Kabanata 1

1667 Words
DAMN! Where is she? Napabalikwas ng bangon si Braxton nang magising siyang wala na ang babae. Paghila niya ng kumot ay bumungad sa kanya ang bahid ng dugo. Napatda siya, nagproseso sa utak niya kung para saan ‘yon. “She’s a sweet virgin. I was her first? Oh God!” higit pa sa nanalo sa sugal ang kasiyahang namutawi sa guwapong mukha ng binata. “Boss?” boses ng tauhan niya mula sa labas. Nagsuot siya ng boxer at lumabas ng silid. Alerto ang apat niyang alalay. “Where is the woman, now?” tanong niya agad sa mga ito. “Sinong babae boss? ‘yong bang katalik ninyo kagabi?” “Yeah. Where is she?” “Naku, boss. Maagang umalis hindi nga po makalakad nang maayos. Sabi nga namin ihatid namin pero nahihiya yata ang babae nakayuko lang siya at nagmamadaling umalis.” “Dang! So, it wasn't just a dream? She's real. The woman is real. I need to find out her name as soon as possible." Masayang bumalik ang binata sa silid at inayos ang sarili. Nagkatinginang ang apat na lalake tas napailing-iling. Hindi ito kauna-unahang babaeng naikama ni Braxton pero ito rin ang unang beses na pumasok ito sa pipitsuging bar at pumatol pa ito sa babaeng kalye. ***** ANAK ng pating! Nag-aalburoto ang tiyahin ni Lovely dahil bumalandra ang dalawang bag sa pintuan. “Wala ka pang isang buwan rito sa Maynila uuwi kana?” “Pasensya na ho tiya at buo na ang desisyon ko. Magpapakasal na kami ni Pablo.” Sagot niya. Pero binatukan lang siya nito sa noo. Hindi siya makapagreklamo dahil kasalanan rin naman niya. Nangako siyang tutulong sa puwesto nito sa bar pero matapos ang nangyari kagabi bigla na lang siyang nilukuban ng konsensya. “At ano ang mapapakain sa ‘yo ng boypren mo? buhangin? Kayong mga kabataan kayo akala ninyo madali ang buhay. Kapag nabuntis ka, ultimo panty mo hindi mo na mabibili!” Masakit man, pero punto por punto ang tiyahin niya. Pero mahal niya si Pablo katunayan ay ito ang nagbigay sa kanya ng pamasahe paluwas ng Maynila. Tas kanina umiyak siya, hindi niya maamin sa nobyo na wala na ang pagkabirhen niya naisuko niya sa strangherong lalake. Napaigtad siya nang tumunog ang keypad niyang selpon. Tumatawag si Pablo kaya lumayo siya sa tiyahin. [“Hello, asawa ko?”] Bungad agad sa kanya ng nobyo. “Asawa ko…” impit niyang usal. Baka kasi mapaiyak siya at mag-alala ito sa kanya. [“Asawa ko napadala ko na sa palawan ang pera. Kasama na ang pangkain mo do’n. Susunduin na lang kita ng kalabaw sa pantalan para makatipid tayo sa pamasahe.”] Nagpasalamat siya kay Pablo. Tinapos na agad nito ang tawag at maghahakot pa sila ng buhangin. Pumasok agad siya sa barong-barong ng tiya niya at kinuha ang card niya sa Palawan. Sa araw rin ‘yon ay babyahe siya pabalik sa probinsya ng Santa Catalina. WALONG oras rin ang byahe mula Maynila patungo sa Isla kaya nang makarating ang dalaga ay sikat pa ang araw. Nagtaka ang mga kapitbahay nila kung bakit narito siya agad. “Hoy, Lab! Bumalik ka? ang sabi ni Aling Lolay matatagalan ka raw roon?” “Oo nga, Lab! Grabi pa naman ang hambog ng Nanay mo na pagbalik mo marami ka na raw pera eh muta pala!” Nagtawanan ang mga pakialamera niyang kapitbahay. Hindi niya na lang pinansin at basta niya na lang pinasok ang gamit niya sa payag o bahay kubo. May mga sinampay pa sa itaas sarado kasi ang bahay nila baka naglako ang Nanay niya ng maruya sa bayan. Umalis siya agad sa bahay nila at nagtungo sa batis pero nakasalubong niya sina Orman at Budong at ‘yong dalawa pang barkada ni Pablo. “Oyy, lab? Totoo nga ang sinabi ni Pablo pauwi ka raw?” nagulat si Budong. “Si Pablo?” tanong niya. Dapat kasi pag ganitong alas singko na ay pauwi na ‘yon at magkakasama na sila. “Mamaya pa daw siya uuwi at nag-iipon. Nabawasan daw ‘yong ipon niya kasi pinadala sa ‘yo.” Napayuko siya, parang sinasabi nitong kasalanan pa niya kaya nabawasan ang ipon ni Pablo. Nilagpasan niya na lang sila Budong at naglakad paibaba na siya hanggang sa tulay. Napahinto siya sa paghakbang nang matanaw niya ang nobyo. Mahigpit ang kapit niya sa mahabang kawayan na siyang hawakan dito sa tulay. Nagpapala si Pablo ng mga buhangin at nilalagay nito sa sako. Dito sa baryo nila ang paghakot ng buhangin ang isa sa mga kinabubuhay ng mga tao. Binebenta nila ito ng bente bawat isang sako at sa dami ng mga naghahakot malalim na ang batis at halos simot na rin. Naalala na naman niya ang mga talak ng Nanay niya na kung si Pablo ang maasawa niya, para daw siyang kumuha ng bato at pinokpok sa ulo niya dahil mahirap na nga sila, mas lalo pa silang maghihirap. Ang gusto kasi ng Nanay niya ay gamitin niya ang ganda niya namana niya sa tatay niyang amerikano. Pero hindi naman niya kilala ang tatay niya dahil nabuntis lang ang Nanay niya dati kasing nagbebenta ng aliw ang Nanay niya sa bayan hanggang sa nabuntis at siya na ang naging bunga. “Asawa ko?” bulalas ni Pablo. Nagulat pa siya, binitiwan agad ni Pablo ang pala at lumapit sa kanya. Bumaba na rin siya at agad silang nagyakapan. Malagkit ang pawis ni Pablo at naamoy pa niya ang putok nito sa kili-kili. Masangsang at para siyang nahihilo pero naiintindihan niya ‘yon dahil sa uri ng trabaho ng nobyo kaya normal lang naman siguro ang may anghet ito. Subalit bigla niyang naalala ang lalaking ‘yon. Ang mabango nitong amoy. Napaigtad na lang siya ng halikan siya ni Pablo sa labi. “Asawa ko, may magandang balita ko sa ‘yo. Kanina lang gusto ko sanang sabihin sa ‘yo sa selpon pero mas gusto ko ngayon kasi sabi ko pauwi ka naman.” “A—Ano ‘yon asawa ko?” na-excite na rin siya dahil masayang-masaya si Pablo. “Pumunta dito si Mang Danny sabi sa akin kung puwede daw isa ako sa kukunin nilang trabahador sa hacienda Fuentebella. Nangangailangan daw ng driver ‘yong panganay na anak ng mga Fuentebella. Ang sabi pa nga ay kakandidato daw ‘yon na Governor dito sa bayan natin. Asawa ko kapag natanggap ako do’n kayang-kaya na kitang buhayin.” “Talaga, asawa ko? Hala! praise the lord halleluiah!” bigla siyang sumigaw dala ng kagalakan. Tuwang-tuwa silang dalawa dahil wala nang balakid pa at mag-aasawa na sila. Kung masaya si Lovely ay taliwas naman ito sa Nanay niyang kontrabida. Hinamak-hamak na naman nito si Pablo kaya umuwi na lang ang nobyo niya. “Inay ano pa ba ang ikinagagalit ninyo? Si Mang Danny na mismo ang nag-alok sa kanya ng trabaho saka hindi ‘yon scam dapat nga matuwa kayo at makakapasok sa alta si Pablo, eh!” himutok niya. Ngunit hinampas siya ng sandok na gawa sa kahoy. Naghahalo ng kangkong ang Nanay niya para pagkain ng alaga nilang baboy. “Huwag kang magpapakasal diyan sa lalake na iyan, labli! Sinasabi ko sa ‘yo.” Kasing tigas ng dila ni aling Lolay ang ulo nito. Kahit pangalan niya hindi maibigkas ng tama. Ganoon rin sa paniniwala nitong maghihirap lang daw siya sa piling ni Pablo. “Balita ko ‘yong panganay na anak daw ng Donya ay sobrang guwapo at binata pa. Tatakbo dawn a governor papalit sa ama niya. ‘Yon ang akitin mo para naman umahon tayo sa hirap, anak. Nangangati na ang katawan ko sa kangkong, tuyo at sardinas. Hindi ko na nga maalala kung kailan ako huling nakakain ng karne!” “Ayan na naman si Nanay, eh! bahala kayo basta pakakasal ako kay Pablo at mahal ko siya!” “Tarantada! Hindi ka mapapalamon ng letseng pagmamahal na ‘yan! makinig ka sa akin Labli at—” “Bahala kayo riyan!” Inis niyang iniwan ang Nanay niyang mukhang pera. Tama ba ‘yong turuan siyang akitin daw ‘yong panganay na anak ng donya? Saka, papatol naman kaya sa kanya kung sakali? Sira talaga si Nanay. Ang mga kagaya ng mga Fuentebella ay maghahanap rin ito ng kagaya nilang alta. Pumasok na lang siya sa loob ng bahay at kumuha ng damit. Maliligo siya kahit galing siya sa byahe. Ang lagkit kasi ng katawan niya. Dito lang siya naligo sa poso ng kapitbahay nila. Marami rin nag-iigib at may nagbabanlaw. Katatapos niya lang magshampoo at sabon ni hindi pa nga siya nakapag-conditioner nang tumatakbo si Pablo palapit sa kanya. “Asawa ko, asawa ko.” “Oh, bakit?” taka niyang tanong lalo’t nakabihis ang nobyo. “Ayos na ba itong hitsura ko? biglaan kasi dumating si Mang Danny sa bahay at pinapatawag daw ako sa mansyon. May interview daw ako kung fit ako maging driver ng boss ko.” Masayang-masayang anunsyo ng nobyo niya. “Oo naman, asawa ko. Ang guwapo-guwapo mo na saka dalhin mo ang katibayan mo na nakapagtapos ka ng automotive para naman mapataas ang kilay nila. Gusto mo samahan kita, asawa ko?” “Puwede ba? pinanghihinaan kasi ako ng loob dahil matagal na akong hindi nakahawak ng manibela baka pagdriven ako bigla. Saka baka paghinalaan nila akong adik kaya Kailangan ko ng suporta mo, asawa ko.” Pakiusap ni Pablo. “Aba, syempre. Teyka lang, magbibihis lang ako mahal ko at ako ang backer mo diyan!” kumpyansa niyang turan. Napangiti si Pablo kahit gusot-gusot at hahabolin ng plantsya ang polo nito ay mukha naman matino ang hitsura ng nobyo niya. ‘Yon nga lang dahil sa long hair nitong buhok na sa sobrang pagkatipid ay hindi na nakaranas ng gunting. Dagdagan pa ng napakaitim nitong balat gawa ng sunog sa araw. Basta, malakas ang kutob ng dalaga na matatanggap bilang driver ng mga Fuentebela ang mapapangasawa niya, period!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD