Kabanata 2

1206 Words
Good afternoon, Madam. Narito na ho ang aking pamangkin. Magalang ang katiwala sa sakahan na si Mang Danny. Nilapag naman ng Donya ang kanyang tsaa at lumabas siya at nagtungo sa sala. Bumungad agad sa kanya ang isang lalake maitim at payat pero mukhang malakas dahil malaki ang muscle nito. “Good afternoon po, Madam.” Magalang na pagbati sa kanya ang lalake. Ngunit ang nakuha ng atensyon ng Donya ay ang napakagandang babae katabi ng lalake. “At sino naman ang magandang dilag na ito?” talagang napahanga ang Donya sa kakaibang ganda ng babae. “Good afternoon po, Madam. Ako po si Lovely at girlfriend po ako ni Pablo. Natutuwa po ako na nasilayan kita sa personal napakaganda n’yo po pala kaysa sa TV.” Tumawa ang Ginang. Sa edad niyang sengkwenta’y singko maraming na siyang natatanggap na papuri pero nakakatuwa kapag ganitong nangaling sa isang bata pa at maganda rin. “Bueno, ikaw ba ang mag-aapply na driver?” baling ng donya kay Pablo. Kaagad nag-usap ang Donya at si Pablo. Pinakita rin nito ang papeles niya kaya napahanga naman ang Ginang. “Dati ka pa lang driver sa Manila? Bakit ka umalis sa dati mong amo?” tanong ng Ginang matapos nitong makita ang mga katibayan niya. “Nagkasakit po kasi ang Mamang ko at walang mag-aalaga sa kanya kaya umuwi po ako. Hindi na rin po ako bumalik kasi tumatanda na ang Mamang ko.” “Wala ka na bang ibang kapatid? Nasaan ang Tatay mo?” Hindi nakasagot si Pablo sa huli nitong tanong. Maging si Lovely ay nahirapan dahil baka makasira lang sa pag-aaply nila. “Sabihin mo na Pablo.” Si Mang Danny sa tabi nila. Tumingin pa sa kanya ang nobyo tumango lang si Lovely. “Nakakulong po dahil sa pagnanakaw.” Pagtatapat ng binata. “Ano ang ninakaw niya?” “Kasama po ang Tatay ko sa paghold-up sa bangko sa Maynila. Nagkasakit po kasi ang kapatid ko dinala sa hospital pero hindi maoperahan ng doktor hanggat walang down kaya kumapit si Papang sa patalim.” Nakayukong sagot ni Pablo. “Nasaan na ang kapatid mo?” “Nag-aaral po ngayon, Madam. Naroon po siya sa bayan at kasalukuyang nasa 3rd year college na po. Ako rin po ang nagpapa-aral sa kanya.” “Mabuti naman kung ganoon. Sa trabahong ito ay dapat tapat ka at hindi malikot ang kamay. Gayunpaman ay hindi kita huhusgahan dahil lang sa ginawa ng tatay mo. Siguro masama siya sa batas pero mabuti siyang ama.” Napaluha si Pablo mas lalo itong yumuko kaya hinagod-hagod ni Lovely ang likod nito. “Tanggap kana, hijo.” Biglang napaangat ng tingin si Pablo at hindi ito makapaniwala. “Hindi naman ako naghahanap ng magaling lang magmaneho kundi ang nilalaman ng iyong puso. Nakikita kong mabuti kang tao kaya magiging tapat ka rin sa iyong serbisyo. Hindi ba, Pablo?” “O—Opo, opo, Madame!” abot teynga ang ngiti ni Pablo. Sa sobrang saya nito ay nagyakapan silang dalawa. “Pero stay in ka, ha? lalo na sa darating na febrero at mangangampanya na ang anak ko. Magiging busy na kayo kaliwa’t kanan hanggang Mayo. Kailangan magpagupit ka at mag-ahit ng balbas mo.” “Opo, Madame. Mamaya po pagdating ko sa bahay ay magpapagupit at mag-aahit agad ako. Maraming maraming salamat po hindi ko dudungisan ang tiwalang ibinigay ninyo sa akin.” Masayang-masayang sabi ni Pablo. Nakangiti ang Donya. “Mariz tawagin mo si Braxton kako at nandito na ang driver niya.” Sumunod ang tinawag nitong Mariz. Si Lovely naman ay pasimpleng siniko ang nobyo. “Tanungin mo muna sa sahod mo.” Pabulong nitong sab isa likod ng nobyo. “Madame ang tungkol po pala sahod ko at ‘yong mga benipisyo po?” tanong ni Pablo. “Ako na ang bahala roon, Pablo. Mamaya ay ipapaliwanag ko sa ‘yo.” Si Mang Danny ang sumagot sa tanong ni Pablo. Nagpasalamat uli si Pablo at hinihintay na lamang nila ang magiging amo niya. SAMANTALA, Katawagan ni Braxton ang tauhan niyang naroon sa Maynila. Nakuha na umano nito ang impormasyon kung saan matatagpuan ang babaeng naka-one-nightstand niya. “Señorito?” Narinig niya ang boses mula sa labas ng pinto. Tumayo siya at binuksan ang pinto—ang kasambahay nilang pinapag-aral rin ng Nanay niya. “Ahmm, hello po, señorito. Sabi po ni tita lumabas na raw po kayo at nariyan daw po ang bago n’yo pong driver.” Magalang nitong sabi. “Pakisabi kay Mama medyo busy pa ako.” Tugon niya. “Masusunod po, senyorito.” Kagat labing wika ng dalaga. Sinara na ni Braxton ang pinto at muling binalingan ang tauhan niya. Pinadala nito ang address na naroon sa Maynila sinabi niyang siya mismo ang pupunta sa bahay ng tiyahin ng babae. Pagkatapos nilang mag-usap ng tauhan ay pumasok siya sa banyo at naligo. Hindi na siya nagtagal at lumabas na at nagsuot ng panga-lis. Kinuha niya ang wallet at phone saka susi at lumabas na ng silid. “Oh, anak, naku hindi mo naabutan si Pablo at Lovely. Sana’y nakita mo ang bago mong driver.” Saad ng Mama niya. “Ma, may tiwala ako sa ‘yo pagdating sa pagpili ng mga tauhan. Kung sino ang napili mo siya na ang driver ko.” Sagot ni Braxton. Naupo ito sa kaharap ng ina at nagpatimpla siya ng kape sa maid. “Naroon sila anak, oh, pauwi na. Gusto mo tawagin ko muna?” Tumingin lang si Braxton sa tinuro ng Mama niya. Dalawang pares na magkaholding hands hindi na niya makita talaga dahil malayo na rin. Tanging tanaw na lang ang nagawa niya. “Hindi na kailangan, Ma.” Sagot niya sabay sipat ng relo sa pulsohan. “Mabait na bata si Pablo at napakaganda ng nobya niya. Nabanggit ni Lovely na magpapakasal daw sila ni Pablo sa bayan. Sabi ko naman tamang-tama at darating mamaya ang Papa mo papasok siya sa office bukas. Siya ang magkakasal sa dalawa at kumpleto naman ang papeles nila. Siyanga pala anak gustong bumali ni Pablo at maghahanda raw sila kahit pang pansit lang para sa kasal nila. Ano sa tingin mo, anak?” “Ikaw po ang bahala, Ma. Mom knows best.” Tugon ni Braxton. Ngumiti si Jenny sa kanya. “Ikaw talaga anak kuhang-kuha mo ang ngiti ko nagmana ka talaga sa tatay mo. Siyangpala anak, nasaan na ‘yong sabi mo ipapakilala mo sa akin na babae?” panunukso ng Ginang. Napailing si Braxton. “Nakawala po, Ma.” Natatawa nitong sabi pero mas tumawa ang Mama niya. “Sa guwapo mo na ‘yan anak nakawala pa?” mas lalo pa itong tumawa. Dumating ang kape ni Braxton at nagkukuwentohan lamang sila mag-ina pero hindi niya naikuwento ang tungkol sa nangyari sa kanila ng babae. Maya-maya lang ay nagpaalam na si Braxton at may kailangan umano itong gawin sa Maynila. Matatagalan ng isang linggo roon ang binata at sanay naman si Jenny dahil mabuti nga ngayon at nagkakasama na sila sa iisang bubong dahil kadarating lamang ng anak niya galing England. Dito na ito sa Pilipinas for good ito ang susunod sa yapak ng ama at batid nilang mananalo bilang gobernadora si Braxton.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD