PARA akong maiiyak na naglakad pabalik sa loob ng mansyon habang basang-basa, tumutulo pa ang tubig dagat sa aking suot na t-shirt. Lintik na Henry na 'yun, akala ko pa naman gentleman siya pero may pagka-beast din pala tulad ng dalawang boss niya. Ang sama niya! Ang sama nilang lahat! Pumasok ako sa kuwarto ni Darius at naligo. Nagkulong nalang ako sa kuwarto buong maghapon, lumabas lang ako nang sumapit ang 5:30 PM. At dahil basa na 'yung bra at panty ko kanina ay wala akong choice kundi suotin ang brief ni Darius at boxer, buti nalang may nagkasya kahit medyo maluwang, at sa t-shirt naman ay ginawa kong tatlo para hindi halata kahit wala akong suot na bra. Pagkapasok ko ng kusina ay nakaupo si kuya Arel sa may mesa at nakaharap sa malaking bilao na may lamang mga iba't-ibang klase ng