Chapter 17 -Ikalawang halik-

1521 Words
Ezekiel's POV Kasama ko ngayon ang kakambal ko sa aking opisina. May mga tatapusin kasi kaming proyekto na kakailanganin ko ng tulong niya at ni Mister Sandoval na kanina pa namin hinihintay. Tahimik lamang ako dahil sa kakaisip ko sa asawa ko. Hindi ko maunawaan ang sarili ko kung bakit hindi mawala sa isip ko si Genevieve. "Nakahanda ka na ba para sa nalalapit na event party?" ani niya. Tumango lang ako sa kakambal ko at ngumisi ako sa kanya. Isa pa 'yang pinoproblema ko. Anniversary ng kumpanya ni daddy at may gaganaping isang napakalaking party na ang ibig sabihin ay haharap kami sa maraming tao ni Genevieve. Habang nag-uusap kami ay biglang bumukas ang pintuan ng aking opisina at iniluwa nito ang natataranta kong sekretarya. "Sir, si Ma'am Genevieve po nakikipag-away po kay Ma'am Margo." ani ng sekretarya ko na ikinagulat ko. Si Margo ay ex-girlfriend at hindi ko alam na nandito na pala siya ng Pilipinas. Mabilis kaming tumakbo palabas ng opisina ko at inabutan ko nga na halos mahubaran na si Margo at nakaibabaw sa kanya si Genevieve habang sinasampal siya nito. Mabilis kong binuhat ang asawa ko at inilayo ko kay Margo. Hindi ko siya binibitawan kahit nagwawala pa ito. Si Enzo naman ay mabilis na itinatayo si Margo. Nagwawala si Margo at pilit na inaabot ang aking asawa. "Papatayin ko 'yang pangit na babaeng 'yan Enzo! Ang kapal ng mukha ng katulong mong 'yan para ipangalandakan sa pagmumukha ko na asawa mo daw siya. Malandi kang pangit ka!" sigaw ni Margo at nakawala ito kay Enzo kaya bigla niyang sinampal si Genevieve. Sa pagkabigla ko sa ginawa niya ay isang malakas na tulak ang ginawa ko kay Margo kaya bumagsak siya sa sahig. "She is my wife!" malakas kong sigaw. Natigilan sa pagwawala si Genevieve habang ako naman ay natitigilan din dahil sa ginawa ko. Ano ba talaga ang nangyayari na sa akin? Pakiramdam ko ay napakalaki na ng ipinagbago ko mula ng ikinasal kami ni Genevieve. Ni hindi nga ako tumitingin sa ibang babae at bago ito sa akin dahil isa ako sa kilalang fuckboy ng bayan. Pero bakit ngayon ay pakiramdam ko bigla akong tumino ng hindi ko alam kung bakit. "What? Are you insane, Ezi? 'Yang babaeng 'yan asawa mo? Nababaliw ka na ba ha?" ani ni Margo. "Anong masama? Panlabas lang naman ang maganda sa iyo Margo pero ang kalooban mo bulok. Umalis ka na nga at hindi naman kita pinapapunta dito." inis kong ani sa kanya. Kinuha ko ang kamay ni Genevieve at hinila ko siya papasok ng aking opisina. Ayoko sa lahat ng pinagpepyestahan kami ng mga empleyado ko dito sa labas. "Enzo pauwiin mo na si Margo, wala akong sasabihin sa kanya at wala din siyang dahilan para pumunta dito." ani ko sa aking kakambal at isinara ko na ang pintuan. Tinignan ko naman si Genevieve, ineksamin ko ang braso niya kung may sugat ba siya pero wala naman. Naupo ako sa tabi niya at nahiga ako sa sofa at umunan ako sa mga hita niya na ikinagulat niya. "Masakit ang ulo ko, iidlip lang muna ako at kung may hahanap sa akin pakisabi na hindi ako available." ani ko habang nakatitig ako sa mukha niya. Nakatitig lamang ako sa mukha niya, mayamaya ay napangiti ako dahil nakikita ko na hindi siya komportable na tinititigan ko ang mukha niya. "Alam mo, bawasan mo lang 'yang kilay mo, bawasan mo lang 'yang make up mo at alisin mo lang 'yang salamin mo, maganda ka. Sobrang ganda." ani ko sa kanya. Hindi siya kumibo pero kahit makapal ang make-up niya ay nakikita ko pa rin ang pamumula ng mukha niya. "Never mind. Kalimutan mo na lang ang sinabi ko. Wala naman sa panlabas na anyo ang tunay na kagandahan ng isang babae." ani ko at nakita ko ang lihim niyang pagngiti kaya maging ako ay napangiti. Itinakip ko ang aking braso sa aking mga mata at pinilit kong makatulog. Hindi naman ako makatulog dahil nakaunan ako sa mga hita niya at aaminin ko sa sarili ko na napaka bango niya. "Bakit ka nga pala nandito?" ani ko. "Wala lang. Masama ba akong pumunta dito? Alam mo ba na hinarang ako ng babae mo kanina? Sinabihan niya ako ng masasakit na salita at ang sabi pa niya pinagtaksilan daw ako ng panahon at mukha daw akong sirenang bakla. Isipin mo 'yon, nilait-lait ako ng babae mo. Ang sabi niya kasintahan mo daw siya. Hindi ka talaga makapaghintay na makapag divorce tayo noh? Huwag kang mag-alala dahil kapag nakuha ko na rin ang mana ko, ako mismo ang magpapapirma sayo ng divorce paper para makabalik na ako ng America at bumalik na ako sa dati kong pamumuhay. Ayoko na dito, nasasawa na ako sa mga taong walang ginawa kung hindi laitin ang panlabas kong anyo. Akala mo naman ikinaganda nila 'yon. Kung alam lang nila!" ani niya. Napakunot ang noo ko at inalis ko ang braso ko na nakatakip sa mga mata ko. "Kung alam lang nila na ano?" ani ko. Umirap lang siya sa akin kaya natawa naman ako. "Hindi ko babae si Margo. Wala akong babae, kasal na ako, may asawa na ako kaya kahit ganyan ang hitsura mo, makakaasa ka sa akin na hindi naman kita pagtataksilan." ani ko at nakita ko na naman ang palihim niyang ngiti kaya napapangiti ako dahil mukhang kinikilig ang asawa ko. "Hindi pa nga kita natitikman, kailan ba natin uumpisahan ang honeymoon natin ha? May silid ako dito sa opisina ko, gusto mo dito na lang natin gawin?" ani ko at nahulog ako sa sofa dahil itinulak lang naman niya ako sabay tayo niya. "Mag honeymoon kang mag-isa mo! Manyakis ka talaga Ezi!" galit niyang ani kaya natawa ako ng malakas pero nakahawak ako sa likod ko dahil nasaktan ako. "Ano ba ang masama duon eh mag-asawa naman tayo? Tignan mo ang nguso ko, natutuyot na kasi hindi na ako nakakahalik ng babae mula ng ikasal tayo." ani ko at itinulis ko ang nguso ko papalapit sa kanya. Ginagawa ko ang ginagawa niya sa akin nuon. "Huwag kang lalapit sa akin! Hahampasin ko ng takong ng sapatos 'yang nguso mo!" galit niyang ani. Bigla ko siyang sinunggaban at idinikit ko siya sa dingding. Magkalapat ang aming katawan at naaamoy ko ang mabango niyang hininga. Idinaiti ko ang labi ko sa kanya at siniil ko siya ng halik at may kung anong uri ng kuryente ang dumaloy sa buo kong katawan kaya bigla kong nabitiwan ang kanyang labi. Nakamulagat naman si Genevieve na sobrang laki ng mata niya dahil sa ginawa kong paghalik sa kanya. Muli ko siyang siniil ng halik habang nagsisimulang maglikot ang aking mga kamay. Bigla niya akong itinulak ng malakas kaya napaatras ako ng bahagya. Naramdaman ko ang katawan niya, ang malambot niyang balat. Nalasahan ko ang loob ng bibig niya at nakaka adik ang lasa niya. Ito na ang ikalawang beses na nahalikan ko ang aking asawa at aaminin ko na napakasarap niyang halikan. Napatingin kaming pareho sa pintuan ng maramdaman namin ang presensya ng kakambal ko na nakatitig lamang sa amin. "Manyakis!" sigaw niya at isang malakas na pagpalo ng bag niya ang tumama sa aking katawan kaya natawa na ako ng malakas at nagmamadali siyang tumakbo sa labas. Sinundan naman agad siya ni Enzo kaya napakunot ang noo ko. Akma ko siyang hahabulin ng bigla namang pumasok ang sekretarya ko kasama ang ka-meeting sana namin ni Enzo na si Mister. Sandoval. Napamura ako dahil ayokong magkasarilinan si Genevieve at ang kakambal ko dahil alam ko na nuon pa ay may gusto na siya sa asawa ko. Asawa ko na si Genevieve at hindi naman ako papayag na sumingit siya. Naaalala ko pa ang sinabi niya sa akin kagabi. "Ezi, kung hindi mo mahal si Genevieve, palayain mo na siya. Hayaan mo na mahalin siya ng iba kaysa naman magdusa lang sa piling mo. Nandito ako at handa ko siyang saluhin kung bibitawan mo siya." Hindi ako papayag. Hindi ko hahayaan na magkahiwalay kami ni Genevieve ng dahil sa kanya. Ngayon pa ba? Hindi ako papayag Enzo na makuha mo ang loob ng asawa ko. "Mukhang may malalim ka yatang iniisip? Itutuloy pa ba natin ito o sa susunod na araw na lang?" ani ni Mister. Sandoval. "I'm sorry. Pwede bang bukas na lang natin ito ituloy, may emergency lang kasi sa bahay tungkol sa asawa ko." ani ko na ikinagulat niya. "Oh, wow! May asawa ka na pala? Bakit hindi ko man lamang nabalitaan?" ani niya. Ngumiti lamang ako sa kanya at hindi ko na sinagot ang tanong niya. Nagpaalam na ako sa kanya at nagmamadali na akong lumabas ng aking opisina. Binilinan ko ang aking sekretarya na baka hindi na ako makabalik pa. Hahanapin ko muna si Genevieve. Hindi ako papayag Enzo na sumingit ka sa amin. Mahigit na apat na buwan na kaming nagsasama ni Genevieve pero ni minsan ay hindi ako tumingin sa ibang babae. Maging ako ay hindi ko alam kung bakit pagkatapos mukhang susulutin pa yata ako ngayon ng aking kakambal. Subukan lang niya dahil hindi niya magugustuhan ang gagawin ko sa kaniya.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD