HINDI AKO mapakali at ilang beses akong ng nagpalakad-lakad sa harapan ng pintuan ng kwarto ni Lennox. Mula kasi nang nakaalis ang kaibigan niya ay nagkulong na siya rito, isang beses ko siyang nakita pero kay talim naman ng tingnan niya at madilim pa rin ang mukha niya. Hindi ko tuloy alam kung paano magpapaalam para makabisita ako saglit sa bahay. Bahagya akong napasinghap nang maramdaman ko ang hapdi ng labi ko, dahil sa paulit-ulit kong pagkagat dito. I was so freaking nervous na parang may nagawa akong kasalanan sa asawa ko. Napapikit na ako sa inis na nararamdaman ko. Kaya sa huli, ay wala rin akong nagawa at bumalik sa kwarto ko. Kinabukasan ay maaga pa lang ay nakagayak na ang almusal namin. Mas maaga kasi akong gumising kaysa sa usual kong bangon. Nang lumabas si Lennox ay halos