Chapter 5

2474 Words
Hindi ko mapigilan ang mag-panic at mabilis na napatayo. Nagpalinga-linga ako sa loob ng malaking bathroom para sana humanap ng maaari kong lusutan at nang sa ganoon ay makatakas. Pero kahit saan banda ko tingnan ay puro matitigas na pader lang ang nakikita ko, hanggang sa napaangat ang tingin ko sa puting kisame, kung saan kapansin-pansin ang pag-angat ng konti ng puting plywood na para bang may sekretong lagusan doon. It looks like a small door. “Oh come on, baby girl. Buksan mo na 'tong pinto para makapasok ako,” rinig kong sabi ng mahinahon na boses ni Darius mula sa labas at sinabayan pa ng pagkatok sa nakasaradong pinto. No! Hindi niya ako pwedeng maabutan. Kailangan kong makatakas sa lugar na 'to! Parang nagliwanag ang mukha ko nang makita ang isang white plastic chair sa may sulok ng bathroom, kaya patakbo akong lumapit dito at kinuha. Tumungtong ako sa taas ng upuan at pilit na inabot ang puting kisame. Kinaingalan ko pang tumingkayad upang maangat ang plywood. Nang tuluyan ko nang maangat ay parang nagliwanag ang mukha ko. Hindi nga ako nagkakamali dahil isang sekretong lagusan nga ang bumungad sa akin. Tamang-tama lang upang magkasya ang katawan ng isang tao. “Hey, open this f*cking door! Masama akong magalit, baby girl!” Muli kong narinig ang boses ni Darius, may konting lambing pero halata ang pagkainis. Hindi na ako nag aksaya pa ng oras at agad na pinilit na umakyat papasok ng kisame. Thanks to kuya Renz, kahit papaano ay nagamit ko rin ang pagtuturo niya sa akin kung paano ang tamang pagbalanse ng katawan upang makaakyat nang hindi nahihirapan. Pagkapasok sa loob ng kisame ay agad akong gumapang at mabilis na sinundan ang lagusan. This is it! Sa wakas, makakatakas narin ako. Makakatakas na ako! Hindi ko mapigilan ang mapangiti habang gumagapang nang mabilis. Pero ang ngiti ko ay unti-unting naglaho nang makitang wala na akong pwedeng madaanan na maaaring pagkasyahan ng katawan ko. Wala nang butas dahil puro mga bakal na ang mga nakaharang. Tila gusto kong maiyak sa inis. Ano nang gagawin ko ngayon? Hindi naman ako pwedeng bumalik dahil baka papatayin na nila ako nang tuluyan. Pagkakataon ko na 'to para makatakas, eh. Pero bakit naman ganito pa? I'm sure sa mga oras na 'to ay umiiyak na si mommy dahil sa pagkawala ko. Nagaalala na silang lahat sa akin. Ramdam ko ang biglang panunubig ng mga mata ko dahil sa pagkadismaya. Hindi ko mapigilan ang inis na mapahampas sa kisame. Pero kasabay ng aking paghampas ay ang paglaki ng mga mata ko sa gulat nang biglang bumukas ang kisame na aking kinalalagyan, dahilan para iluwa ako nito pababa. Napasigaw ako sa pagkagulat at napapikit sa takot. Akala ko ay tuluyan na akong mahuhulog at tatama sa matutulis na bagay ang aking katawan, ngunit hindi ko inaasahan ang pagsalo sa akin ng matitigas na mga bisig. Para akong nakahinga nang maluwang. Unti-unting kong iminulat ang aking mga mata nang maramdaman ang pagtulo ng tubig sa mukha ko. Amoy na amoy ko rin ang mabangong halimuyak ng shampoo at sabon mula sa taong sumalo sa akin. Sa aking pagmulat ay siyang paglaki ng mga mata ko sa gulat nang bumungad sa akin ang mala-adonis na mukha ng seryosong lalaki, na walang iba kundi si Larco. Tumutulo pa ang mga basa nitong buhok sa aking mukha. “I'm . . . I'm sorry,” halos pabulong kong bigkas na may panginginig sa boses at napasimangot na parang maiiyak na naman. Ang malas ko talaga. Ang malas malas ko! Hindi sumagot sa akin si Larco, bagkus ay napatitig lang sa mukha ko nang walang ano mang emosyon na ipinapakita. He's so serious as hell while staring at me. Napaiwas ako ng tingin sa kanya at tumingin na lang sa paligid. Nasa bathroom na naman pala ako. Walang pinagkaiba ang desinyo sa bathroom na pinanggalingan ko kanina at parihas puti ang paligid. Naramdaman ko ang unti-unting pagbaba sa akin ni Larco mula sa kanyang mga bisig, kung kaya napabalik ang tingin ko dito. Nakatapis lang pala ito ng puting tuwalya at tila bagong ligo dahil tumutulo pa ang tubig mula sa maiksi nitong buhok at ganoon din sa malapad na dibdib, may mga butil pa ng tubig na naglalakbay sa mababato nitong abs. “What are you looking at!” Nagulat pa ako sa masungit niyang boses. Para naman akong natauhan at mabilis na napaiwas ng tingin. Napayuko at napalunok. Parang biglang bumalik ang takot ko kanina, kung kaya muli akong napapisil sa nanginginig kong mga kamay. “Trying to escape, huh?” Isang pagak na pagtawa na may halong pagkainis ang pinakawalan ni Larco at inihakbang ang mga paa papalapit sa aking kinatatayuan. “Tingin mo ba patatakasin pa kita sa lugar na 'to nang buhay?” Muling bumalik sa pagiging seryuso ang kanyang mukha na kinalunok ko nang ilang beses. “P'wes, nagkakamali ka! Because I will torture you here until you spit your own blood! Malas mo lang dahil naging anak ka ni General Carlito Gabriel. Ikaw tuloy ang pagbabayarin ko ngayon sa pagiging pakialamero ng ama at mga kapatid mo, becuase you're one of them, you are a f*cking Gabriel!” Napasinghap na lang ako nang biglang hawakan ni Larco ang kaliwa kong braso at marahas akong hinila palapit sa pinto ng bathroom. “Sa-s-sandali lang, saan mo ako dadalhin?” nababahala kong tanong nang pautal at pilit na inaagaw ang aking braso mula sa kanyang mahigpit na pagkakahawak. Wala akong nakuhang sagot mula sa kanya, bagkus ay binuksan ang pinto ng bathroom. Bumungad sa akin ang malaking kuwarto, na walang pinagkaiba ang desinyo mula sa silid na pinanggalingan ko kanina, puro parin puti ang paligid. “Itatali kita sa basement hanggang sa tumanda ka!” galit na sabi ni Larco at mabilis akong hinila palapit sa nakasaradong pinto ng kuwarto. Para naman akong kinilabutan sa narinig. Marahas akong napailing. “Ayoko! M-Maawa ka, huwag mo akong ikulong sa ganoong klaseng lugar, please!” Pilit ko pa ring inaagaw ang braso ko mula sa kanya, pero dahil sa mas malakas siya kesa sa akin ay baliwala parin ang pagpupumiglas ko. Hindi niya ako pwedeng ibalik at ikulong sa basement na 'yun. Paano ako makahanap ng paraan para makatakas kung ibabalik niya ako sa basement na 'yun at itatali? No hindi puwede! Kailangan kong humanap ng paraan. I don't have a choice. Bahala na! Akmang hahawakan na ni Larco ang doorknob ng kuwarto, nang mabilis kong hinablot ang puting tuwalya na nakatapis sa kanyang katawan gamit ang isa kong kamay. Bumulaga sa paningin ko ang hubad niyang katawan na kinaawang ng labi ko. Ang kanyang tangkang pagbukas ng pinto ay hindi natuloy, bagkus ay gulat siyang napatingin pabalik sa akin na parang hindi makapaniwala. “N-Naku po sorry . . . hindi ko sinasadya. Ang kulit mo kasi eh, sinabi nang ayuko.” Mabilis akong nag-iwas ng tingin at napayuko. Napakagat ako sa gilid ng aking nanginginig na labi. I'm dead! Lumipas ang ilang segundong katahimikan, wala akong narinig na sagot mula sa kanya o kahit ano mang pagkilos. Nang mag-angat ako ng tingin sa kanya ay nakatitig pala siya sa akin, o tamang sabihin sa dibdib ko. Kaya mabilis akong napatingin sa kanyang tinitingnan, at ganon na lang pag-awang ng labi ko nang makitang tagos na tagos ang suot kong itim na bra dahil sa pagkabasa ng puti kong t-shirt. Mabilis akong napayakap sa aking sarili at tinakpan ng puting tuwalya ang aking dibdib, 'yung tuwalyang inagaw ko mula sa kanyang katawan. Pasimpleng akong sumulayap sa kanya, pero ang aking tingin ay napako sa kanyang harapan. Napakalaki at tayong-tayo na tila ba galit na galit. Para akong pinamulahan ng mukha dahil sa nakita at mabilis na nag-iwas ng tingin. Oh my gosh! “Kung gusto mong mabuhay, pagbibigyan kita, 'yun ay kung pagpapayag ka sa kondisyon ko.” Dahil sa narinig ay mabilis akong napaangat muli ng tingin. Para akong nabuhayan at tila nagkaroon ng kunting liwanag ang mukha. “Kahit ano gagawin ko basta huwag mo lang akong papatayin o ikulong sa basement! Sabihin mo lang at gagawin ko ang kondisyon mo kahit ano pa 'yan,” mabilis kong sagot kasabay ng aking paglunok. Isang malademoyong ngisi ang nakita kong sumilay sa kanyang labi nang marinig ang sagot ko. Hindi ko kayang salubungin ang kanyang nag-aapoy na mga mata. Pakiramdam ko ay parang nasusunog ako sa klase ng kanyang tingin, kaya agad din akong yumuko para makaiwas ng tingin sa kanya, lalo na sa hubad niyang katawan. “Kung ganon . . . gamitin mo na lang ang katawan mo bilang kabayaran upang mabuhay dito sa teretoryo ko.” May diin sa bawat bigkas ni Larco. Dahil sa kanyang sinabi ay muli akong napaangat ng tingin at napatingin sa kanyang seryosong mukha. Saglit akong natigilan, pero kalaunan ay agad ding tumango nang sunod-sunod. “Oo sige ba! I can be your maid! Pwede akong maging tagalinis o tagalaba ng mga damit mo basta huwag mo lang akong papata— “—damn it! Hindi 'yan ang ibig kong sabihin!” Napapitlag ako dahil sa malakas niyang boses na agad na pinutol ang pagsasalita ko. Umiko pa sa loob ng tahimik na kuwarto ang kanyang boses na may halong pagkairita at pagkainis. “K-Kung ganon . . . a-ano ba ang ibig mong sabihin?” Halos hindi ko marinig ang sarili kong boses. Kitang-kita ko ang pag-igting ng kanyang mga panga dahil sa tanong ko at agad na lumapit sa akin. Napaatras naman ako, hanggang sa naramdaman ko na lang ang matigas na pader sa aking likuran. Napasinghap ako nang biglang itinaas ni Larco ang kanyang kanang kamay at hinaplos ang pisngi ko, pababa sa aking leeg, hanggang sa bigla nitong hinablot ang puting tuwalya sa kamay ko at inilapit ang mukha sa puno ng tainga ko. “Gusto kong paligayahin mo ako sa kama gamit ang katawan mo. Kapag nagawa mo 'yun, bubuhayin kita bilang kapalit. That's the only solution that I can offer to you, Miss Gabriel.” Lumayo na siya ng konti sa mukha ko at itinapis ang puting tuwalya sa kanyang hubad na katawan na mabilis ko namang kinaiwas ng tingin. “Maybe I'm a criminal, a drug lord, but I'm not a rapist. So kung ayaw mo sa kapalit na sinasabi ko, hindi kita pipilitin. Choose it or leave it.” Natigilan ako sa narinig. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa dahil sa sinabi niyang bubuhayin ako, o dapat akong matakot dahil sa kapalit na sinasabi niya. Pero hindi naman ako papayag na mamatay nalang. I'm scared. Natatakot ako. Gusto ko pang mabuhay! Naglakad si Larco palapit sa bedside table at dinampot ang cell phone na tumutunog. Nanatili lang akong nakatayo sa tabi ng nakasaradong pinto. Hindi alam ang dapat isagot. Kinakabahan sa maaaring mangyari. “Nahirapan ka ba sa pagpili?” tanong ni Larco pero nasa cell phone ang tingin. Naupo ito sa kama at sinuklay ang basang buhok gamit ang kaliwang kamay habang ang isang kamay naman ay nagtitipa sa hawak na cell phone. “Dalawa lang naman 'yan, Miss Gabriel, Dead or Alive. Mamatay kang birhin o mabuhay kang nasasarapan dito sa kama ko.” Kahit hindi siya nakatingin sa akin ay kitang-kita ko ang malademonyong ngisi na sumilay sa kanyang labi. Hindi ko mapigilan ang mapakuyom ng kamao. “You're a demon! Mas malala ka pa sa isang demonyo!” Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Huli na para bawiin. Mabilis na napaangat ng tingin si Larco. Biglang nagdilim ang anyo at isang nakakatakot na awra ang nakita ko sa kanyang mukha. Para akong kinilabutan at mas lalong nadagdagan ang takot. Nagalit ata siya sa sinabi ko. Lagot na! “Ah talaga? Demonyo?” Natayo si Larco, at sa isang iglap ay mabilis na nakalapit sa akin. “Kung ganon—ipapakita ko sayo ang sinasabi mong demonyo!” Napasigaw nalang ako dahil sa marahas niyang paghablot sa braso ko at hinila ako palabas ng kuwarto. “S-Saan mo ako dadalhin?” Pinilit kong agawin ang braso ko mula sa kanya pero napangiwi lang ako sa sakit. “Ikukulong kita sa basement hanggang sa tumanda ka! Ipapakita ko sayo kung gaano ako kademonyo!” Marahas akong umiling. “No! Maawa ka sa akin! Sorry na! Please—binabawi ko na, you're not a demon. You're an angel..” Pero dahil sa sinabi ay tila mas lalo ata siyang nagalit at mas binilisan ang paghila sa braso ko, hanggang sa pumasok kami sa kuwarto ni Darius na siyang pinanggalingan ko kanina. “Oh . . .” sambit ni Darius nang makita kami. Nakasandal ito sa headbord ng kama habang naninigarilyo at nakatapis parin ng puting tuwalya. Hindi pinansin ni Larco si Darius, bagkus ay hinila ako papunta sa isang sulok, kung saan naroon ang daan papunta sa basement. Binitiwan niya muna ang braso ko para buksan ang hagdanan. “No please...no! H-Huwag mo akong ibalik diyan . . .please..” I begged. Lumuhod ako kay Larco habang hilam ng luha. Rinig ko naman ang pagsatsat ni Darius mula sa taas ng kama. “Hay naku . . .kung sinunod mo lang sana ang sinabi ko at hindi mo ako tinakasan, 'di sana hindi ka mapupunta sa mas malalang sitwasyon. Ikaw kasi eh, ang kulit mo rin..” Napabaling ang tingin ko kay Darius. Napapailing pa ito sa akin. “Help me,” I whispered. Pansin ko ang pagtaas ng isang kilay ni Darius. Bago pa ako muling makapagsalita ay hinablot na ni Larco ang isa kong braso at kinaladkad papasok ng basement. Panay parin ang pagpumiglas ko hanggang sa marating namin ang malawak na basement. Hinila ako ni Larco sa upuan na siyang inupuan ko rin kanina. Panay ang pagmamakaawa ko habang umiiyak, ngunit tila baliwala naman sa kanya at para bang bingi na walang naririnig. He's so heartless. Wala siyang puso. Walang awa. He's ruthless! Panay ang pumiglas ko habang itinatali niya sa upuan ang aking katawan. Napatigil lang ako sa pagpupumiglas nang tuluyan na niya akong naitali. “Ang sama mo! Wala ka kasing sama!” sigaw ko sa kanya habang hilam ng luha. Ngunit isang nakakatakot na ngisi lang ang natanggap ko mula sa kanya bago ako tinalikuran. No! Hindi ako pwedeng maiwan dito nang mag isa sa loob ng basement. I'm scared. “K-Katawan ko ang gusto mo 'di ba?” Napatigil si Larco sa pag-akyat sa hagdan. Nanatiling nakatalikod at hindi man lang lumingon. “K-Kung ganon . . . ibibigay ko na sa'yo basta paalisin mo na ako dito!” Ngunit ganoon nalang ang panlulumo ko nang hindi man lang siya sumagot at pinagpatuloy ang pag-akyat sa hagdan hanggang sa mawala na siya sa aking paningin. Naiwan akong mag-isang umiiyak habang nakatali sa loob ng basement at nanginginig sa lamig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD