HALOS patapos na ang party. Nai-serve na ang main meal, pati desserts. Halos tapos na ang trabaho ni Adriano at alam niyang kaya na ng staff ng bar na pag-aari ng pinsan niyang si Piolo ang kailangan ng mga guests nito, lalo na ngayong in full swing na ang party at mas in demand na ang drinks at pulutan sa mga guests. Kasalukuyan siyang nasa isang bar nito sa Quezon City kung saan ginaganap ang engagement party nito with his fiancée.
Inililigpit na niya ang kaniyang set of knives na lagi niyang dala kahit saan siya magtrabaho nang pumasok si Piolo sa loob ng kitchen. “Lucas told me you are leaving already. Aren’t you even going to stay and enjoy the party?”
“Ah, you know me, Piolo. Hindi ako mahilig sa ganitong klaseng party. Besides, I still need to rest. Alam mo naman na on vacation ako.”
Kasalukuyan siyang nakabakasyon sa trabaho ng two months. Isa siyang chef sa isang cruise ship. Hindi niya lang talaga matanggihan ang pinsan nang hingin nito ang tulong niya para sa engagement party nito at ng fiancée nitong si Steffi.
“Engagement party namin ni Steffi, Adriano. Gusto ko sana siyang sorpresahin ng isang sit-dwon dinner dito sa bar with all the dramas. I want to make her happy, balak ko sanang dito ganapin sa bar ko. But you will provide the food, since favorite niya ang Italian dishes. If that’s okay with you?” naaalala niyang pakiusap nito sa kaniya nang minsang magkausap sila. Tinawagan niya kasi ito at si Lucas nang sabihin niyang malapit na ang kaniyang bakasyon.
Napilitan siyang pumayag sa pakiusap nito. Naghanda siya ng bonggang menu para dito. Two days din ang preparation na kaniyang ginawa para doon. Kanina nang masilip niya from the kitchen ang ilang beses na pag-iyak ng sobrang emotional na fiancée ni Piolo, he felt so damn good.
“You are really great, Adriano!” papuri ni Piolo sa kaniya. “Thank you, bro!”
“My pleasure.”
“Why don’t you sit down for a while and be my guest? Still, you’re not just my chef tonight. Come to our table and have a few glasses of wine. Tamang-tama lang iyon bago ka man lang umalis.”
Napangiti siya nang makita ang kasiyahan sa mukha ng kaniyang pinsan. It would not hurt to share his happiness for a few minutes. Mabuti nga rin na makapag-relax siya para diretsong tulog na siya pag-uwi niya sa kaniyang tinutuluyang hotel malapit lang sa area.
Sina Piolo at Lucas lang ang ka-close niya sa mga pinsan niya dito sa Pilipinas. First cousins niya ang mga ito sa mother side. Kapag naka-on vacation siya pinapasyalan niya ang mga ito. At ngayon nga, dahil sa pakiusap ni Piolo, dito agad siya dumiretso sa Pilipinas. Sa weekend ang kaniyang flight pauwi ng Italy para dalawin ang kaniyang parents doon. Doon niya gugugulin ang natitirang bakasyon niya bago siya muling sumampa ng barko.
Magaling na chef noong araw ang ama ni Adriano. Nanggaling ito sa isang mahabang henerasyon ng mga official cooks at chef ng mga royalties at prime ministers sa Italy. Ngunit hindi sumunod sa yapak ng mga ninuno ang kaniyang amang si Giovanni Barreca. Dahil pagkatapos nitong mag-aral sa eskwelahang pag-aari ng pamilya nito ay nagtayo ito ng sariling resto nito imbes na mamasukan.
Nagbukas ito ng maliit na café sa Italy. Isa sa mga naunang costumers nito ay ang kaniyang ina. Bunso ang mama niya sa magkakapatid—spirited and adventuruous. Sumama itong magbakasyon sa mga kaibigan sa Italy, pero nagpaiwan ito roon nang umuwi ang mga kaibigan sa Pilipinas. Pagkatikim pa lang nito sa kapeng tinimpla ng kaniyang ama, she was hooked, ayon dito.
Nalaman na lang ng pamilya ng kaniyang ina na nagpakasal na ito sa isang Italian. Inakala ng lahat na ilang buwan o taon lang ang itatagal ng pagsasama ng mga ito. Thirty years old na siya at twenty seven years old naman ang sumunod sa kaniyang niyang si Venice, at twenty years old naman ang bunsong kapatid na si Celine. Magkatuwang na pinapatakbo ng kaniyang mga magulang ang kanilang popular na café sa Italy.
Tulad ng kaniyang ama, nag-aral din siya ng Culinary Science sa cooking school ng kanilang pamilya sa Italy. Pagkatapos ng kaniyang apprenticeship ay nagtungo siya sa New York at doon nagtrabaho. Nagsimula siya bilang chef de partie sa isang five-star hotel doon. He steadily worked his way up.
Subalit nagising na lang siya isang araw na gusto niya mag-explore. Nag-apply siya bilang 2nd cook sa isang barko hanggang sa ma-promote na siya bilang sous chef doon.
Mas mahaba man ang oras ng kanilang trabaho sa barko kumpara sa mga five-star hotels, dahil kalimitan ay umaabot ng 12 hours ang kanilang duty doon. Para kay Adriano, fulfilling ang kaniyang trabaho. Nag-eenjoy siya lalo na't magagaling ang kaniyang mga kasamahan sa trabaho. Pamilya sila kung magturingan. Paano ba naman kasi, umaga, tanghali, hapon hanggang gabi ay sila-sila din ang magkakasama. Umaraw man, o umulan minsan pa’y inaabot din sila ng bagyo sa gitna ng laot subalit sila-sila rin ang magkakaramay.
Everything is perfect for him, not until his mother was pressuring him to get married. Tuwing makakausap niya ito sa video call ay hindi maaaring isingit nito na mag-asawa na siya dahil gusto na raw nitong magkaapo sa kaniya na tinatawanan lamang niya. Paano ba siya magkakaasawa, girlfriend nga ay wala pa siya?
Hindi naman siya pihikan pagdating sa babae, it’s just that, hindi pa lang talaga niya nakikita ang kaniyang ‘the one’. Sa nature ng trabaho niya, lahat halos ng iba’t ibang klase ng babae ay nakasalamuha na rin niya. Nagkaroon din naman siya ng mga fling but lately nawalan na lang siya ng gana. Siguro ay ganoon talaga kapag nagkakaedad ka na. Gusto man niyang mag-seryoso, pero kanino?
May inirereto ang kaniyang ama sa kaniya, ang kaniyang kababatang si Serena. Alam din niyang matagal na itong may crush sa kaniya. Subalit para sa kaniya ay pawang kapatid lang ang turing niya rito. Ayaw niya itong paasahin. Tiyak pagdating niya sa Italy ay palagi na naman iyong papasyal sa kanila lalo pa’t matagal-tagal rin ang kaniyang bakasyon.
Matapos paunalakan ang ilang drinks ay nagpaalam na siya kina Piolo at Lucas na uuwi na.
“Thank you, Adriano. Give my regards to Tito Gio and Tita Tess.” ang sabi sa kaniya ni Piolo na ang tinutukoy ay ang kaniyang mga magulang na nasa Italy.
“Okay, I will.”
“Hiramin mo na ‘yong car ko, Adriano. Ipapahatid na kita sa driver ko.” Ang sabi naman ni Lucas.
“No need.”
“But I insist.” Hindi na sya tumanggi at nagpahatid na sa driver ni Lucas. Tutal ay nakakaramdam na rin siya ng pagod. Marami ring Italian dishes ang kaniyang inihanda para sa gabing iyon.
Hinatid pa siya ng mga ito sa labas at sinigurong nakasakay siya ng maayos sa sasakyan. Mayamaya pa ay narating na nila ang Regency Grand Suites Hotel kung saan siya tumutuloy.
“Thank you.” Sabi niya sa driver na iyon ni Lucas. At lumabas na siya mula sa sasakyan at pumasok na ng hotel.