Third Person NANGINGINIG sa takot at mangiyak-ngiyak sa sakit ang dalawang lalaki habang nakaluhod sa puting buhangin. Umaagos pa ang dugo sa mga putol nitong daliri at gano'n din sa mga paa na may tama ng bala. “B-Bo-boss... p-parang awa mo na... hayaan mo kaming... m-mabuhay... h-hindi na namin... uulitin... ang ginawa namin..” nanghihinang pagmamakaawa ng isa. Ang isang lalaki naman ay nakayuko na na tila hindi na nakayanan ang sakit at parang konting-konti na lang ay bibigay na ang katawan. Ngumisi si Larco sa sinabi ng lalaki, pinaikot-ikot pa nito sa kamay ang maliit na kutsilyo na puno ng dugo dahil sa pagputol sa mga daliri ng dalawang lalaki. “Pakawalan? Buhayin? Oh...” Tumango-tango si Larco habang palakad-lakad sa harap ng dalawang lalaking nakaluhod. “But I don't actual