NAKAHIGA ako sa ibabaw ng kama habang nakatingin kay Henry na ngayon ay nakapatong na sa ibabaw ko. Nakatukod ang dalawa niyang siko sa magkabilaan kong uluhan habang nakatitig sa mga mata ko na para bang may gustong ipahiwatig sa pamamagitan ng tingin, pero hindi ko lang matukoy kung ano iyon. “Kapag nagawa mo nang mabuti ang gusto ko, saka kita pagkakatiwalaan bilang aking tauhan. At bilang regalo, bubuhayin ko para sa'yo ang babaeng 'yan kahit na anak pa siya ng kinaiinisan kong pulis. Kaya ano pang hinihintay mo, Henry? Umpisahan mo na!” maawtoridad na utos ng matandang Vandrec na ngayon ay nakatayo naman sa isang tabi kasama si Rheanne at ng kanyang tatlo pang tauhan na may mga hawak na baril. Pinapanood lang nila kami ni Henry at hinihintay na may maganap. May dalawang camera an