PAGKAPASOK ko sa loob ng basement ay mabilis akong naupo sa isang upuan na nakaharap sa nakatayong easel. Agad kong dinampot ang paintbrush at sinimulan nang magpinta. Ito ang ginagawa ko sa lumipas na tatlong araw, nagkukulong dito sa loob ng basement para magpinta at nang sa ganoon ay hindi ko na makita pa ang Larco na 'yun na palagi na lang pinapasama ni Kuya Renz dito sa bahay. Para maiwasan ang lalaking 'yun ay ginugugol ko na lang ang sarili ko sa pagpipinta dito sa loob ng basement ng bahay namin. Pabalik na rin naman ako next week sa Turkey kaya hindi ko na rin makikita pa ang mukha niya. He fooled me. He's a damn liar. I hate him! I really hate him! Sa totoo lang ay ayoko na talagang makita pa kahit sa panaginip ang pagmumukha ng Larco na 'yun. Pero kahit anong pilit ko sa sa