Kabanata 3

2803 Words
ANO buntis kana? Ke aga-aga ay ito ang bungad sa kanya ni aling Lolay. Isang linggo na silang ikinasal ni Pablo at isang linggo na rin ito ang alarm clock niya tuwing umaga. “Inay naman, eh! paulit-ulit na lang!” inis niyang turan. Nagkakayod ng niyog ang Nanay niya at ipapartner nito sa kamoteng kahoy ‘yon ang almusal nila. “Paano ako hindi magagalit sa ‘yo matigas ang bungo mo. Sinayang mo lang ang gandang pinamana ko sa ‘yo hindi mo ginamit. Ang suwerte ng puking inang Pablo na ‘yan. Makinis, maganda, matangkad at sexy ka pa Labli tas ang unggoy na ‘yon lang ang makikinabang sa ‘yo?” “Inay kung hindi talaga kayo titigil magpapabuntis na talaga ako para bigyan ko kayo ng apo at kamukha pa ni Pablo para mas lalo kayong— araaayy, Inay!” Binato siya ng Nanay niya ng bao na wala nang laman. Tumama ‘yon sa braso niya. “Bawiin mo ‘yan Labli at masama ang magbitiw ng salita. Baka magkatotoo!” Napangisi siya. “Talagang totohanin ko ‘yan Inay para mawala na ang galit n’yo sa asawa ko!” Tumayo si aling Lolay at kumuha ng pamalo hahatawin sana siya nang may tumawag sa pangalan nito. “Magandang umaga, Lolay?” Napatingin sila parehas sa gate nilang gawa lang sa kawayan. Si Kapitana pala may kasama pa itong dalagita. Binitiwan ni aling Lolay ang pamalo at nakangiting lumapit kay Kapitana. Ang dalaga naman ay naghilamos ng mukha at nagsepilyo na rin. “Pasok po kayo, kapitana. Pasok po.” Masayang pinapasok nito ang bisita. “Aba, narito pala ang dalaga mo, Lolay? Kaygandang bata.” Napangiti si Love kay kapitana binati niya ito. “Naku kapitana nag-asawa na ‘yan, nitong nakaraang linggo lang. Kain tayo ng kamote kahoy, ineng kain.” “Ganoon ba, sayang naman at nag-asawa agad. Siguro mayaman ang manugang mo at kay ganda talaga ng dalaga mo, Lolay.” Nasamid yata si aling Lolay sa sinabi ni Kapitana. Napaubo ito at uminom ng tubig. “Hindi naman Kapitana si Pablo ‘yong anak ni depunto Kurarat ‘yon ang naasawa ng anak ko. Siyangapala, ano ho ang sadya ninyo kapitana?” Paglilihis ni Aling Lolay dahil baka hindi niya matansya ang sarili at malibak na naman niya ang manugang. “Oo nga pala Lolay bago ko makalimutan. Nagpapahanap sa akin si Donya Jen ng magluluto sa mansyon. Isang araw lang daw at may mga bisita daw siyang darating galing Maynila. Eh sabi ko naman ikaw ang ma-irekomenda ko dahil masarap kang magluto. Magbibigay siya ng isang libo at kung masarapan ang mga bisita niya magbibigay pa siya ng bonus. Tsaka, ang mga bisita niyang ‘yon ay nagbibigay ng TIP sa mga trabahador lalo na ‘yong marunong mag-asikaso sa mga bisita.” “Talaga kapitana? totoo ba ‘yan? aba, puwedeng-puwede kami riyan nitong anak ko.” Galak na turan ni aling Lolay. “Inay isa lang ang hinahanap ‘yong tagaluto lang. Alangan naman tayong dalawa?” sagot ni Lovely. “Puwede ‘yon ‘neng tagahugas ka mabait naman ang Donya. ‘Yon lang hindi ko alam kung may bayad ka rin kasi tagaluto lang ang pinapahanap ng Donya.” “Naku kapitana kahit walang suhol itong anak ko ay ayos lang. Makalibre lang kami sa pagkain. Tiyak masasarap ang mga pagkain sa mansyon.” “Inay naman eh baka sabihin ng mga taga mansyon patay gutom tayo. Para—” “Bakit hindi ba? kung sana’y nakinig ka lang sa akin ‘di sana hindi tayo nakikiamot para lang makatikim ng masasarap na pagkain!” mariing pinutol ni aling Lolay ang paliwanag niya. Tumahimik na lamang si Lovely at baka kung saan pa mapunta itong usapan. Tumawa lang si Kapitana sa mag-ina. “Siya, hindi na kami magtatagal Lolay, Lovely. Dadaan pa kami sa barangay. Basta pumunta lang kayo sa mansyon mamaya kahit bandang alas diyes na at doon na kayo mananghalian.” “Sige po, Kapitana. Maraming salamat at ako ang nirokemnda mo hayaan mo at hindi kita ipapahiya sa Donya.” Nagpasalamat rin si Kapitana at umalis na sila. Tumingin sa kanya ang dalagita at sumunod na kay Kapitana. “Kita mo ‘yan Labli ako ang nilalapitan ng grasya. Pakakainin ko lang ang baboy at ikaw maligo kana dahil sasama ka sa akin sa mansyon.” “Ayaw ko nga Inay marami naman tagahugas do’n eh. Buti sana kung may sahod din ako.” “Sumunod ka sa akin Labli kasi nasa puder pa kita. Maghuhugas-hugas at punas-punas ka lang naman do’n sa kusina. Makakain lang tayo anak. Hindi ka ba nasasabik sa litson?” “Nasasabik pero nakakahiya pupunta lang ako do’n para makikain. Inay naman hindi na ako bata may asawa na ako!” Giit ni Lovely. “Sa ayaw at sa gusto mo sumunod ka sa akin kung ayaw mong guyorin ko pa ‘yong mahaba mong buhok hanggang mansyon!” Naghihimutok man sa inis pero walang nagawa si Lovely kundi ang sumunod na lamang. Hindi na natapos ng Nanay niya ang pagkain ng kamoteng kahoy dahil pinaghahandaan daw nito ang tiyan para sa masasarap na pagkain sa mansyon. Kinuha na lamang niya ang mga sinampay na damit ng asawa niya at tinupi dito sa kubo. Namiss niya tuloy si Pablo mula kasi nang ikasal sila ay hindi manlang sila nakapag-honeymoon sinubukan naman nila kaso natatakot si Pablo virgin pa rin kasi ang asawa niya. Pabor naman sa kanya na wala pang nangyayari sa kanila kasi hindi niya alam paano ipaliwanag kung magtaka ito at wala nang dugo. Mabilis lamang natapos maligo ang Nanay niya. Basta na lang nito nilagay ang timba sa gilid at kinuha agad ang tuwalya. “Aba, bilis ah? tatlong tabo lang siguro ano, Inay?” pang-aasar niya. Hindi siya pinansin ng Nanay niya pumasok ito sa banyo nilang tagpi-tagpi lang na sako at sem na sira-sira. Tama lang matakpan ang katawan nila ni walang bubong. Natapos ang pagtupi ni Love at pinasok na niya sa karton ang mga damit ng asawa niya. Nakabihis agad ang Nanay niya. Short na hanggang tuhod at T-shirt naman ni Mayor Brandon ang tatak sa likod. “Ganda ng T-shirt n’yo Inay, ah? hindi halatang sipsip kayo sa Donya!” pang-aasar niya. “Tumigil ka nga, Labli!” tinarayan siya ng ina. Nagsuklay ito ng buhok niyang panglalake. Saka nagdala ng mga plastic sa sako bag nito. “Mamaya tanghaling tapat isilong mo ang baboy. Tas pag alas kuwatro sumunod ka sa mansyon!” Litanya ng Nanay niya. “Opo, Inay! sinabi n’yo, eh.” Sagot niya. Umalis na agad ang Nanay niya. Hindi na niya inabala pang pagdalhin ito ng payong dahil naiirita lamang si Aling Lolay at sagabal lang daw sa paglalakad nito. Kinuha niya ang radyo at tinanggal ang baterya saka niya binilad sa araw. Para mamaya malakas ang tunog nito dahil may inaabangan siyang drama. Isang iglap, bigla siyang natulala, sumagi na naman sa isip niya ang misteryosong lalake. “Lab?” “Hoy, Lab bil!” Napakurap siya nang hampasin siya sa braso. Paglingon niya ay si Dimple ang kapitbahay niyang dakilang tsismosa. Tiyak may baon na naman itong tsismis. “Hoy alam mo ba—” “Sabi na nga ba eh, may tsismis ka na naman!” tumayo siya at kinuha na ang baterya. Pinaslak niya ito sa loob ng radyo at bongga, malakas na ang tunog. “Makinig ka nga muna sa akin kasi may magandang balita ako hindi ito tsismis!” Hindi na siya nagsalita kaya nagpatuloy si Dimple. “Nakita ko sa kotse ang panganay ni Mayor Brandon, shucks! Ang pogi!!!” “Arayyy naman Dimpz kailangan talaga manghampas?” Inis niyang turan. Parang kiti-kiti sa sobrang likot si Dimple. “Malakas ang pakiramdam ko Lab ang anak ni Yorme na ang sagot sa kahirapan namin. Buti nga at nagpakasal na kayo ni Pablo ibig sabihin ako na ang natitirang magandang dalaga sa Santa Catalina!” Napangiwi si Love dahil parang temang itong kaibigan niya. Binatukan niya ito dahilan ng pagbusangot ng mukha. “Tangahaling tapat nanaginip ka? gusmising ka sa kahibangan mo, oi!” Umikot lang mata nito tas nangulambaba at nakatanaw sa malayo. Nangangarap ng gising si Dimple akala mo naman papatulan. Napangisi na lang si Lovely. Minabuti niyang kunin ang baboy at nilipat niya sa ilalim ng puno. Nilagyan niya ng tubig at pagkain. “Mamaya pala punta ako kila Mayor nando’n si Nanay tutulong sa pagluluto. Makikita ko ‘yong sinasabi mo—” “OMG! OMG! Sama ako, Labli?” Biglang napatayo si Dimple at lumapit sa kanya. “Bawal ka do’n ano! pwera na lang kung katulong ka din do’n eh ako nandoon si Nanay kaya puwede ako.” “Sige na Labli maawa ka naman sa akin. Gusto ko uli makita ‘yong anak ni Mayor sige na. Kapag napangasawa ko ‘yon pangako ko sa ‘yo bibigyan kita ng ginto tas patatayuan kita ng mansyon. Tapos pag-aaralin kita para matapos mo na ang dalawang taon.” “Hanip ka rin eh, ‘no? ang layo na ng imahinasyon mo. Sige na nga basta kailangan tumulong ka sa paghuhugas ng pinggan saka do’n lang daw tayo sa kusina.” “Oo, oo. Maliligo na ako saka magteterentas tayo ng buhok. Wahhh! Mrs. Dimple Fuentebella, shucks! Bagay na bagay!” Napailing na lang si Lovely dahil sa kabaliwan ng kaibigan niya. Tumatakbo ito at pakanta-kanta habang pabalik ng bahay nila. Nakinig na lang siya sa drama at kumain ng kamoteng kahoy. Pagpatak ng ala ona ay naligo siya tas tinawagan niya si Pablo. Sumagot ito sinabi nitong nakauwi na raw sila at kasalukuyang nasa mansyon. Na-excite siya tuloy pitong araw silang hindi nagkita ng asawa. Nakaidlip siya at nasa kasarapan siya ng tulog nang kalampagin siya nang malakas ni Dimple. “Lab bil?” malakas nitong sigaw. “Love bel, hindi Lab bil!” pagtatama niya. “Buksan mo dali na magmake-up na tayo!” Inis siyang bumangon at binuksan ang pinto. “Tadannn!” “Ano ‘yan?” Kunot noo niyang tanong. “Ano pa edi pangkulot. Kailangan kahit taga guhas lang tayo nag-uumapaw pa rin ang ganda natin. Tara na at unahin mo akong kulutin.” Lumabas siya ng bahay at nagtungo sa kubo. Nilapag ni Dimple ang mga sanga ng kamoteng kahoy na pinagpgpigtas pa nito. Madalas nilang gamitin ang sanga kapag may kasadyaan dito sa baryo lalo na kung graduation. Katulad ng kagustuhan ni Dimple kinulot-kulot niya ang buhok nito. Naubos ang sampung sanga dahil sa kapal ng buhok. Tapos siya naman ang kinulot ang buhok. Bandang ibaba lang ng buhok niya pangit kung hanggang sa tuktok pero si Dimple ito ang gusto mula sa tuktok ng ulo hanggang baba ‘yon ang gusto niyang pagkakulot. Pagkatapos nila sa buhok ay sa mukha naman. Masyadong makapal ang make-up ni Dimple habang sa kanya ay simple lang. Hindi na siya dalaga para magpaganda pa baka isipin ni Pablo may pinapagandahan siya. Natapos ang lahat at nakapagbihis na sila. Alas tress y media tamang-tama lang kasi lalakarin lang nila hanggang sa bayan. Ni-lock niya ang pinto at umalis na sila. “Ang ganda ng saya mo, Lab bil. Sa totoo lang marami ang nanghihinayang sa ‘yo kasi napakaganda mo daw tas napunta ka lang kay Pablo.” “Bakit? guwapo si Pablo ah? maitim lang siya pero guwapo siya ang tangos kaya ng ilong niya namana niya sa tatay niyang Bombay.” Pagtatanggol niya sa asawa. “Hindi tungkol sa mukha ang nais kong sabihin kundi ‘yong datong ba. Pare-parehas lang tayo mga hampaslupa dapat ang inaasawa natin ‘yong mga mayayaman.” “Hindi ko hinahangad maging mayaman Dimpz. Basta nakakain lang ng tatlong beses sa isang araw tas masaya kami ni Pablo at magiging anak namin. ‘Yon lang ang buhay na pangarap ko.” “Wala ka bang naging crush sa Maynila? Ang sabi ng Inang ko, sa Maynila daw naroon ang iba’t ibang klaseng tao at kung mukha at yaman lang ang pag-uusapan sa Maynila daw maraming ganoon.” Hindi siya nakapagsalita sa sinabi nito. Hanggat maari ay ayaw niya nang isipin pa ang nangyari kaya minabuti niyang bilisan na lang ang paglalakad kaya si Dimple ay nainis sa kanya at hinabol siya. “Wow! Parang castle pala ang mansyon ni Donya Jen. Ganito ang nababasa ko sa mga fantasy novel.” Napangiti lang siya ganito rin ang paghanga niya noong unang nakarating siya dito kasama si Pablo. Kahit matagal nang usap-usapan sa baryo nila ang mansion pero ni minsan hindi sila nagsayang ni Dimple ng oras para lang tumingin katulad ng mga kapitbahay nila. Bumitaw sa braso niya ang kaibigan at hinawakan nito ang bestida at inangat saka rumampa na parang reyna habang hawak ang laylayan ng bestida niya. Napakaganda rito Lab bil, nai-imagine ko tuloy ako ang nawawalang anak ng Donya o ‘di kaya ako ang Disney princess para sa kanilang prince—” “Ay kabayo!” Sabay silang napatingin ni Dimple nang may magbusina sa kanila. Ang magarang sasakyan na papalapit. Tumabi agad si Dimple at humawak sa kanya. Pumagilid sila upang bigyan ng space ang sasakyan ngunit huminto ito sa mismong tapat nila at saka bumukas ang bintana. “Oh my G!” bulalas ni Dimple nang makita nila ang isang lalake nan aka-shades pa ito at tumingin sa kanila. Niyuyogyog siya ni Dimple sa braso hindi ito nakapagsalita ito siguro ang anak ni Mayor. Bumukas ang pinto at agad na lumabas ang lalake. “Eng tengked, mekheng deks!” ang malanding tinig ni Dimple na sinadya pang pangiwiin ang bibig. “It’s you!” turan ng lalake at sa kanya ang tingin. Napakunot noo siya, ngunit nang tinanggal ng lalake ang shades ay biglang namilog ang kanyang mga mata. Napaawang ang kanyang labi at para bang tumigil ang pagtakbo ng oras. “Hi, sweetheart, our paths cross once more.” Sumilay ang mapuputi at pantay na ngipin ng binata. Ang kanyang mga mata ay kasing tingkad ng ulap, bakas ang kasiyahan nang muli niyang nasilayan ang babaeng hindi na maalis sa kanyang isip at palaging laman ng kanyang gunita. Samantalang hindi nakapagsalita si Lovely, gulat na gulat pa rin siya. Ngunit mas lalo siyang nagulat nang tumakbo si Pablo. “Asawa ko!” Tila tuod na sa kinatatayuan si Love kahit pa nakitang tumakbo ang asawa at mabilis siyang niyapos. “Asawa ko, miss na miss kita.” Sobrang saya ng mukha ni Pablo. Pinugpog siya ng halik sa mukha at sa labi. “Asawa ko, ayos ka lang.” Hinaplos ni Pablo ang mukha niya. Napakurap-kurap siya. “Ay, boss, asawa ko po pala. Si Love bel pero ang tawag namin sa kanya ay Lovely at ito naman ang bestfriend niya si Dimple.” Masaya at super proud si Pablo na ipakilala siya sa amo nito. Tumingin siyang muli sa lalake. Ang kaninang masayang ngiti nito ay unti-unting naglaho. “Is she your wife?” nauutal pa ang tinig ng binata dahil sa paninigurado nito. “Opo, boss. Bago lang po kami ikinasal.” Abot tenga na sagot ni Pablo. Hindi nakapagsalita ang binata. Para bang binagsakan ng langit at lupa. Maging ang ngiti nito ay halatang napipilitan lamang. “Asawa ko, siya ang boss ko. Mabait at galante. Mag hi,” Bulong ni Pablo kay Lovely. “H—Hi, Sir.” Usal niya. “Hi, Lovely, nice to meet you. Your name suits you.” nilahad ng binata ang palad nito. Nag-atubili siyang kunin ‘yon siniko lang siya ni Dimple kaya inabot niya at nagkamay sila. Lihim siyang napasinghap nang muli niyang maramdaman ang balat nito. Tas humigpit ang hawak sa kanya ng binata na para bang ayaw na siyang bitawan. Kung hindi pa niya hinila ang kamay ay saka lang bumitaw sa kanya ang binata. “Anak, nariyan kana pala.” Ang boses ng donya na sakay sa kalesa at naabutan sila dito sa labas. “Sige po, sir. Ahhm, papasok na ho kami at tutulong kami sa paghahanda.” Magalang na wika ni Lovely. Hindi nakapagsalita ang binata, nagpaalam rin sa kanya ang driver na papasok na sa loob at tumango na lang siya. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ng binata. Tanging tanaw na lamang ang nagawa niya para sa babae. Hnding-hindi niya makakalimutan ang gabing pinagkaisa ang kanilang katawan. Birhen ang babae at siya ang masuwerteng naka-angkin ngunit nang magising siya ay wala na ito sa tabi niya. Hinanap niya ito tas malaman-laman niya, nagpakasal na pala ang babae, sa driver niya pa. Napakaliit ng mundo! Well, life is unpredictable. You’re not the center of the universe. Kailangan natin tanggapin na ang pagkabigo ay bahagi ng ating buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD