KINABUKASAN, pagkagising ko pa lang ay pinalabas agad ako ni Mommy sa kuwarto ko. Talagang pinalinis nga ni Mommy sa mga katulong namin ang loob ng kuwarto ko dahil lang sa nangyari kagabi, dahil sa cockroach na si Darius. Lintik na lalaking 'yun. Buong maghapon ay hindi ko na nakita pa si Kuya Renz dahil busy na sa clinic nito, kaya naman hindi ko na rin nakita pa ang pagmumukha ni Larco buong maghapon. Nang sumapit ang 5:00 PM ay dumating si Edrian sa bahay at pinagpaalam muna ako sa parents ko, dahil gusto daw kasi nitong ipakilala na agad ako sa kanyang parents bilang kanyang girlfriend. “I'm nervous. Talagang kinakabahan ako...” mahina kong sambit. Pero hindi ko inaasahan na aabot pala sa pandinig ni Edrian. “At bakit naman kinakabahan ang girlfriend ko, hmm?” malambing na tanong