PAKANTA-KANTA akong lumabas ng kuwarto habang suot ang malaking black gray t-shirt ni Darius. Kanina pag-gising ko ay mag isa lang ako na nakahiga sa kama, kaya alam kong hindi pa nakakabalik si Darius mula sa kanilang pinuntahan. Ibig sabihin ay malaya akong makakilos dito sa isla, walang Darius at Larco. Hindi ko alam kung saan sila pumunta at kailan ang balik nila, pero sana mag tagal pa sila para makahanap ako ng paraan kung paano makatakas dito sa isla. “Good morning po!” bati ko kay kuya Arel pagkapasok ng kitchen. “Magandang umaga din sa'yo. Tamang-tama ang dating mo, anong gusto mong timplahin ko sayo? Gatas o kape?” tanong ni kuya Arel na may ngiti sa labi, parang maganda ang mood, siguro ay dahil wala ang mga boss. “Gatas po with caramel,” sagot ko at naupo sa bakanteng upuan.