Third Person's POV MATAPOS ang shareholders' meeting ay nagsitayuan na ang mga lalaking nakasuot ng business suit. “Congratulations, Mr. Skolav, binabati ka namin bilang bagong shareholder ng Omega Holdings!” “Thank you!” Isang pormal na ngiti ang pinakawalan ni Darius at isa-isang kinamayan ang mga board of directors. Pagkalabas ni Darius ng conference room ay agad siyang dumiretso sa parking lot at pinatakbo ang kanyang kotse paalis ng building. Habang nagmamaneho ay hindi mawala-wala ang munting ngiti sa kanyang labi. “Shareholder, huh?” Marahan siyang napatango-tango at napahaplos pa sa gilid ng kanyang ibabang labi gamit ang isa niyang kamay na ngayon ay nakatukod pa sa nakasaradong bintana ng kotse. “Well, hindi na masama.” Napailing na lang siya. Pero mas lalong lumapad ang