis muna ako tapos bumaba para kausapin siya tungkol doon sa lakad namin ni Axel sa Tagaytay.
"Rence, mawawala nga pala ako ng 1 week," sabi ko sa kanya tapos tumabi ako na umupo sa sofa.
"Bakit san ka pupunta?"
"May ime-meet kasi akong client sa Tagaytay ‘e,"
"Okay! Mag-iingat ka doon ah?"
Nanahimik nalang kaming dalawa. Kung papaganahin ko ang utak at puso ko. Edi mas nalito ako, ang gulo talaga pagnagmahal. Tsk tsk!