“Anak, kailan naman ang balik mo sa Turkey? May balak ka pa bang bumalik or what?” Napaangat ako ng tingin kay Mommy nang marinig ang tanong nito. Sina Mom at Dad lang ang kasabay ko ngayon sa dinner dahil wala sina Kuya, busy pa yata sa kani-kanilang duty kaya hindi pa umuuwe dito sa bahay. “Baka next week na po ang balik ko, Mom. Magsasabay na lang po siguro kami ni Edrian pabalik.” Napatango-tango naman si Mom at ganoon din si Dad bago pinagpatuloy ang kain. Gustohin ko man na hindi na bumalik, pero hindi ako pwedeng hindi bumalik ng Turkey dahil naroon ang mga puntod ng mga anak ko. Hindi ko sila kayang iwanan na lang nang basta-basta. Kahit na sabihing puntod na lang nila 'yun, ay mahalaga pa rin 'yun sa akin. Nang matapos nag-dinner ay umakyat na ako sa kuwarto ko. Napatingin