Chapter 4

2351 Words
GULAT akong napasinghap at naalimpungatan dahil sa lamig ng tubig na bigla na lang bumuhos sa mukha ko. Akmang itataas ko na ang isa kong kamay para sana hilamosin ang tubig sa mukha ko at nang sa gano'n ay maimulat ko ng mabuti ang mga mata ko, pero agad akong napatigil ng mapagtantong nakatali pala ang dalawa kong mga kamay sa aking likuran, o tamang sabihin na nakatali ako sa aking kinauupuan ngayon. Nananaginip ba ako? Pero tingin ko ay parang hindi naman, dahil ramdam ko ang pangangawit ng aking mga braso. Nakasimangot kong iminulat ang aking mga mata. Napakurap-kurap pa ako saglit para maalis ang tubig na bumara sa pilik mata ko at nang sa gano'n ay tuluyan nang luminaw ang aking mga paningin, pero gano'n na lamang ang pagkagulat ko at biglang pagdambol ng matinding kaba sa aking dibdib nang makita kung nasaan ako. May kadiliman sa paligid ko at tanging isang bombilya lang ng malamlam na ilaw ang nakasabit sa may uluhan ko na gumagalaw-galaw pa, dahilan para makita ko ang sarili kong basang-basa na habang nakatali sa isang upuan na gawa sa kahoy. "N-Nasaan ba ako? Pa-paano ako napadpad dito?" nanginginig kong bigkas at pilit na hinihila ang kamay ko sa aking likuran, pero kahit anong gawin ko ay hindi talaga maalis sa pagkakatali ang mga kamay ko at mas lalo lang sumakit dahil sa pagpumiglas ko. "Daddy! Mommy! Help me! Kuya!" pagsigaw ko na parang maiiyak na. Ba't ba kasi ako napadpad dito? Sinong nagdala sa akin sa lugar na 'to? "Kuya! Tulungan niyo po ak..." Hindi ko na natuloy ang pagsigaw ko dahil sa biglang paghablot ng buhok ko na kinangiwi ko at bahagyang kinatagilid ng ulo ko pababa. "Stop asking for help because no one will help you here. Not your parents, not your brothers, and not anyone!" mariin na sabi ng boses lalaki sa tabi ko bago marahas na binitiwan ang buhok ko. Mas lalo akong dinambol ng matinding kaba at inalala ang huling pangyayaari kung saan sinundo ako nung lalaki. Hindi maaari. Impossible. Impossible namang siya ang nagdala sa akin dito. Is he kidnapping me? But that's impossible. Sabi nga niya isa siyang pulis at tauhan siya ni daddy. Ngunit may katutuhanan nga ba ang mga sinabi niya? “Turn on the light, Darius. We need to start the show now,” muling sabi ng lalaki na para bang may inuutusang kasama. Hindi ko makita ang mukha nito dahil hindi na nasasakop ng ilaw at tanging matikas niyang pangngatawan lang ang nakikita kong nakatayo sa gilid ko. Nakasuot ito ng simple white t-shirt at gray shorts with his simple white slippers and with the expensive watch in his left arm. Biglang bumukas ang maliwanag na ilaw. Saglit akong napapikit dahil sa liwanag nito at tinantiya mo na ang silaw bago muling nagmulat ng mga mata at inilibot ang tingin sa buong paligid. Wala akong makitang pinto dahil puro pader lang ang nakikita ko, at sa isang sulok ay may isang maliit na hagdan paakyat sa taas. Kung hindi ako nagkakamali ay nasa basement ata ako. Ngunit paano ako napunta dito? Nananaginip lang ba ako? Pero hindi eh. Napatingin ako sa lalaking bumuhay sa ilaw, nakangisi ito sa akin. He's not familiar to me, ngayon ko lang nakita ang mukha niya kaya hindi ko siya kilala. May kahabaan ang buhok nitong medyo kulay abo, matangos din ang kanyang ilong at medyo makapal ang kilay, kung anong kulay ang buhok niya ay ganoon din ang kulay ng kanyang mga mata na kulay gray. He have a perfect jawline. Nakasuot ito ng ragged denim shorts at walang damit na pang itaas, kung kaya kitang-kita ang kanyang malapad at matikas na pangangatawan na puno ng mga mababatong abs. "Enjoying the view, huh? Wanna taste my hot body?" He grinned at me. Para akong pinamulahan ng mukha sa hiya at mabilis na nag iwas ng tingin sa lalaki. “B-Bakit ako nandito?” halos pabulong kung tanong sa nanginginig na boses. “Kailangan pa ba naming sagotin ang mga tanong mo?” Mapaklang napatawa ang lalaking nakatayo sa tabi ko, 'yung klase ng tawang nakakapanindig balahibo. Oo nga pala muntik ko nang makalimutan na may isa pa palang lalaki. Akmang mag-aangat palang ako ng tingin para makita ang mukha ng lalaki, nang bigla na lang nitong hinablot ang buhok ko at hinila pababa, dahilan para mapangiwi ako at mapatingala sa kanyang mukha. Walang iba kundi 'yung guwapong lalaki sa cafeteria. Pero ngayon ay iba na ang expression ng kanyang mukha, para bang may panganib na dala ang kanyang mga tingin sa akin na parang galit na galit. Para siyang isang tigre na handang lumamon ng tao base sa emosyon na nakikita ko sa kanyang guwapong mukha at matapang na mga mata. Hindi ko mapigilan ang mapangiwi. Ang sakit ng kanyang pagkakahawak sa buhok ko na parang madadala na pati anit at para bang gusto niya na akong kalbuhin. “B-Bakit?” tanong na lumabas sa bibig ko. Pinipigilan ko ang huwag maiyak. Isang ngisi lang ang isinagot ng lalaki bago tumingin sa kasama nito. "Let's get started, Darius." Lumaki naman ang ngisi ng lalaking tinawag na Darius, na siyan bumuhay sa ilaw kanina. Agad nitong dinukot ang cell phone sa bulsa ng suot nitong denim pants bago naglakad papalapit sa akin at itinutok ang cell phone sa mukha ko na para bang kukuhanan ako ng video. “Here it is. Action now, Larco!" Darius announced looking at the man beside me before smirking at me. Binitawan naman ang buhok ko ng lalaking nakilala ko sa cafeteria, na siyang Larco pala ang pangalan. Ngayon ay alam ko na ang pangalan niya, pero hindi ko inaasahan na sa ganitong sitwasyon ko pa malalaman. Nalilito ako sa nangyayari. Halo-halong emosyon ang naramdaman ko sa mga oras na 'to. I don't know what's going on. Kinakabahan ako, nakaramdam ng takot sa dibdib. “Anong . . .anong gagawin niyo sa akin? B-bakit ako nandito?” nanginginig kong tanong habang nakatingala kay Larco. “Where's my dad? Akala ko ba . . .ihahatid mo ako kay daddy?” Ngunit imbes na sagutin ang tanong ko ay ngumisi lang sa akin si Larco, at sa hindi ko inaasahan ay isang mabilis na kamay ang lumipad papunta sa pisngi ko, dahilan para mapatabingi ako. I was shocked. Larco slapped me. Halos namingi ang tainga ko dahil sa lakas ng sampal na tumama sa kaliwa kong pisngi. Napatagilid din ang ulo ko pa kanan, at parang nakaramdam ako ng pagkahilo. Hindi ko man makita ang mukha ko, pero alam kung namula ang pisngi ko. Sa lakas ba naman ng sampal. Hindi ko na nakontrol pa ang panunubig ng mga mata ko at unti-unting nag-angat ng tingin sa lalaking sumampal sa akin. Pero hindi ko pa tuluyang naaangat ang mukha ko ay isang marahas na paghablot na naman ang ginawa niya sa buhok ko pababa at kasabay nun ay isang sampal na naman sa kabila kong pisngi. Ang sakit, sobrang sakit ng pisngi at ulo ko. Parang namanhid ang mukha ko sa sakit ng sampal at paghablot niya sa buhok ko, tila ba gusto niya na akong patayin sa pamamagitan ng sapak. Hindi ko na napigilan ang mapaiyak, 'yung mga luha na pilit kong pinipigilan ay kusa nang tumulo mula sa aking nanunubig na mga mata. Buong buhay ko ay wala pang sumampal sa akin o humablot ng buhok ko. “W-Why? B-Bakit mo ako sinampal?” naiiyak kong tanong kay Larco. Saglit itong napatitig sa akin pero agad ding napa-iwas ng tingin at mabilis na binitiwan ang pagkakahawak sa buhok ko bago tumingin kay Darius na siyang kumukuha ng video. “Send that video to her family,” utos ni Larco kay Darius bago ito seryosong naglakad papunta sa may hagdan nang walang lingon-lingon. “Okay then...what will happen to this girl?” tanong ni Darius habang nasa cell phone pa rin ang tingin. Saglit namang napahinto si Larco sa pag-akyat sa hagdan pero nanatiling nakatalikod. “Kill her.” Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. No! I can't die right here. Sunod-sunod akong napailing. “Oh come on, Larco. Why don't you make her alive? I know, may pakinabang naman 'to kahit papaano.” Darius looked at me. “Am I right, baby girl?” He smirks. “Ano ba ang kasalan ko sa inyo? Bakit niyo ginagawa sa akin 'to!” I asked crying while looking at Larco's back. “Do what you want, Darius. Patayin mo kung gusto mo, buhayin mo kung nais mo.” Larco got out of the basement after saying those words, ni hindi man lang pinansin ang tanong ko. Naiwan kaming dalawa ni Darius. Mas lalong akong napaiyak at narahas na napailing bago tumingin kay Darius. “Just call my parents, ibibigay nila ang p-pera na gusto niyo basta h-huwag niyo lang ako patayin.” Dahil sa sinabi ko ay napa-angat ng tingin si Darius mula sa pagkalikot sa kanyang cell phone at saglit na napatitig sa akin, pero kalaunan ay agad ding ngumisi. “Money?” Napailing-iling ito at gumisi sa akin. “Oh . . .I'm so sorry Miss Gabriel, but I have lots of money so I don't need it.” He approached me and whispered, “pero kung nais mo talagang mabuhay . . .I have an idea.” Tila nabuhayan ako ng pag-asa sa kanyang sinabi. “Kahit ano sabihin mo lang, g-gagawin ko basta h-huwag mo lang akong patayin. Parang awa mo na. Maawa ka, pakiusap. Please don't kill me.” I begged. I don't want to die right here. I'm sure nag-alala na sina mommy sa akin sa mga oras na 'to. Napatango-tango si Darius at ibinulsa ang hawak na cell phone bago naglakad papunta sa likuran ko, hanggang sa naramdaman ko na ang pagluwag ng tali sa kamay ko at pagkahulog nito. Kahit papaano ay para akong nakahinga ng maluwang. “Follow me,” utos ni Darius bago ako tinalikuran at naglakad papunta sa may hagdan. Kahit nanginginig ay pinilit kong tumayo sa aking kinauupuan at sumunod kay Darius paakyat ng hagdan. Nang matapos sa pag-akyat ay isang napakalaking puting silid ang sumalubong sa amin. Isinara ni Darius ang basement at naglakad palapit sa puting kama bago naupo ng nakadikuwatro. Nanatili lang akong nakayo at pasimpleng inilibot ang tingin sa loob ng maluwang na silid. Halos puti lahat ng nasa paligid, mapakumot, unan, kama at pader ay puro puti. Nang muli akong mapatingin kay Darius ay inabot na nito ang bote ng red wine na nakalagay sa bedside table at nagsalin sa baso bago lumingon sa akin na mabilis kong kinayuko. Napayakap ako sa aking sarili dahil sa lamig na nagmumula sa aircon na nasa loob ng kuwarto, sabayan pa ng basa kong kasuotan. May tumutulo pang tubig mula sa basa kong buhok at ganoon din sa suot kong white t-shirt at black jeans na tumutulo papunta sa aking white sneakers. Basa narin pati ang school ID kong nasa aking leeg. “Dance.” Muli akong napaangat ng tingin. “Huh?” Nagkamali lang ba ako ng dinig? Darius rolled his eyes on me. Inalog-alog nito ang hawak na baso na may wine bago lumagok ng inom at muling tumingin sa akin. “Gusto mo pang mabuhay 'di ba? Then dance for me.” Napalunok ako. “A-Ano po?” “Tsk... Are you deaf? I said dance for me! Sumayaw ka sa harap ko kung nais mo pang mabuhay!” May pagka-irita na sa kanyang boses. Napapisil ako sa sarili kong diliri at muling napalunok. Kaya ko 'to, kayang-kaya ko. Ayuko pang mamatay. Sasayaw lang naman ako, eh. Sasayaw lang. I started clapping my hands to the left and to the right. “B-baby shark tottororot...torot . . . Baby sha—” "—what the f*ck!" Darius cursed, nailuwa nito ang wine sa bibig papunta sa loob ng hawak na baso at hindi makapaniwalang napatingin sa akin. Nabitin naman ako sa pagsayaw at napatingin sa kanya. “I want a sexy and erotically dance! Not a baby shark dance! Damn it, Gabriel!” Isang masamang tingin ang ibinigay niya sa akin. Napayuko naman ako at muling napapisil sa nanginginig kong mga kamay. “I'm sorry . . .pero kasi . . .hindi ako marunong ng sayaw na gusto mo.” Napabuga si Darius sa hangin at napahagod sa sariling buhok bago ako tiningnan ng seryuso at inis na itinuro ang isang pinto. “Take a bath in the bathroom. Don't lock the door, I'll be there in a minute.” Wala sa sarili akong napatango at nagmamadaling lumapit sa itinuro niyang pinto. Pagkapasok ko ng bathroom ay agad kong isinara ang pinto at ini-lock. Habol hininga akong napahawak sa sarili kong dibdib kung saan dinig na dinig ko ang malakas na pagtibok ng sarili kong puso dahil sa kaba. Hindi ako pwedeng manatili sa lugar na 'to. Kailangan kong tawagan sina daddy at kuya para makahingi ng tulong sa kanila. Pero paano? Nasa loob ng bag ko 'yung cell phone ko. Napasandal nalang ako sa nakasaradong pinto at napadaosdos ng upo sa puting tiles ng bathroom. Hindi ko mapigilan ang impit na mapaiyak at sinisisi ang sarili. This is all my fault, kung hindi sana ako sumama sa Larco na 'yun edi sana wala ako dito. Ang tanga ko. Ang tanga-tanga ko. Dapat hindi ako nagpaakit sa kanyang guwapong mukha. Hindi ko inaakala na sa kanyang mala-anghel na anyo ay may nakakubli palang demonyo sa loob niya. He's a psycho! Tama ba namang manampal siya ng babaeng walang kalaban-laban? He's crazy! Hindi ko alam kung ano bang naging kasalanan ko sa kanila at kung bakit nila ako dinala sa lugar na 'to. I don't know what's going on. Pero isa lang ang nasisiguro ko, ayoko pang mamatay. Kailangan kong gumawa ng paraan para makahanap ng cell phone at matawagan sina kuya at daddy. But how? Nanatili akong nakatulala nang ilang sandali, hanggang sa napasinghap nalang ako dahil sa tunog ng pag-galaw ng doorknob na para bang pinipilit buksan mula sa labas. I think Darius is coming!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD