NAPAKAINIT, ramdam ko ang pagdaloy ng pawis sa aking noo papunta sa aking pisngi, gustuhin ko man itong punasan ay hindi ko magawa, sapagka't nakatali ang dalawa kong mga kamay sa aking likuran. Gustuhin ko mang sumigaw ay hindi rin pwede dahil naka-duct tape ang aking bibig. Nakatali din pati ang dalawa kong mga paa gamit ang duct tape. May tatlong oras na yata akong nakakulong rito sa loob ng kulungan na 'to. Sumasakit na ang batok ko dahil sa kakayuko. Bukod sa nakatali na ako ay napakasikip pa sa aking kinalalagyan. Isa itong kulungan ng aso na gawa sa steel matting, sobrang liit at sikip, konting galaw ko ay tumatama ang ulo ko sa teel matting nitong bubong. Para akong nasusuka tuwing napapatingin naman ako sa ibabaw ng mahabang mesa kung saan nakikita ko ang isang walang buhay n