MABILIS akong bumalikwas nang bangon at umalis sa ibabaw ni Henry. Agad akong napatingin sa katawan ko. Naalimpungatan naman si Henry dahil sa pag-alis sa kaniyang ibabaw. Kahit papaano ay nakahinga ako nang maluwang nang makitang suot ko pa rin ang bathrobe na suot ko kagabi. Si Henry naman ay damit lang ang wala pero nakasuot naman ng shortpants. “B-Bakit ako nandito? K-Kung gano'n ikaw ang...” I thought it was Darius. Mukhang nagkamali ata ako ng akala. “Hindi ka puwede sa kuwarto nina boss dahil may bisita at baka makita ka pa, kaya dito kita dinala sa kuwarto ko, ayon na rin sa utos ni boss Larco,” tamad na paliwanag ni Henry bago napahikab at inunat-unat pa ang katawan bago bumangon. “So kung gano'n ikaw pala ang bumuhat sa akin kagabi...” mahina kong sambit at napatingin