HYACINTH'S POV Nagising ako sa sinag ng araw na tumama sakin. Dahan-dahan kong minulat yung mata ko. At sa pagmulat ko nagulat ako kay Axel. Tiningnan ko pa yung posisyon namin. At dahil sa sobrang gulat ko ay natulak ko siya. "Aray! Hyacinth bakit ka ba nanunulak?" inis na sabi niya. "Nako! Sorry. Nagulat lang kasi ako ‘e," "Bakit naman?" tapos tumayo siya at humiga ulit. "Magkayakap kasi tayo habang natutulog kanina eh. Sorry talaga," "Magkayakap?" hindi makapaniwalang tanong niya. Tumango nalang ako. "Sige, Axel maliligo na ako," tapos dali-dali akong pumasok ng banyo. Pagkatapos kung magpunas ng tuwalya. Napatakip ako sa bibig ko. Bakit ko ba nakalimutang magdala ng damit? Nasa labas pa naman si Axel, paano ba ‘to? Dahan-dahan kong binuksan yung pinto. Silip-silip.. Wala siya