Chapter 5

1124 Words
HYACINTH'S POV Nandito na ako sa office ni mom ngayon. Dito kasi kami magkikita ni Axel eh. Sana talaga maging maganda ang bakasyon naming dalawa. Eh? Kung ano-ano pa tong iniisip ko eh. Baka mamaya ipasalvage pa ako ni Sophie sa pagkaka-agaw kay Axel. Nako! ANo ba tong iniisip ko!? Grr. Erase. Erase. I forget my feelings to Axel na nga.. Aish! "Hyacinth ready ka na ba?" "Ay Axel daw!" napatakip ako sa bibig ko. Nakakagulat naman kasi ‘e. Tapos si Axel pa ‘to. "Are you thinking of me?" Axel "Ha? Hindi ‘no! Wag ka naman kasing manggulat.  Tara na nga!" tapos lumabas na ako dun dala-dala yung bag ko. Keaga-aga kung ano-anong kahihiyan ang ginagawa ko. Nang makarating kami ng parking lot pinagbuksan niya lang ako tapos ayun nagdrive na siya. Nakakabingi ang katahimikan promise. Sobrang naa-awkward ako. Kung awkward ako ngayon,papano nalang sa mga susunod na araw? Argh! Bakit ba kasi sa dinami-dami ng pwedeng isama sakin eh si Axel pa? Nakalimutan ba ni mom na may past kami ni Axel? I mean niligawan niya ako dati tapos blah blah... Ayoko ng balikan ang mga oras na yun. Psh. Si Axel nga parang wala ng pakialam eh. Ano pa kaya ako? Hindi pa din ako sigurado kung hindi ko na ba talaga mahal si Axel. Nalilito pa rin kasi ako hanggang ngayon. Hindi pa rin ako sigurado kung may gusto na rin ba ako kay Rence. At bawal rin akong mainlove kay Rence. Dahil alam kong hindi niya naman ako sasaluin eh. Alam naman nating lahat na mahal pa rin ni Rence si Sophie. The way Rence look at Sophie, ibang-iba. Ang haba talaga ng hair ni Sophie. Hindi ako galit kay Sophie kasi hindi niya din naman yun ginusto eh. Siguro nagtampo oo pa. Kasi niloko nila kaming LAHAT! Parang nagsisisi tuloy ako ngayon na nakilala ko si Axel. Ganun ba talaga ang Tadhana? Pilit kayong ipaglalapit sa isa't-isa kahit naman talaga na hindi kayo yung dapat sa isa't-isa? Nang-aasar ba yang pesteng tadhana na yan? Kasi sobrang nakaka-asar. Ang hirap umiwas sa taong nakasama mo Noon lalo pa't may nakalipas rin kayong dalawa. Kung dating hindi ako naniniwala sa tadhana na yan. Pwes,ngayon oo. Umiiwas na nga ako kay Axel ngayon eh. Para mas mapadali yung pagka-ubos ng nararamdaman ko sa kanya ngayon tapos ipinaglalapit kaming dalawa? Kaasar diba! Biglang tumunog yung phone ko kaya naman hinanap ko sa bag ko. Kaso biglang nahulog yung bag ko. "Nako, Axel itabi mo muna yung kotse. Pupulutin ko lang yung mga gamit kong nahulog," sabi ko kay Axel. Nang mahinto ang sasakyan tinulungan niya akong pulutin yung mga gamit kong nahulog. Pagkatapos naming mapulot lahat ay bumalik na ako sa pagkaka-upo. Bago pinaandar ni Axel yung kotse may inabot siya sakin. "Eto oh. Hindi ko akalaing tinago mo yan ng matagal," sabi niya tapos tiningnan ko yung inabot niya sakin. Yung bracelet na binigay niya sakin nung nasa dalampasigan kami. Eto yung pangalawa niyang binigay. Kasi yung una ay yung shell. Nasa sa akin pa rin yung hanggang ngayon. "Oo, sayang naman kasi ‘e," sagot ko sa kanya. Kahit nakaside view siya sakin makikita mong ngumiti siya. Nung mga nakalipas na araw sa tuwing nakikita ko siyang ngumiti. Minsan iniisip ko na sana ako yung dahilan nun. Minsan naman pinipigilan ko ang sarili ko dahil baka mahalin ko na naman siya ng sobra.   TOFFER'S POV Naglalakad na ako sa corridor ngayon ng may nakabangga ako. Mukhang bagong teacher dito sa Academy. "I'm so sorry. Wait,Are you Mr. Kikuchi? The son of Mrs. and Mr. Luhan Kikuchi?" siya "Yeah!" boring na sagot ko. "Okay. I'll go ahead. Sorry again," tapos ay umalis na siya. Pero ewan ko ba bigla kong naramdaman yung naramdaman ko dati kay Sophie. Hinabol ko yung babae. "Miss, wait!" sigaw ko tapos huminto naman siya. "May problema po ba Sir?" "What's your name by the way?" "I'm Claire Ponferrada," "Okay. I'm Toffer Kikuchi," "Well, nice to meet you Sir," "Don't call me Sir. Just Toffer," "Okay. Is there something wrong?" "Nothing." "Okay Si--Toffer. I'll go ahead," tapos ay umalis na siya. Napakahinhin niya kung gumalaw. At parang profesional pa. What's this feeling of me? Why does my heart beats so fast? Hindi kaya? Pero imposible naman. Ano yun love at first sight? Eww! Never na maniniwala ako sa love at first sight na yan.   HYACINTH'S POV Nandito kami sa isang restaurant ni Axel. Nagstop muna kami para kumain ng lunch. Gutom na ako. Pagkatapos naming mag-order syempre kumain na kami. May napansin naman kaming couples sa kabilang table. Sobrang sweet nilang dalawa.  Psh. Pagkatapos naming kumain ni Axel ay dire-diretso na kami sa Tagaytay. Natulog nalang ako buong biyahe. Nagising ako dahil naramdaman kong may tumulong tubig sa pisnge ko. Tapos nakita ko si Axel. ANg lapit ng mukha niya sakin. Tapos ang pula ng mata niya. Agad siyang umupo. "Ginigising kita. Nandito na kasi tayo," sabi niya sabay baba ng kotse. Yung boses niya…parang umiiyak. Bakit kaya? Bumaba na rin ako para kunin yung bag ko. Magho-hotel lang kaming dalawa. Nag-ask agad kami ng kwarto pero sa pagkaminamalas-malas ka nga naman ‘o. Isang kwarto na lang daw. Pano na ‘to ngayon? "Ahm..miss wala na ba talagang ibang kwarto?" tanong ko ulit pero wala na daw talaga. "O sige, miss kukunin na lang namin yun," sabi ni Axel tapos kinuha niya na yung susi. "Axel, okay ka lang? Magkasama tayo sa isang kwarto?" sabi ko sa kanya. "Don't worry hindi ako perv. At malaki naman daw ang mga kama dito kaya lagyan nalang natin ng unan sa gitna ng higaan natin. Gabi na rin kaya mahihirapan na tayong maghanap pa ng hotel. At isa pa pagod na tayo sa biyahe", nagnod nalang ako sa sinabe niya. Pagkarating namin sa kwarto namin nagbihis agad ako saka humiga sa kama. Si Axel naman may kinukulikot pa sa laptop niya kaya hindi ko na rin siya pinansin. Basta pagod ako sa biyahe, Bukas pa pala namin ime-meet yung client. "Hyacinth, magpapadala nalang ako ng pagkain para sa dinner ha?" sabi niya kaya naman tumango-tango nalang ako. Matutulog muna ako. Nagising nalang ako ng alug-alugin ako ni Axel. "Bumangon ka na at kumain. Tapos na ako" sagot niya tapos pumasok siya ng banyo. Ako naman bumangon na at inayos ang sarili ko. Tapos kumain na rin. Pagkatapos kong kumain ay umupo ako sa sofa at nanood ng TV. Lumabas na rin sa banyo si Axel. "Matulog ka na Hyacinth kasi maaga pa bukas ang lakad natin para kausapin yung client," "Sige," pinatay ko na yung TV tapos humiga. Nilagyan namin ng unan yung gitna ng kama. Nagkasya naman kaming dalawa. "Goodnight Hyacinth," "G-Goodnight din,"  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD