NAKATINGIN lang ako sa malaking screen ng TV at naka-focus sa aking pinapanood na pelikula habang nakahiga sa sofa. Nakaunan ang ulo ko sa mga hita ni Darius na ngayon ay hinahaplos-haplos na nang marahan ang buhok ko. Habang si Larco naman ay minamasahe-masahe ang mga paa kong nakapatong sa kanyang mga hita, bali nasa may bandang uluhan ko nakapuwesto ng upo si Darius at sa bandang paahan ko naman si Larco. “Nasusubo mo na sa ilong ko eh...” nakasimangot kong reklamo kay Henry na ngayon ay nakahiga naman sa may carpet sa baba ng sofa at panay ang subo sa akin ng popcorn habang nasa TV pa rin ang tingin. Nasa living room kaming apat habang nanonood ng old movie ni Nicholas Cage na ang pamagat ay Con Air. Palibhasa action kaya naka-focus silang tatlo sa bawat eksena. “Ano ka ba naman,