Chapter 18: Idlip

1045 Words
Hindi namalayan ni Sandra na tuluyan na pala siyang nakaidlip sa balikat ni Adriano. Siguro ay makalipas ang may tatlumpung minuto nang maalimpungatan siya. "Oh my, I've slept. What time is it?" tanong niya kay Adriano na nakatanaw sa dagat. Bigla itong bumaling sa kaniya. "Well, its 3 the afternoon. Want to have some snacks? Before we go back in our hotel." "Okay." sang-ayon na lang niya dahil nakaramdam na rin siya nang gutom. Nang maunang tumayo si Adriano ay inalalayan siya nitong makatayo. Napatda si Sandra nang hawiin ng binata ang mga buhok niyang tumabing sa kaniyang mukha gawa siguro ng hangin kanina. "Thank you." nakangiting sabi na lang niya rito para pawiin ang kilig na naramdaman. "Shall we?" yaya ni Adriano sa kaniya. Gaya kanina ay magkaholding hands silang naglakad. Naghanap sila ng cafe na malapit at nakatagpo naman sila agad. Pagdating sa cafe ay hinayaan niyang si Adriano ang umorder para sa kanilang dalawa. Habang nakaupo at hinihintay ito ay mataman niyang pinapanood ang nakatalikod na binata na kasalukuyang naorder sa may counter. Sakto namang biglang lumingon si Adriano sa gawi niya kaya huling-huli siya nitong nakatingin dito huli na bago siya pumaling sa ibang direksyon. Bigla siyang napahiya at namula ang kaniyang mukha. Mukhang wala naman iyon dito ngumiti at tumango lang ito sa kaniya. Mayamaya lang ay bumalik na ito sa table nila. Doon nila hinintay ang kanilang order na dalawa. "The ambiance of this place is nice. It made me think of our own cafe in Italy." sabi ni Adriano para may mapag-usapan silang dalawa. "You have your own cafe? But why do you have to work? Im sure maganda din doon kung nasabi mong katulad din pala nito ang inyong cafe." "Yes. You have been there." Matamang nakatingin ito sa kaniya nang sabihin iyon. Nagtaka si Sandra. "Did I?" saglit na binalikan sa isip niya ang mga lugar na pinuntahan nila noong minsang dumaong sila sa Italy. And then, something pop up on her mind. Nanlaki ang mata ni Sandra nang maalala iyong lalaking nakabanggaan niya sa may pinto ng isang coffee shop. "Oh, no! You're the guy I bumped with? In the cafe?!" mulagat niyang tanong dito. Biglang sumilay ang mga ngiti sa mukha nito nang maalala ni Sandra ang pangyayari noon sa Italy. "Atlast, you remembered." nakangiting sabi ni Adriano. "So, you owned that cafe huh? Actually, before you bumped with me there your mom have a chitchat with us. And she's kinda nice." kuwento niya kay Adriano na tumangu-tango. "What a small world huh." "Next time, I'm going to introduce you to my mom. I think, she's happy with it." Noon naman natahimik si Sandra. Oo, at mabait ang ginang at minsan na niyang nakaharap at nakausap ito subalit baka hindi nito magustuhan ang pagpapakilalang gagawin ni Adriano sa kaniya sa mama nito. Tahimik na nagpasalamat si Sandra nang dumating na ang mga inorder nila. Na-divert na sa ibang topic ang kanilang usapan. Masaya nilang pinagsaluhan ang creamy garlic penne pasta saka garlic bread na inorder ni Adriano para sa kanila. Pagkatapos nilang makakain ay napagkasunduan na nilang bumalik na sa kanilang hotel. Baka kung ano nang iniisip ng kanilang mga kasamahan at natagalan silang makabalik. Sumakay na sila ng taxi kahit malapit lang iyon at puwedeng lakarin tutal ay nakakaramdam na rin ng pagod si Sandra. Magkatabi silang umupo sa may likuran ng sasakyan. Naging matahimik ang dalawa sa naging byahe nila hanggang sa makarating sila ng kanilang hotel. Hinayaan na lang niyang ito ang magbayad ng kanilang taxi fare. Pagktapos umbis ng sasakyan ni Adriano ay saka siya nito ipinagbukas ng pinto saka inalalayan siyang makababa. Hindi naman na tumanggi pa si Sandra. Naliligayahan ang puso niya, aaminin niya, sa mga ganoong gestures ni Adriano sa kaniya. Nang makababa na sila pareho ay magkasabay na pumasok na sa Volcano View Hotel Santorini. Dumaan sila sa may pool at gaya ng kanilang inaasahan ay mga naroon na at nagkakasiyahan ang kanilang mga kasamahan. Sinalubong sila ni Edward, may kaabrisyete itong kano. "Aba, nandito na pala ang love birds! How's the date?" Malanding tanong ng baklita sa kaniya na ikinapamula ng pisngi ni Sandra lalo na nang bulungan siya nito. "Naka-score ba?" nakangising tanong ng kaibigan. "Gaga! Napakadumi talaga ng isip nito." natatawang sagot niya saka ito pinandilatan. Sa gigil ni Sandra ay humalakhak pa si Edward sa isinagot niya. Nahihiya niyang nilingon ang binatang si Adriano na kausap ng isang chef na kasamahan nila sa barko. "Ang bagal ng manok mo." 'Di pa rin tumitigil sa pang-aalaskang sabi ni Edward sa kaniya. Ngising-ngisi pa rin ito. "Tigilan mo nga ako, Loka! Asikasuhin mo na iyang boylet mo." nguso niya sa kasama nito. Saka naman parang nahimasmasan ito at naalalang may kaabrisyete nga pala ito. Natawa si Sandra sa reaksiyon ng kaibigan. "Ayyyy! Buti pinaalala mo. O siya, diyan ka na. Enjoy!" Nakipagbeso-beso pa ito sa kaniya bago siya tinalikuran at kinaray na ang kasama nitong boylet. Basta lalaki talaga, napakabilis ng gaga! Natatawang sabi ni Sandra sa kaniyang isip. Naghanap siya ng mauupuan. Nagkasya na lang siyang panoorin sa masayang paglalangoy ang kanilang mga kasama. Hinanap ng kaniyang mga mata si Adriano, wala na kasi sa kaninang puwesto nito roon. Hindi niya ito nakita. Baka nag-CR lang. Hindi nag-tagal ay namataan niya ito kasama ng isang chef na kanina ay kausap lang nito. Napansin siguro nito na may nakatingin rito kaya lumingon ito sa kinaroroonan ni Sandra. Kinawayan siya nito. Mayamaya pa ay nakalapit na ito sa kaniya. "Are you okay? 'Di ka naman na-bored?" Nag-aalalang tanong ni Adriano kay Sandra. "I'm okay." Nakangiting sagot ng dalaga. "Aren't you going to swim?" "No, okay lang ako rito." "Sure ka?" pangungulit pa nito. Tumango lang si Sandra. "Okay, dito na lang din ako. Sasamahan na lang kita." sabi ni Adriano. At gaya nang sinabi ng binata ay sinamahan na lang siya nito roon habang pinapanood ang ibang kasamahan nila na masayang mga nag-su-swimming sa pool. Mayroong ilan na umupo na rin sa table na kalapit nila at mga nag-inuman. Nakiinom na rin sila ni Adriano. Pero isang basong beer pa lang ang ininom ni Sandra. Ayaw niyang magkalat roon lalo pa't kasama niya roon ang binata. Baka mamaya ay ma-turn off pa ito sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD