MARAHAS akong nagpumiglas, pero kahit anong gawin kong pagpupumiglas ay hindi pa rin ako makawala sa matigas na bisig na nakayapos sa akin, hindi rin ako makasigaw at makahingi ng tulong dahil sa malapad na kamay na nakatakip sa aking bibig. Hindi ko na napigilan ang mapahikbi dahil sa takot. Pero nang maramdaman nito ang paghikbi ko ay hindi ko inaasahan ang mahina nitong pagtawa. “Hey don't cry, baby girl. It's me, your one and only... Darius.” paanas nitong bulong sa puno ng tainga ko. Napatigil naman ako sa pag-iyak, ganoon din sa pagpupumiglas. Hanggang sa unti-unti na itong binitiwan ang pagkakatakip sa bibig ko. “D-Darius?” “Yes, baby. Are you still afraid? Don't you worry, I won't hurt you. I'm here because I miss you so—” Agad ko itong pinaghahampas sa dibdib. “Walanghiya