NANATILI akong tahimik habang sumsusubo ng pagkain. Katabi ko si Darius sa upuan na panay ang lagay ng pagkain sa plato ko. Sa kabila naman sina Henry at Larco na tahimik lang din kumakain. Sa kabilang mesa naman nakaupo ang kanilang mga tauhan. Napakatahimik ng buong kusina at tanging tunog lang ng mga kubyertos ang maririnig. “Oo nga pala, Henry,” basag ni Darius sa katahimikan. “Bumili ka mamaya ng pills.” Napaangat naman ng tingin si Henry. “What kind of pills, boss?” kunot-noo nitong tanong. “Contraceptive,” Darius answered. Nabitin naman sa ere ang tangkang pagsubo ni Larco, at agad na nagsalubong ang kilay na tiningnan si Darius. “You didn't pull out, did you?” tila hindi makapaniwala nitong tanong. Darius rolled his eyes. “Tsk.. I lost control. Kaya nga nagpapabili ng pill